Save Me – Friends no More
“Mika, ang tagal mo naman.” Sabi sa kin ni Stacy nang dumating na ako sa classroom habang dala-dala ang pinabibili niyang pagkain sa kin sa canteen. Natagalan ako kasi ang haba ng pila. May iba na nang-iinsert pa ‘pag may nakitang kaklase o kakilala sa unahan para mabilis silang makabili.
“Ang haba kasi ng pila.” Pagdadahilan ko at umupo na sa armchair ko. Kaklase ko si Stacy simula ‘nong 1st year high school pa lang kami hanggang sa nag-4th year na kami. Siya lang din ang naging matagal na kaibigan ko simula nang tumuntong ako ng high school. Naaalala ko pa nga kung paano kami nagkakilala at naging magkaibigan ‘non.
“Uhmm, hi? Can I sit beside you?” sabi ni Stacy sa kin habang nakaturo sa bakanteng upuan na katabi ko. First day of class ‘non tapos masyadong mahiyain pa ako ng mga oras na iyon. Akala ko nga hindi ako magkakaroon ng kaibigan kasi takot akong umapproach sa iba pa naming kaklase.
“Ah, sure!” masayang sabi ko. Hindi ko maiwasan mamangha sayo, Stacy kasi ang ganda mo. Sa tingin ko nga, ikaw ang pinakamaganda sa classroom natin. Tapos ikaw pa ang unang kumaibigan sa kin kaya naman para sa kin, hindi ka lang maganda, ang sobrang bait pa.
“Nag-aral na ba kayo para sa exam mamaya sa Physics?” biglang tanong sa min ni Krista. Kasama rin namin si Krista sa grupo, kumbaga tatlo kaming magkakaibigan, si Stacy, ako at si Krista. Naging kaibigan namin siya nang naging kaklase kami noong 2nd year.
Nagkibit-balikat lang si Stacy. “Oo, kagabi. Ayokong magcramming ngayon.” Oo nga naman. Si Stacy kasi ang napapabalitaan na magiging valedictorian ng batch namin. Oo, hindi lang siya maganda at mabait, matalino pa. Beauty and brain in english. Samatanlang kaming dalawa ni Krista, average lang. Well, siguro ako, medyo below average.
“Ikaw, Miks? Nag-aral ka na ba?” Kinakain na ni Stacy ang binili kong biscuit sa kanya habang nakatingin sa kin.
Napakamot ako sa batok ko. Mag-aaral naman talaga ako pero pinapalinis kasi sa kin ng stepdad ko kagabi ang bodega kaya hindi ako nakapag-aral.
“Naku, ang tamad mo talagang mag-aral. Baka magiging janitor ka lang niyan Miks kung ganyan ka. Ayokong may friend akong janitor.” Pailing-iling na sabi nito at nasa biscuit na ulit ang atensyon.
Napayuko naman ako. Aminado akong maliliit ang mga nakukuha kong grades pero may mga dahilan din naman ako kung bakit ganun.
“O, Stacy, ba’t hindi pa dumarating si Reginald dito? Milagro yata.” Pag-iiba ng topic ni Krista. Oo nga, napapansin ko rin na hindi pa siya dumarating sa room. Si Reginald Cruz ang boyfriend ni Stacy, 3 years na sila saka sa pagkakaalam ko, 2nd year yata kami nang sinagot ito Stacy. Matangkad at gwapo si Reginald, sikat din siya sa school gaya ni Stacy.
“Ah, oo nga, Stacy, ba’t hindi ko siya nakikita?” tanong ko rin. Lagi kasing pumunta sa room namin si Reginalad para kay Stacy. Taga-ibang section kasi siya, 4th year – St. Peter ang section namin, habang siya naman ay 4th year – St. Agatha. Catholic school kasi kami. Apat na section ang meron sa batch namin. 4th year – St. Peter, St. Agatha, St. Benedict, St. Augustine.
Stacy just rolled her eyes. “Nag-away kami, ayoko munang makita siya ngayon.”
Napatango na lang kami ni Krista dahil alam na namin at sanay na kami sa boses niyang iyon na ang ibig sabihin lang naman ay ‘ayokong pag-usapan iyon’.
BINABASA MO ANG
Save Me (Finished)
Short Story(Finished) A story about bullying. Don't be blind, you might save someone from dying inside. Cover by: @mariawhyyy