"Wow! You look so stunning, Zare!" Erika had shouted when the first time she saw me. "Sigurado akong magugulat din si Kuya Dan kapag makita ka na niya. By the way, he volunteered to drive our BMW para ihatid tayo sa venue. Thankfully, dad approved. Ang saya ni kuya since finally, makakapag-drive na siya ng BMW."
"Talaga? Masaya ako para sakanya," I had said and the pieces of memories yesterday had flashed once again in my mind.
Nandito na naman kami sa favorite place namin. And I must say, na dapat ko ng palitan ang favorite place ko. This is his and so, I must choose a different one.
"Kumusta? Balita ko, prom niyo na bukas?"
"Oo, eh, med'yo kinakabahan nga ako,"
"Ayos lang 'yan. Gan'yan lang 'yan sa umpisa," sagot niya pero ang ngiting iginawad niya, iba na sa kung dati paano siya ngumiti sa akin.
"May problema ka ba, Dandreb?" naging tanong ko nang napansing kakaiba talaga ang mood niya ngayon, "Naalala ko rin na sinabi mo palagi mo'kong ipagluluto ng lunch pero ang huling bigay mo nalang ay yung nasa classroom na ako. Yung araw na in-announce na may prom na kami. Bakit hindi na naulit, Dan? May nangyari ba? It's been two weeks mula nung huli mong bigay,"
Silence mastered. It took a few minutes before he speaks.
Bumuntong-hininga siya, "I guess we aren't really meant for each other, Zare,"
"Anong pinagsasabi mo?"
"Kahit gaano mo kagusto ang isang tao, kapag wala siyang gusto sa'yo, hindi talaga kayo. Iyan ang natutunan ko sa'yo, Zare," sabi niya at tinignan ang malawak na dagat habang humahampas ito ng mga tubig. Napatingin na rin ako doon. "I realized a lot of things are more important, thanks to you, Zare,"
"Teka nga, Dandreb," I paused, "Why do I feel that you are going somewhere? Is this some kind of farewell speech?" I had asked and he had laughed.
"I'm a father now, Zare," diretso niyang tanong.
Napatitig ako sakanya ng diretso rin, "Anong sabi mo?" parang hindi at ayaw kasing mag-sink in sa utak ko iyon.
"Magiging ama na ako, Zare,"
pag-uulit niya.
"I know this might be a late reaction but—what?! Talaga ba? Who's the lucky girl?" I had smiled.
"Her name's Diana and I bet you know her so well since then,"
Mas dumoble ang gulat ko.
"It was a reunion of friends. She wasn't part of the squad pero sumama siya kay Eryl, which is ang matalik kong kaibigan na babae. Doon kami nagkakilala. And since it was a reunion, s'yempre siyahan doon, siyahan dito. Hiyawan doon, hiyawan dito. Inuman doon, inuman dito. Oo, nalasing kaming dalawa. At doon na nga nangyari ang lahat. It wasn't really clear to me kung ano ba talaga ang nangyari but I know, alam ko naman na may nangyari nga talaga sa amin, just that the details weren't clear enough kasi lasing ako. Lasing kami pareho. Until such day, the day I went to your room, that's the day I saw her for the second time at sinabi niya sa akin na buntis siya. Hindi naman ako nag-deny kasi alam ko naman na totoo ang sinasabi niya," he pursed his lips to thin lines for a while bagk siya nagpatuloy sa pagsasalita, "She's three weeks pregnant now. It's been a month na kasi yung nangyari yung sa reunion,"
He slowly faced to me, I smiled. "I'm happy for you,"
"And thanks to you," he said, "That means sasabihin mo na sa akin kung sino ang lucky guy?"
"Lucky guy?"
"Sino ang maswerteng lalaki na nagpatibok ng puso sa isang Zareyelle Dela Costa?" he beamed at tumawa na rin ako.
"Ang swerte naman pala ni Diana at may isang Dandreb Nakamoto sa buhay niya," dumoble ang tawa niya.
Sabay kaming nagtawanan at sabay din kaming napatingin sa paglubog ng araw.
Goodbye, favorite place.
"His name is Grant Toralejos,"