10. The End or The Beginning?

8.9K 226 61
                                    

NAGISING si Nikkola sa mahihinang katok sa kanyang pinto. Sinipat niya ang relo. Alas-tres pa lang ng madaling araw. Mabigat ang katawang bumangon siya at pinagbuksan ang kumakatok.

Tumambad sa kanya ang mukha ni Brad. Malungkot ang mga mata nito. Ang isang kamay nito ay may bitbit na laptop. Nangingitim ang gilid ng mga mata nito. Sa tantiya niya ay hindi ito nakatulog. May mga bakas pa ng pasa ang mukha nito sa pakikipagsuntukan nito kay Wolf kanina.

Hindi siya nakapagsalita agad. Nakatitig lang siya sa mukha nito. nais niyang iukit iyon sa kanyang ala-ala. Nais niya itong yakapin sa huling sandali ngunit laging nagsusumiksik sa utak niya ang panlolokong ginawa nito. Ang mga kasinungalingan nito sa kanya.

"C-can we talk?" paos ang tinig nito. "Please?" samo pa nito nang hindi siya sumagot.

Nag-iwas siya ng tingin at marahang tumango. Muli siyang pumasok sa silid at kinuha ang kanyang jacket dahil alam niyang malamig ang hangin sa labas.

Muli niya itong nilabas. Nakatalikod ito at nakatanaw sa malayo. Ang laptop na hawak nito kanina ay inilapag nito sa mesang gawa sa kawayan.

"Ano pa ang gusto mong pag-usapan?" tanong niya na nananatiling nakatayo sa likuran nito. Pumihit ito at humarap sa kanya.

"I'm sorry," malungkot ang boses nito pati na ang mga mata nito. Nais niyang maniwala ngunit hindi siya sigurado kung tama bang magtiwala uli siya rito. "Nang pumayag ako sa trabahong ipinapagawa niya ay hindi ko alam ang totoong nangyari. Hindi ko alam na pinagtangkahan ka niyang gahasain. Why didn't you tell me?"

"I have my reasons, just as you had when you lied to me," mapait niyang tugon. Bumakas ang pait sa mukha nito.

"I may have omitted some facts to you, Nikki. Ngunit lahat ng ipinakita ko sa'yo, totoong ako iyon."

She remembered them too and those memories brought fresh tears to her eyes.

His words sound so real, so heartwarming. Ngunit natatakot siyang muling magtiwala rito. Natatakot siyang malaman na umaarte lang ito sa harap niya. Na minamanipula lamang nito ang kanyang emosyon at sa huli ay matagpuan na lamang niya ang sariling muling nagpatangay rito.

"I lied to him. Kailanman ay hindi ko sinabi kay Steve na kasama kita o kung nasaan ka. I turned him down, Nikki."

"You're lying." Naalala niya ang nabasa niyang printed email message sa silid nito.

"No," bulong nito at pagkuwan ay lumapit ito sa kinaroroonan ng laptop nito at binuksan iyon. He opened his email after connecting to the internet. "Everything you need to know is here," anito sabay turo sa laptop. Ikinuha siya nito ng silya at pinaupo. Atubiling sumunod siya. Naramdaman niyang umalis ito sa kanyang tabi, giving her every right to access his files, his privacy.

Sandali muna siyang nakatitig sa laptop bago sinunod ang suhestiyon nito. She browsed his inbox. True to his word, nandoon nga ang emails ni Steve at ang pagnanais nito na kunin ang serbisyo ng binata upang hanapin siya at dalhin sa poder ni Steve. Sandali siyang kinilabutan sa gustong mangyari ng dating kasintahan. Hindi niya alam na ganoon na ito kalulong sa droga at kung anu-anong kasamaan na ang naiisip.

Sumunod niyang binuksan ay ang sent items folder. The last message sent was for Steve. It was sent a week ago. Naalala niyang iyon ang araw na magkasama silang naglibot sa isla upang magsagawa ng awareness program sa mga liblib na baranggay.

I am presently tied up with a job right now. I have to turn you down. I'm sorry. Ayon pa sa liham nito.

Ilang ulit niyang binasa iyon bago ipinasyang harapin ang binata. Nasagot ang ilang katanungan sa kanyang isip ngunit napalitan naman iyon ng panibagong mga tanong.

Rain In My Summer (PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon