Save Me – Marco Angelo
Suicide. Magpapakamatay.
Ilang beses na ba yun dumaan sa isip ko?
Ewan ko pero siguro, maraming beses na. Pero hindi ko ginagawa kasi nga haha, takot akong mamatay. Pero minsan, napapaisip din ako. Kung mawawala na ako sa mundo, mawawala na rin ang sakit na nararamdaman ko.
The pain that was continually eating myself.. my soul.
Siguro.. magiging masaya sila ‘pag nawala na ako. Ano pa bang rason ko kung magtatagal ako sa mundo kung ayaw naman nila sa kin? Na hindi naman nila ako pinapahalagan? Na parang hayop ang tingin nila sa kin?
Kaya siguro.. ang magpapakamatay na lang ang solusyon…
Mabilis akong tumakbo papunta sa classroom namin. Late na ako.
Nalate kasi ako kasi pinagalitan pa ako ni Mama, na kung bakit hindi ko raw niligpit ang mga alak at dumi na iniwan nina Tito kagabi. Alam ko raw na day-off ang katulong nila ngayon pero hindi ko niligpit. Kaya naman natagalan akong nakaalis ng bahay kasi nilinis ko pa ang mga kalat. Tinawanan pa nga ako ni Bea kasi ang kupad-kupad ko raw kumilos.
Nang makarating na ako, napansin ko namang ako lang ang late sa classroom at oo, lahat sila ay napatingin sa kin, sa may pintuan.
“Ms. Hanazawa, you’re late.” Sabi ni Ms. Estrella na adviser namin na nakaupo lang sa may teacher’s table sa harap.
Oo, alam ko na ang gagawin ko. Gaya ng nakagawian kapag may nalelate sa klase.
Huminga ako ng malalim at muling nagsalita, “Good morning, Ms. Estrella, good morning, classmate. I am late. May I come in?”
Napansin kong nag-usap-usap muna sila bago nagsalita, “No, you may! Hahaha!” at nagtawanan na naman silang lahat.
“Class, silence! Be serious. Again, Ms. Hanazawa.” Sabi ni Ms. Estrella.
Inulit ko yung sinabi ko kanina.
“Yes, you may.” Kaya naman pumasok na ako at pumunta agad sa seat ko.
~
“Ay, sorry. Hindi ko sinasadya.” Sabi ‘nung lalakeng nakabangga ko habang tinutulungan akong pulutin yung mga bondpapers na galing sa folder ko para sa isang project. Galing kasi ako locker ko para kunin yung project ko.
Napatingin naman ako sa lalake. Si Marco Angelo Villanueva. Schoolmate ko at kabatch ko rin. Taga St. Benedict na section. Siya rin ang student council president and the same time, ang captain ng basketball team ng school namin. Sa pagkakaalam ko, rumored din siya na magiging kasali sa Top 5 honor roll para sa batch namin. At kung mas finocus lang daw din nito ang pag-aaral, baka malampasan daw nito si Stacy sa Top 1 na slot. At kung si Marco ang student council president, si Stacy naman ang editor-in-chief ng school paper namin.
Naalala ko kung minsan nagkakasalubong kami, ningitian niya ako. Pero umiiwas ako. Pinsan ito ni Stacy, first degree. Gaya rin ni Reginald, alam kong gwapo rin si Marco. At gaya rin ni Stacy, ayaw nitong makigulo sa min. At ayaw ko rin pakisamahan siya kasi pare-parehas lang naman ang gagawin nila sa kin. Wala na akong tiwala sa iba. Nawalan na ako ng tiwala sa lahat.
“Ito na o.” nang inabot na nito sa kin ang mga bondpapers ay medyo nagulat ito.
Hindi na ako nagsalita at mabilis na nilagpasan siya pero bago ko magawa iyon ay hinawakan ni Marco ang braso ko.
Napalingon ako sa kanya at kitang-kita ko sa mga mata niya, concern siya sa kin? Parang malungkot? Naawa?
“Ok ka lang ba?” sa tono ng boses niya, parang nag-aalala siya sa kin.
