"NIKOLA, ikaw ba iyan?" hindi makapaniwalang tanong ni Alena nang lumabas siya kinabukasan.
"Bagay ba?" Nakahalter minidress siya ngayon ngunit upang mapanatiling rated G ang kanyang suot ay pinaresan niya iyon ng maikling shorts. Kasing-ikli lang niyon ang kanyang damit.
"Oo naman." masayang sabi nito. "Teka, saan ba ang lakad mo ngayon? May gagawin ka bang commercial?"
"No, my friend," tanggi niya at nagsimulang maglakad tungo sa lugar na pupuntahan niya sa araw na iyon. "Feeling kong sundin ang payo mo. Para naman may pakinabang ako dito at sana makalimutan ko ang pangit na nangyari sa aking buhay." Natatanaw na niya ang basketball court kung saan ginaganap ang registration ng mga volunteer ng coastal cleanup.
"Aba, maganda nga iyan, friend. Sinabi ko naman sa'yo na lilipas din ang sakit diba?"
"Oo, Alena. At may isang tao akong gustong turuan ng leksiyon."
"Teka. Hindi ko yata maintindihan. Sino ang tuturuan mo ng leksiyon?" sunud-sunod na tanong nito.
"Saka na ako magpapaliwanag. For now, sasali ako sa coastal cleanup dito sa lugar ninyo," kampanteng sagot niya. Natigilan siya sa paglalakad nang makita ang ekspressyon sa mukha nito. "O, bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya.
"Wala lang. Parang biglaan yata ang desisyon mo. Naisip ko tuloy na si Brad ang dahilan. Is it because of him? Siya ba ang gusto mong turuan ng leksiyon, Nikola?"
"You're getting smarter, Alena. Yes, siya ang dahilan. For the first time ay nag-sink in sa utak ko ang payo mo. I will make his life miserable!"
"Sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan? Masyadong peligroso ang naiisip mong paglilibang, girl. Baka mahulog lang ang loob mo sa kanya and instead of hurting him, you'll get yourself hurt in the process again," babala nito.
"No, Alena," tutol niya sa sinabi nito. "Masyadong mayabang ang lalaking iyon at wala akong balak pumatol sa kanya." Nasa loob na sila ng basketball court nang may bumati rito.
"Uy, Alena, sasali rin ba kayo sa coastal cleanup?"
"H-ha? Eh..."
"Oo, kasali kami. Right Alena?" makahulugang tingin ang ipinukol niya rito kaya naman wala itong magawa kundi ang tumango na lamang.
"Great. Doon kayo sa table ni Michelle. Siya kasi ang naglilista ng mga volunteers. Halina kayo," anyaya nito sa kanila. She scanned the crowd looking for one particular person.
"Nandoon siya sa table ni Michelle. Are you ready?" singit ni Alena. Agad naman siyang tumingin sa tinutukoy nito. Nandoon nga si Brad, laughing and talking comfortably with the one named Michelle.
Ang manyak! Kaya pala halos lahat ng nag-volunteer ay mga babae. Konting ngiti lang nito, kumakagat na agad ang mga pobreng kababaihan.
Well, she won't be one of them. Dahil hindi ang attensiyon nito ang kailangan niya. Kailangan niyang ma-accomplish ay ang sirain ang araw nito everyday! Kaya taas noong naglakad siya patungo sa table ng mga ito at matamis na bumati rito.
"Hi! May vacant slot pa ba for volunteers?" tanong niya nang hindi nakatingin kay Brad.
"Oh, sure! May vacant slot for everyone na gustong mag-volunteer, right Brad?" tumingin ito kay Brad upang humingi ng approval. Napatingin rin siya dito.
Nagtama ang kanilang mga mata. Nababasa niya ang pagdududa sa mga mga mata nito habang nakatitig siya rito nang may paghamon. Upang madagdagan pa ang kalituhan nito ay ngumiti siya ng pagkatamis. Agad nagdilim agad ang anyo ng binata na ikinatuwa niya.
BINABASA MO ANG
Rain In My Summer (PHR)
Teen FictionFirst published by PHR. This is the PREQUEL of STUCK ON YOU 1 and 2. Kung nabasa ninyo iyon, tiyak familiar sa inyo ang characters nina Brad and Nikola. They were introduced sa book 2 I think pero magkakaibigan yan silang tatlo: Brad, Chase and Rake...