Save Me - New Friend?

8.2K 259 12
                                    

Save Me – New Friend?

 

Day by day, mas lumala pa ang turing nila sa kin. Feeling ko nga para akong asong kalye sa mga paningin nila. Ang mga teachers naman namin, walang pakialam o kaya’y nagbubulag-bulagan lang sa mga nangyayari.

Minsan ko na ring sinubukang humingi ng tawad ulit kay Stacy pero gaya ng dati, hindi niya ako pinakinggan.

Parang kinakain na ako ng mga emosyong nararamdaman ko, ang buong pagkatao ko. Ang mga kaklase ko, ang mga kaibigan ko, ang mga pamilya ko, wala silang pakialam sa kin. Wala silang pakialam sa kung anong nararamdaman ko o kung may dinaramdam ako.

“Class, get a partner. By pair ang magiging activity natin and yes, you can choose your own partner.” Sabi ni Sir Montero sa min na teacher namin sa Mathematics.

Hindi ako kumilos o tumayo mula sa seat ko para maghanap ng partner kasi sanay na ako na wala akong napapartner simula ‘nung kumalat ang chismis na iyon.

Alalang-alala ko pa, kapag may mga pair activity, si Stacy lagi ang partner ko kaya naman si Krista, napipilitang humanap ng ibang partner pero kapag trio naman, kami tatlo lagi.

At alam kong sa huli, wala pa rin akong mapapartner kasi odd number ang bilang namin sa klase. 39 kami lahat sa classroom.

Hindi na ako nag-eexpect na meron pang gustong pumartner sa kin.

Kukunin ko na sana ang textbook ko sa bag para sa activity namin nang may nagsalita, “Mika, gusto mo partner tayo?” medyo nagulat ako at napalingon sa likod ko.

Nakita ko si Queenie Ferrer, nakangiti sa kin.

Hindi ko alam kung bakit gusto niyang makipagpartner sa kin, sa mga narinig nilang lahat tungkol sa kin, alam kong pinadidirian na nila ako.

And there’s something on her smile.

“Ah, sige. S-sigurado ka ba?” gusto kong makasigurado sa gusto ni Queenie. Parang may nakikita akong mali.. o kaya’y masyado lang akong naging negative at baka gusto niya talaga akong maging partner?

Baka naman.. may isa pang tao diyan na gusto pa rin ako kaibigan kahit ganun ang nangyari. May isang tao pang nandiyan para sayo.

“Oo naman! H’wag kang mahiya sa kin Mika, haha! Sa tingin ko, mali naman ang mga sinasabi nila sayo. O, ano? Tara! Simulan na natin ang activity.” Masiglang sabi nito sa kin at nakumbinsi akong mabait si Queenie. Iba siya sa mga kaklase namin at akala kong pare-parehas lang din silang lahat.

Siguro, ito ang bago kong simula, ang pagkakaroon ulit ng bagong kaibigan.

~

Nagkamali ako nga sa inisip ko kay Queenie noon. Totoo ngang mabait siya tapos ngayon, mag-iisang linggo na, ok pa rin ang pagsasamahan namin. Siya ulit ang naging bago kong kaibigan.

Maaga akong pumunta ng school para surpresahin si Queenie. Nangako kasi ako sa kanya na ipagbebake ko siya ng cookies na specialty ko. Ilang sumbat din kaya ang inabot ko sa paggawa ng mga cookies na ito, ayaw kasi ni Tito na ipagamit yung oven pero nagmakaawa ako at sa huli, napapayag siya pero ayun nga, babawasan naman yung allowance ko.

Pero ok lang. Para naman ito sa bago kong kaibigan, ang bagong kaibigan kong pinapahalagahan ako.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng classroom nang may narinig akong nag-uusap sa loob.

“Uy, tapos ko na yung dare ko ha!” alam ko kung sinong boses iyon. Kay Queenie.