Parang may taong nag-aalala para sa kin.
Pero inalis ko ang mga iyon. Masasaktan na naman ako kapag ganun ang iniisip ko, gaya sa nangyari sa min ni Queenie.
“O-oo. Pabayaan mo na lang ako.” Malamig na sabi ko at tinalikuran kaagad siya.
Humakbang na ako papunta sa classroom namin.
“Marco, dre, si Mika Malandi yun ah? Hinawakan mo siya sa braso, hala baka magka-AIDS ka na nyan!”
“Gago! Alis na nga tayo.”
Narinig ko ang iyon. Gaya nga ng inaasahan ko.
Nakarating na nga ako sa classroom namin at nakasalubong ko sa loob sina Stacy at Krista pero nilampasan lang din nila ako.
Gaya rin ng dati, kitang-kita ko sa mga mata ni Krista ang awa, na parang napipilitan siyang gawin ang lahat ng ito.
“Krista.” Sinambit ko ang pangalan niya at parehas pa sila ni Stacy na lumingon sa kin.
“Krista, pwede bang mag-usap tayo?” pakiusap ko nang tumingin sa kin si Krista. Baka may pag-asa pa. Baka may tao pang nandiyan para sa kin, handang pakinggan ako.
Na hindi pa huli ang lahat para sa kin.
“Tara na nga Krista, ‘wag mo ng pakinggang yang prosti na yan.” Sabi ni Stacy kay Krista at tinalikuran lang din nila ako. Gaya ng dati.
“Oo, alam ko namang gusto na ninyong mawala ako sa buhay niyo. At sige, pagbibigyan ko kayo.” Napalingon naman ulit sa akin sina Stacy dahil sa sinabi ko.
She smirked. “Buti alam mo. Oo, gusto ko ng mawala ka na sa buhay ko, Mika.” Then the two of you just went out like that as if nothing happened, as if it doesn’t affect me.
In the end, ako lang mag-isa.
Ang akala ko, may tutulong pa sa kin pero gaya ng dati wala. Sakit pa rin ang nararamdam ko.
Walang nagbibigay-halaga sa kin.
Pagod na pagod na ako. Suko na ako. Ayoko na. Ayoko ng mabuhay.
~
“Hahahaha! Ang hina-hina mo talaga Mika!” pinagtatawanan ko ngayon ang sarili ko. Nasa bridge pa rin ako. Naghihintay ng tamang oras para tumalon sa dagat at magpakalunod hanggang sa mamatay ako.
Ilang oras na ba akong nandun? Siguro tatlong oras na. Wala eh. Siguro, aaminin ko, umaasa pa rin akong may pipigil sa kin dito. Pero gaya ng dati, wala.
Walang pumunta para sa kin, para pigilan ako.
Kahit nga ang pamilya ko, si Mama, si Tito Victor, si Bea, tinalikuran ako. Kahit ang school, na itinuring kong pangalawang tahanan, wala rin. Wala silang pakialam sa kin. Ni hindi nga alam siguro ang pinagdadaanan ko, ang sakit na nararamdaman ko dahil sa ginagawa nila sa kin.
Kung magpapatuloy pa ako sa mundong ito, tuluyan ng kakainin ng pait at sakit ang buong pagkatao ko. Mas lalo akong masasaktan and eventually, I’ll become numb at everything.
Nobody gave me importance. Walang nagbigay sa king kahalagahan. Walang nagbigay sa kin ng rason para mabuhay. Walang nagbigay sa kin ng pag-asa.
Lahat sila ay pinaglaruan lang ako.
Kaya siguro mas mabuti pang mawala na lang ako. Kapag nawala na ako, magiging masaya sila at hindi na rin ako makakaramdam ng sakit. ‘Hitting two birds in one stone’ sabi nga nila.
Huminga ako ng malalim saka ngumiti. “Salamat… sa wala.” Pagkatapos ay tumalon na ako.
Sana maging masaya kayo.
BINABASA MO ANG
Save Me (Finished)
Short Story(Finished) A story about bullying. Don't be blind, you might save someone from dying inside. Cover by: @mariawhyyy