Prologue

27.6K 491 7
                                    

Save Me

by eurekaa

Prologue



Ilang segundo na lang...

Ramdam na ramdam ko ang malakas na simoy ng hangin. Ramdam ko rin ang pagiging malamig nito. Palibhasa kasi, gabing-gabi na. Hindi na rin masyadong maingay ang daan. Sa tantiya ko, siguro, malapit ng maghahatinggabi.

Inayos ko ang pagkakaupo ko sa may ibabaw ng railings ng bridge. Wala na ring masyadong dumadaan na mga sasakyan dahil gabing-gabi na. Ang sobrang tahimik ng paligid.

Ano kayang feeling kung mahulog ako mula rito papunta doon sa malalim na dagat? Siguro, napakalamig din ng tubig.

Kinuha ko ang bracelet na ibinigay sa kin ni Stacy sa kamay ko para hubarin. Pagkatapos ay sinubukan kong ihulog ito sa dagat. Wala akong narinig na ingay man lang galing doon. Gaano kaya kalalim ang dagat na ito? Kung may tao bang mahuhulog dito, maririnig kaya ng mga sasakyan na dumadaan sa bridge ang pagkahulog niya?

Siguro hindi. Nagsasayang lang ng oras ang driver ng kotse kung titignan niya pa kung meron ngang taong tumalon mula rito.

Bigla na namang humangin ng malakas. Napapikit ako habang damang-dama ang hangin. Ilang segundo na lang... Malilimutan ko na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Kaagad ko namang pinahid ang luhang umagos sa kanang mata ko at natawa. Akala ko kakayanin ko 'tong lahat na ito. Todo pa nga akong makapagbigay lakas ng loob para sa sarili ko, na lagi kong pinaniniwalaan ang motto kong 'Be positive'.

Actually, sinunod ko naman talaga ang motto kong iyon. Pero sa kasawiang palad, minsan, kailangan mo ring ibahin ang pananaw mo. Hindi lahat ay dapat maging positibo.

Akala ko.. magiging masaya ako. Oo, naging masaya ako pero panandalian lang. Akala ko magiging masaya ako kapag nagkaroon ako ng mga kaibigan. Akala ko hindi ako masasaktan. Akala ko para maging masaya silang lahat ay dapat ako ang laging umiintindi, makipagkumbaba. Akala ko pinapahalagahan ako. Pero hindi pala.

Tuwing maalala ko ang mga pangyayaring iyon, parang kinakain ang buong pagkatao ko. Ang sakit. Sobrang sakit.

//
Beware of a lot of typo errors in this story.

Save Me (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon