Chapter 8

2 0 0
                                    



Pumasok ako sa comfort room upang mag-retouch. Kanina lang nag-bell pero hindi ko kasama si Erika ngayon kasi hindi kami magkakaklase sa last subject. Nagkausap narin naman kami na hintayin ang isa't isa sa labas ng school campus. Sa waiting shed na malapit lang sa gate.

Mabilis lang naman na retouch ang ginawa ko.

Lumabas ako sa comfort room at saktong nakita ko siyang may kasamang isang lalaki.

Luke. The campus heartthrob.

"Oh come on, babe let's go out tonight," he said.

Nasa malayong parte sila ng corridor and since may haliging nagtatabon dito sa may comfort room, nagtago lang ako kaya hindi nila ako nakita.

"Gaya ng sabi ko 'pag ayoko, ayoko." she answered.

"Ano ba, Diana?! Ayaw mo na nga akong makapartner sa prom, ayaw mo pang makipag-date sa akin? Ano ba tayo? Hindi ba, magkasintahan tayo? Pero bakit parang ginagawa mo akong isa sa mga taga-hanga mo when in fact, we're lovers!" napamura si Luke sa huli.

What the, Grant?! Are you really inlove with this slut woman? Are you sure that you're gonna date her?! Damn it.

"In the very beginning, there is no us, Luke. We aren't lovers,"

Nanlaki ang mga mata ko kung gaano ka-play girl ang babaeng ito. Based sa mga rumors na naririnig ko, grabe, totoo pala ang lahat pero hindi lang ako naniwala noon.

"What did you say?!" Luke shouted.

"I'm inlove with someone else, Luke," napakurap-kurap ako doon. "I fell out of love with you,"

'Pagkatapos nun, wala na akong narinig na nagsalita.

Unti-unti na akong sumilip kung nandun pa ba sila. Then I saw, Luke was standing alone. His head was bent down. I roamed my eyes around and saw that Diana was walking away already.

I slighty heard Luke murmuring something pero sadyang malayo lang talaga ako and since it was somewhat like a whisper, hindi ko na rin inantala at mabilis nalang akong lumisan sa lugar na iyon.

Mabilis akong tumakbo pababa ng building para makalayo na doon kay Luke. Nang natanaw ko na ang gate, "Walang guard?" bulong ko.

Baka umihi lang o ano.

Hindi ko nalang pinansin iyon at diretsong tinakbo nalang ang gate. Since malaki ang skwelahan na ito, malawak ang patag kaya kinakailangan ko pang takbuhin ng malayo ang school's gate ng mga ilang metro.

Humangos ako ng nakarating na ako sa gate. Huminto muna ako saglit ng biglang nakita ko si Grant na nakatingin lang sakin.

Teka, anong—?

"G-grant..."

"I've been waiting for you,"

What?

"What took you so long?"

"Teka—may usapan ba tayo na hintayin mo'ko dito? 'Di ba wala naman, so bakit parang ako pa ang sinisisi mo? Malay ko ba—" I was caught off guard when he suddenly grabbed my wrist and pulled me to close our distance. And to close even more. My eyes went wide when his soft lips brushed mine.

Wait—what the?!

"Just shut up or I'll kiss you once more," he murmured as his grip on my hand tighten. Nagulat ako ng hinila niya ako at wala akong magawa kun'di ang sumunod nalang. Lusaw pa ang sarili at utak ko. Hindi ko pa ma-sink in ang nangyari.

Wait—did he just kiss me?!

"Erika told me that you don't have a partner? Bakit hindi mo'ko nilapitan?"

"H-ha?" tumigil siya sa paglalakad. He slowly faced me.

"Nakikinig ka ba o hindi?" napakurap-kurap ako sa kanyang sinabi kaya naman ay mabilis akong sumagot.

"Nahihiya ako,"

"Nahihiya? Ikaw? Sa akin?" I glared at him.

"Hindi porque lumaki tayo ng sabay ay komportable na ako sa'yo! Bwisit ka!"

"Ah, ganun,"

Oh, ano na naman ang iniisip ng mokong na 'to?

"Nasaan ba kasi si Erika? Siya dapat ang nandito eh! Hindi ikaw!" sigaw ko.

"Pinapaalis mo'ko?" I arched a brow.

"Sino ba naman kasing nagsabi sa'yong hintayin mo'ko?"

"Erika said that she had an urgent errand to do kaya sinabihan niya akong ako nalang ang maghintay sa'yo. She wasn't able to text you kasi wala siyang load. Oh, ano, may tanong pa ba?" he asked.

Napatahimik ako.

"Bakit ka naman pumayag, psh," bulong ko sabay ikot ng mata at iniwasan ang tingin niya. Napahiya tuloy ako. Bwisit na Erika. I had grumbled in my thoughts.

"What did you say?"

"Wala! Bingi ka kasi!" sabi ko at nakita kong sumeryoso ang mukha niya. Napahinto naman ako. Hindi na ako magsasalita kapag ganito siya.

I was stunned when he took an advance forward, pocketing his hands, his soft features went hard.

Napalunok ako.

Ano na naman ang balak gawin ng mokong na 'to?!

I pursed my lips into thin lines as I looked at him in eyes. His look was so fury. His eyes seems about to lit a fire.

"Hinintay kita kasi gusto ko lang. Hinintay kita ng dalawampung-dalawang taon kasi gusto kita."

Would It BeWhere stories live. Discover now