Save Me – Rumors
“Ayan na ang malandi o.” pagpasok ko pa lang sa room ay nag-uusap-usap na naman ang mga kaklase ko—apparently, tungkol sa kin. Ilang araw ng ganun silang lahat sa kin. Mula ‘nung mangyari ang insidenteng iyon. Lahat ng kaklase ko o mga schoolmates ko sa kabatch namin, dumidistansya sa kin. Kasi raw malandi ako. Tinraydor ko mismo ang sarili kong best friend, si Stacy.
Si Stacy, hindi na niya ako pinapansin. Pati na rin si Krista, dumidistansya na sa kin. Alam kong medyo may authority o influence si Stacy sa lahat ng kabatch namin kasi siya ang napapabalitaang valedictorian at siya rin ang consistent na Top 1 sa buong batch namin simula first year.
“Shunga na nga, malandi pa.” narinig kong sabi sa dalawang seatmate ko nang maupo na ako sa armchair ko. Ilang araw na nila akong pinag-uusapan. Lahat yata ng section namin, ako ang laging chinichismis. Na para bang alam nila ang buong storya.
Sinubukan ko naman i-explain kay Stacy ang totoo pero hindi niya ako pinakinggan.
Hinintay ko talaga siya sa may gate ng school sa uwian. Hindi na kasi siya pumasok pa sa hapon sa klase. Narinig kong nasa guidance ito buong hapon. Gusto ko kasi i-explain sa kanya ang lahat—na hindi totoo ang lahat ng sinasabi sa kin ni Reginald.
“S-Stacy..” sabi ko nang papalabas na siya sa may gate. “Maniwala ka sa kin, hindi totoo ang mga sinasabi sa kin ni Reginald.”
“Umalis ka sa harap ko Mika. Ayoko ng makita ang pagmumukha mo, our friendship is over.” Malamig na sabi nito sa kin at tinulak lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.
Mag-iisang linggo na, ako pa rin ang pinag-uusapan ng lahat. Tapos may kung anu-ano pang kumakalat na hindi totoo. Na hindi na raw ako virgin, na isa raw akong prosti, tapos may kumalat pang kaya raw ako ganun kasi anak ako sa labas.
Walang estudyanteng lumapit sa kin. Lahat ng kaklase ko, ganun ang akala nila sa kin. Na isa raw akong babaeng mababa ang lipad. Napaiyak na rin ako. Oo, araw-araw akong napapaiyak dahil sa mga sinasabi nila na wala namang katotohanan. Pero hindi nila ito nakikita kasi sa kwarto ko lang, mag-isa, ako umiiyak.
Nagiging masama ang tingin nilang lahat sa kin. Hindi lang daw ako malandi, bobo pa. Oo, alam kong maliliit ang nakukuha kong grades pero mahirap kasi akong makakuha ng oras na makapag-aral sa min.
Bigla naman nahulog ang ballpen na hawak ko kaya naman yumuko ako para kunin iyon. Pero may naramdaman akong kakaiba, sa palda ko. Parang may malagkit, parang sticky. Napatingin ako sa likod ko at nagulat nang makitang maraming mga bubble gum ang nakadikit ngayon sa palda ko sa likod.
Bigla namang tumawa ang buong klase dahil doon.
“Hahahahaha! Bobita talaga!” narinig kong sabi ni Errol, kaklase kong lalakeng nakaupo sa likod ko. Tumatawa rin ang iba nitong kabarkadang lalake.
Tawa ng tawa pa rin ang buong klase. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Sobrang napahiya ako. Hindi ko alam.. Hindi ko na alam.
Kaagad akong tumakbo papaalis ng classroom.
“Diba yan si Mika? Mika malandi?” narinig kong sabi ‘nung isang babae nang dumaan ako. Sobra na ang ginagawa nila sakin.
Pumunta kaagad ako sa cr. Binuksan ko kaagad ang faucet at kumuha ng tabo. Binasa ko kaagad ang palda ko. Kinuskos ko iyon para matanggal ang mga mga bubble gum pero sadyang marami talaga ang nilagay nila.
BINABASA MO ANG
Save Me (Finished)
Short Story(Finished) A story about bullying. Don't be blind, you might save someone from dying inside. Cover by: @mariawhyyy