I was just sitting on the couch while browsing my phone when I heard the doorbell sounded.
Agad kong tinawag si mommy.
"Manang!" tinawag naman ni mommy si manang. Nakita ng peripheral vision ko na nagmamadali namang lumabas si manang upang pagbuksan siya.
"Oh, hijo!" I heard my mom's cheerful voice. Hindi ko muna inangat ang ulo ko dahil biglang may chinat sa akin si Erika.
Zare.
"Zare, ipaghanda mo si Grant,"
Agad akong napa-angat ng tingin sa sinabi ni mama. Medyo nagulat ako nang makita ko si Grant in his great taste of fashion. Napatutok ako sa mga mata niya bago ako umiwas ng tingin.
"Zare!" sigaw ni mama, "Ipaghanda mo si Grant, ano ka ba!" sigaw niyang muli bago bumaling kay Grant. "Hijo, mabuti nalang at nakapagluto na si manang. Napadalaw ka ata bigla?"
Nakakairita isiping ang ganda ng pakikitungo ni mommy kay Grant kumpara sa akin. Psh, pati nanay ko, favoritism din. E'di diyan nalang siya kay Grant! Tsk.
"Actually, tita, ikaw ang sad'ya ko." napaigting ang mga panga ko.
Don't tell me he'll talk about what happened yesterday? Magsusumbong siya?
"Oh? Ano pala ang sasabihin mo? Te'ka nga, kumain kaya muna tayo?" ani mama.
"Ah, nope, tita. Nagmamadali rin kasi ako. May lakad din kami ni mom at dad eh. Sad'yang napadaan lang ako dito para may ipaalam sa inyo."
"Huh? Kung gan'on nagmamadali ka talaga? O s'ya, ano ba 'yang sasabihin mo?"
Tae na, alam ko na ito.
"P'wede pong tayong dalawa lang?"
Shit.
"Huh? You mean ayaw mong makarinig si Zare?" tumango si Grant.
I need to do something! I need to stop what he's about to say with mom! Hindi maaari 'to! Baka mawalan pa ako ng allowance sa gagawin niyang ito!
"Mom!" sigaw ko nang papasok na sana sila sa office room ni dad. Dad went to his company kaya wala s'ya doon. "Mom!" sigaw ko ulit at nag-iisip ng irarason sakanya para hindi siya sumama kay Grant since he's in a hurry. Uubusin ko ang oras niya.
"Huh? Zare? What is it?"
"Mom... pwedeng turuan mo na akong magluto? Like ngayon na talaga?" Shit! Wala na akong maisip na ibang rason!
"Talaga? Magpapaturo ka na talaga? O sige, pagkatapos namin sa pag-uusapan namin ni Gra—" hindi pa nga natapos ni mommy ang sasabihin niya ay pinutol ko na siya.
"No! Gusto ko ngayon na kasi nasa mood ako. What if mamaya wala na ako sa mood, 'di ba? You know me, mom," napatikhim si mommy. Tumingin siya kay Grant.
Oh come on.
"Tita, it seems that Zare's so eager to learn from you, so... maybe next time?" he beamed.
Bingo!
Bumuntong-hininga si mama, "Sorry Grant, ha. You know how brat this girl could be, pagpasensyahan mo na," tumango lang si Grant.
"Sige po, tita, mauna na rin ako since nauubusan na rin ako ng oras."
Mabuti pa nga. Psh.
"Sige, sige, hijo! Balik ka ulit dito as soon as possible!" I heard mom shouted as soon as Grant had disappeared from her view.
Napaupo ako sa couch ulit. Sapo ko ang noo ko habang hawak-hawak ko ang cellphone ko, mom slowly faced me. "You little brat..." she whispered, "I know why you did that," she said.
"Huh?" nag-pa as if na wala akong alam sa mga sinasabi niya.
"Ewan ko sa'yong bata ka," sabi niya, "Alam ko naman na ayaw mo talagang magluto t'as gan'on? Ikaw talaga, napaka-sinungaling mong bata ka," sermon niya.
Well, what can I do? Mother knows best.
"Tell me," she suddenly went serious.
"Ano po?"
"Tell me the real reason kung bakit ayaw mong malaman ko ang sasabihin sana ni Grant sa akin," she looked at me dearly. Parang pinapatay niya ako sa pamamagitan ng tingin. Ito ang kinatatakutan ko kay mom.
Shit. Pakshet. Ano na? Ano na, Zare?!
"A-ayoko lang!" I stammered.
"That's not the reason, Zare," may diin niyang sabi sa aking pangalan.
Tumayo ako sa pagkakaupo. "Where are you going? Hindi pa tayo tapos sa pag-uusap,"
"All I know mom is: I don't want you to know my real reason and I'm leaving,"