Save Me – His Point of View
Pagod na pagod na ako. Suko na ako. Ayoko na. Ayoko ng mabuhay.
“Marco, hijo, ok ka lang?” napatingin ako kay Manong Pio, driver namin. Nagpasama kasi ako sa kanya para isauli itong journal ni Mika na naiwan niya sa room.
Napahawak ako sa mukha ko. Basa. Basang-basa dahil luha ko. Hindi ko alam pero habang binabasa ko ang mga nakasulat sa journal ni Mika, napapaiyak ko. Ramdam na ramdam ko talaga ang mga sakit na pinagdadaanan niya.
Naiwan kasi ni Mika ang journal niya.
Nilolock ko pa lang ang pinto ng classroom namin nang lumapit sa kin si Ms. Estrella. Medyo nagulat pa nga ako kasi nasa school pa siya samantalang 9pm na. Natagalan kasi ako dahil sa practice namin sa basketball. May interschool competition kasi at kasali ang team ng school sa mga kalahok.
“Marco, buti na lang nadatnan kita.”
“Bakit po?” kumunot ang noo ko.
“Can I have a favor? Can you give this to Mika?” inabot sa kin ni Ms. Estrella ang parang isang journal. “Naiwan kasi niya sa classroom nang chineck ko kanina. Salamat ha? Nagmamadali ako e.”
Hindi ko alam pero nang mabasa ko ang lahat ng isinulat mo, Mika, parang sasabog ako. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Galit, pagsisisi..
Galit ako. Galit ako sa Mama mo, sa Tito Victor mo, kay Bea, kay Reginald, kay Stacy, kay Krista. Galit ako sa kanila. Sa ginagawa nila sayo.
Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdadaanan mo, Mika. Tinanong kita kung ok ka pero iniwasan mo ko.
Hinawakan ko ang braso mo bago ka makalayo sa kin. “Ok ka lang?” tinanong kita. Alam kong nahihirapan ka. Lalo na sa mga rumors na kumakalat, sa ginagawa sayo ng mga schoolmates natin.
“O-oo. Pabayaan mo na lang ako.” Malamig na sabi mo sa kin kaya binitawan kita. Hindi ko alam. Nang mahawakan ko ang braso mo, naramdaman ko, Mika.
Sumulpot naman si Kino sa likod ko. “Marco, dre, si Mika Malandi yun ah? Hinawakan mo siya sa braso, hala baka magka-AIDS ka na nyan!”
Sinapak ko siya. “Gago! Alis na nga tayo.” Alam ko Mika, hindi iyon totoo. Naniniwala ako sayo.
Pero naging duwag ako. Nagbulag-bulagan ako. Alam kong pinagdadaanan mo pa rin ang mga iyon, Mika. May kapangyarihan ako, I have the power to stop the rumors. Student council president ako pero hindi ko ginamit iyon, para pigilan ang mga kumakalat na walang katarungang sinasabi nila sayo.
Alam mo ba, Mika, alalang-alala ko pa noon. ‘Nung first year, tuwing nagkakasalubong tayo sa daan, ngumingiti ka sa akin at aaminin ko, you brighten up my day sa tuwing makikita ko ang ngiting iyon. Bago ko pa maging kami ng ex kong si Ysa, I had a thing on you. Hindi ko malilimutan ang ngiting iyon, Mika. Iyon ang bumubuo ng araw ko lagi.
Pero nag-iba ang lahat nang dahil sa nangyari sa inyo ni Stacy. Umiiwas ka sa lahat ng tao. Iniiwasan mo ko.
Pero sinubukan ko, Mika. Sinubukan kong pigilan si Stacy sa mga ginagawa niya.
“Stacy.” Nakita ko sa isang table si Stacy habang kinakausap si Krista at nilapitan ito.
“O, Marco, what are you up to?” sabi niya sa kin and I thank God dahil pinsan ko siya kaya I have a chance to talk about this fuss—about the rumors of Mika.
“Hey Marco.” I knew Krista was flirting, well, everyone—girls are flirting with me. Kakabreak lang kasi namin ni Ysa three months ago. Reason—time. I was busy with the council and the team.
“Tungkol kay Mika.” I noticed when she raised up her eyebrow. “Please, tigilan mo na ‘to. Sobra-sobra ng ginagawa niyo sa kanya.”
Stacy just rolled her eyes. “H’wag ka ngang makialam sa kin, Marco. Mind your own business, and yeah, you’re just my cousin kaya ‘wag ka ng makialam dito.” Right, I was only her cousin.
Sorry Mika. I’m very sorry pero hindi pa huli ang lahat. Kung akala mo, wala ng taong nagpapahalaga sayo. Meron Mika, ako.
Pwede mo kong maging kaibigan Mika and hell, I would gladly be your boyfriend.
“Manong, malapit na po ba tayo?” hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng luha ko. Papunta na ako sa inyo Mika.
“Oo, malapit na. Nabasted ka no?” natawa naman ako sa sinabi sa kin ni Manong Pio.
“Tangina ka manong. Hindi. Drive ka na nga lang.” Umiiyak ako sa mga nalaman ko sayo, Mika. Mali ang akala nilang lahat sayo. I’m sorry.. kung wala akong ginawa. Parang na rin akong naniwala sa mga sinasabi nila sayo Mika pero hindi. Hindi ako naniniwala sa kanila sa simula pa lang.
I really wanted to talk to you pero lagi mo kong iniiwasan.
I flip the last page of your journal at may napansin akong nakasulat doon. Address mo at telephone number ninyo.
Kaya naman kinuha ko kaagad ang cellphone ko para matawagan ka sa bahay, dahil isasauli ko itong journal mo at para rin makausap ka—matulungan ka sa mga pinagdadaanan mo. Ito na ang tamang panahon Mika, hindi pa huli ang lahat.
“Hello?” babae, parang mga kaedad ko lang din ang boses. Si Bea.
“Hi, nandiyan ba si Mika?” sana Mika, nandiyan ka pa at buhay.
“Ewan, hindi ko alam, naglayas, sa susunod ka na lang tumawag, bye.” Kaagad nitong ibinaba ang linya. Gaya nga ng inaasahan ko, napakawalang kwenta niyang kapatid sayo.
Nakaramdam ako ng takot.
Sana mali ang iniisip ko, Mika. Sana mali. Huwag mong gawin ang mga naiisip mo.
Dumaan ang kotse namin sa isang bridge. Nahagip ng tingin ko ang isang babaeng nakaupo sa railings at nakaschool uniform. Anong ginagawa niya doon sa dis-oras ng gabi?
“Manong, ihinto niyo muna ang kotse.” Hininto naman ng driver ang kotse at kaagad akong bumaba.
Dahan-dahan kong nilapitan ang kinaroroonan ng babae.
Namumukhaan ko kung sino iyon.
Pero laking gulat ko nang bigla itong tumalon mula sa bridge.
“Mikaa!!”
//
BINABASA MO ANG
Save Me (Finished)
Short Story(Finished) A story about bullying. Don't be blind, you might save someone from dying inside. Cover by: @mariawhyyy