“Girl, galing. Akalain mo yun, naging kaibigan kayo ni Mika Malandi for one week?” may tumawa. Kilala ko kung sinong boses din iyon, kay Angel.

“Buti na lang hindi ka nahawa sa AIDS niya!”

“Nagvivitamins ako araw-araw no! Saka eww! Kapit nga siya ng kapit sa braso, akala mo’y close na close na kami pero ayun, tinatabig ko! Ayokong mahawa sa AIDS niya!”

Kaya pala. Kaya pala sa tuwing hahawak ako sa braso niya, parang nandidiri siya. Pero hindi ko pinansin iyon kasi mabait pa rin sa kin si Queenie kaya wala lang sa kin yun.

At ang masakit, ang akala kong bagong kaibigan ko ay hindi pala totoo. Ang akala kong taong magpapahalaga sa akin ay wala pala talaga. Lahat lang sila ay ginamit at pinagkatuwaan lang ako.

Binuksan ko ang pinto at napansin kong nagulat silang dalawa nang makita ako.

“Mika..” Halata sa itsura ni Queenie ang pagkabigla.

“O-okay lang sa kin Queenie kung ayaw mo talaga akong maging kaibigan. Pero..” pinipigilan kong maiyak. “Pero, ito o. Gaya ng promise ko sayo kahapon na ipagbebake kita ng cookies.” Kaagad kong nilagay ang box kung saan naglalaman ng mga cookies na binake ko sa armchair sa unahan at tinalikuran sila saka tumakbo papaalis ng classroom.

Ang hina-hina mo talaga, Mika. Napakaduwag mo.

~

“Hahaha! Nakakamiss dito pre!” kararating ko lang sa bahay namin. Rinig na rinig ko hanggang sa kusina ang pag-uusap at ang pagtatawanan ng mga kasamahan ni Tito Victor sa trabaho. Kakauwi lang kasi niya last week dito sa Pilipinas galing Dubai.

Binuksan ko yung fridge saka kinuha roon ang malamig na tubig.

Ewan. Parang sa mga oras ngayon, naging manhid ako. Parang.. wala na akong nararamdaman.

Parang unting-unti ng natutunaw ang kandilang nakasindi sa loob ko. Unting-unti ng nawawala ang liwanag.

I flinched nang may biglang humawak sa pwet ko. Napalingon ako sa likod ko at may nakita akong lalake, kasamahan yata ni Tito. Ngumingiti ito ng parang demonyo sa akin.

Amoy na amoy ko rin ang alak na iniinom nito.

Nakaramdam ako ng takot.

Hinaplos nito ang braso ko papunta sa leeg ko. “Hindi ko alam na ganito pala kaganda itong anak sa labas ni Miranda.” Miranda ang pangalan ni Mama.

Mas lalo akong kinabahan sa kilos niya. “A-ano pong sinasabi ninyo?” Nagulat na lang ako nang umabot ang haplos nito sa dibdib ko.

Kaya naman malakas ko siyang itinulak at kumaripas ng takbo papaakyat sa kwarto ko.

Nang makarating na ako sa kwarto, kaagad kong nilock ang pinto at napaupo sa sahig. Napaiyak na lang ako. Kung hindi ko ginawa yun, kung nandoon ako, baka gahasain ako. Mga lasing silang lahat at ganun nga ang mangyayari.

Mas lalo akong nahagulhol.

Bakit ganito? Bakit ganito ang trato nilang lahat sa kin? Wala ba silang puso? Hindi ba nila alam na nahihirapan ako? Na nakakasakit na sila?

Sobrang sakit na. Nasasaktan ako. Parang binababoy nilang lahat ang buong pagkatao ko. Bakit ganun?

Naging mabait ako sa kanila. Ginawa ko lahat ng gusto nila.

Ang gusto ko lang naman ay pahalagahan ako. Bigyan ako ng importansya. Simple lang naman e. Pero bakit hindi nila magawa?

Napapagod na ako. Gusto ko ng sumuko.

//

Save Me (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon