Epilogue
Bakit wala akong maramdaman? Diba tumalon na ako? Bakit parang hindi ko naramdaman ang lamig ng dagat? Bakit parang..
Naimulat ko ang mga mata ko at nakitang may nakahawak sa kamay ko. Napatingin ako sa ibaba. Hindi ako nalunod sa dagat, wala pa ako sa dagat, pero papaano?
Napaangat ang ulo ka sa itaas. Nakita ko si Marco, umiiyak siya habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ko. “Kumapit ka sa kin, Mika. Huwag kang bibitaw.”
Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya? Nandito ba siya para saktan na naman ako?
“Bitawan mo ko Marco! Ayoko na! Ayoko ng mabuhay. Gusto ko ng mamatay.” Tuluyan na nga akong naiyak. Ayoko na. Pagod na pagod na ako sa buhay ko. “Ayoko na.. Wala namang nagpapahalaga sa kin, ayaw na nilang mabuhay ako. Pagod na pagod na ako, Marco! Wala na akong kaibigan.. Sina Stacy.. ayaw na nila sa kin!”
“Mika, ako! Gusto kong mabuhay ka! Mabuhay ka para sa kin!” nabigla ako sa sinabi niya.
Napansin kong mas lalo siyang napaiyak. “Mabuhay ka para sa kin Mika.. Live for me. Kung hindi para sa kin, para sa sarili mo! Mabuhay ka para sa sarili mo, Mika. Hindi pa huli ang lahat.. Nandito pa ako..”
Mas lalo rin akong napaiyak dahil sa mga sinabi niya.
~
Hindi ko alam pero ang laki ng utang na loob ko kay Marco. Dahil sa kanya, unting-unti ng naayos ang lahat. Ang pamilya ko, naging maayos na ang pakikitungo nila sa kin dahil sa kanya.
Sinugod ni Marco ang bahay namin matapos niya akong ihatid. Nang makita niya si Tito Victor na nanunuod ng TV sa sala, walang pasintabi na sinuntok niya ito.
“Gago ka ah!” mura nitong nang nahulog ito sa sahig mula sa pagkakaupo nito sa sofa. Nagulat din naman si Mama na kasama niyang nanunuod.
“Ikaw ang gago! Kayo! Mga walang kwenta!” sigaw ni Marco sa kanila habang nasa likod lang niya ako. I still remember what you said na kapag hindi magiging successful ang plano mo sa family ko, patitirahin mo ko sa inyo.
“Sino kang gago—“
“Ikaw!” dinuro nito si Tito. “Alam mo bang pinaggagawa mo kay Mika? Bakit mo sa kanya sinisisi ang lahat? Hindi niya kasalanan kung mabuntis yang asawa mo sa iba! Wala siyang kasalanan! Pero bakit kung tratuhin mo, para siyang alipin? And worst, you treated her like a stray dog! Para siyang hayop sa paningin mo e wala naman siyang ginawang masama sa inyo! Ginawa niya lahat para sa inyo pero binabalewala niyo!” Natahimik naman si Tito dahil sa sinabi niya.
“Alam mo ba kung anong nararamdaman niya sa tuwing ginagawa mo yun sa kanya? Hell. Impyerno! Parang kinakain ang buong pagkatao niya dahil sa ginawa niyo! Mga wala kayong puso! Minsan ba, minsan ba ninyo siyang pinakinggan?!”
Napansin naman ni Marco na magsasalita na sana si Mama pero pinigilan niya ito. “Ikaw! Ikaw pa naman ang ina, pero bakit ganun? Bakit ganun ang trato sa kanya? Parang hindi mo siya anak! Mga walang kwenta kayong mga magulang!”
Hindi ko alam pero sa mga oras na iyon, parang binuhusan ng malamig na tubig sina Tito at Mama. Dahil sa mga sinabi ni Marco, humingi sila ng tawad sa kin. At dahil doon, unting-unti ng naayos ang relasyon naming tatlo.
Kay Bea naman, alam kong medyo hindi pa pero maybe eventually, matatanggap niya ako at magkakasundo rin kami.
“Mika, good, you’re improving, keep that up.” Puri sa kin ni Ms. Chavez nang ibinigay nito sa kin ang testpaper. Wala na ring nangtritrip o tumutukso sa kin. Wala ng chismis. And again, I owe this a lot from Marco.
BINABASA MO ANG
Save Me (Finished)
Short Story(Finished) A story about bullying. Don't be blind, you might save someone from dying inside. Cover by: @mariawhyyy