Chapter 4

2 0 0
                                    


Unti-unti kong minumulat ang mga mata ko at nakita ko si Grant na natutulog sa sofa. Tinignan ko siya ng mabuti habang nakangiti. Ang g'wapo pala ng mokong. Ngayon ko lang ata napansin. I had thought as I had erased my thoughts. What?! Anong sinasabi mo d'yan Zare?! Erase! Erase!

Nagulat ako ng gumalaw siya sa pagkakahiga kaya kaagad akong pumikit upang magpanggap na tulog pa. Mga ilang-ilang minuto ang hinintay ko kasi baka gumalaw lang siya at hindi gumising.

I opened my slowly as I looked into the sofa inwardly. In my shock, walang nakahiga doon. Agad nailipat ang tingin ko sa taong nakatayo sa harapan ko habang ako ay nakahiga pa rin.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Are you fine now?" he asked, my eyes remained in shock, "What are you doing, by the way? Why is your left eye closed and your right eye isn't?" he beamed, sheepishly as he crossed his arms.

"W-wala naman—!" sigaw ko bago umiwas ng tingin sakaniya. Takte, hindi ako makaisip ng dahilan! Isip, Zare! Isip!

"If you say so," kalmado niyang sabi at naramdaman kong umalis na siya sa kinatatayuan niya kanina.

Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong may inasikaso siya sa banda ng may sofa. Parang may inaayos siya sa lamesa. Hindi ko makita kasi nakatalikod siya at tinatabunan niya ang kaniyang ginagawa.

I pursed my lips to thin lines at nakita ko na siyang humarap sa akin while holding a plate with sliced apples.

I remembered everything.

"Nasaan sila Erika?" I had asked and he didn't reply, instead he handed the plate to me.

"Eat," he ordered pero hindi ako nakinig.

I just stared at him.

"Nasaan sila, Grant?! Bakit ayaw mong magsalita?!" sigaw ko at naramdaman ko talaga ang pag-taas ng boses ko.

"Just eat first, Zare," and he looked away. Ibinulsa niya ang kaniyang mga kamay at akmang tatalikod na sana pero pinigilan ko siya. "Zare! What did I say?! Kumain ka muna!"

"Grant... please." I whispered at hinigpitan ang hawak sakanyang braso.

"Zare, listen, nothing happened so critical, okay?" he assured, "Everything's fine so just please, eat." he said his last words as he slowly removed my hand on his arm. I blinked as a tear fell from my eye.

"Hindi na kita bestfriend! Inaway mo ako!" sigaw ko sakanya. "Ang bad-bad mo!" sabi ko pa with pout.

"Oh, anong nangyayari dito?" Tita Madel, Grant's mother, had arrived with a smile plastered on her face.

"Inaway ako ni Grant, tita! Hindi ko na siya bestfriend!" sigaw ko sabay talikod kay tita at hinarap si Grant.

"Ano ba ang ginawa ni Grant, Zare?" mom arrived then.

"Sinira niya ang love letter ko para sa crush ko! Sabi niya ang pangit daw! Eh, kung pangit, kailangan niya pa bang punitin? Naiinis talaga ako, mommy eh!" maktol ko as I crossed my arms.

"Crush? Love letter?" mom asked, "May gan'on ka, Zare?" tumawa si tita.

"Ano ka ba naman, Karen, s'yempre may gan'on naman talaga sa mga bata." tumawa silang dalawa.

Napansin ko na nag-iba ang timpla sa mukha ni Grant, "Oh, Grant, anak, ba't mo naman kasi pinunit ang love letter ni Zare? Pinag-effortan iyon ni Zare t'as pinunit mo lang," ani tita.

Tinignan ko si Grant, naghihintay sa kanyang magiging sagot. Pero hindi siya nagsalita. Naghintay pa ako.

"Hindi na talaga kita bestfriend!" sigaw ko bago ako tumakbo at umakyat sa k'warto ko.

"Zare..." he called, "Sa susunod, mag-ingat ka na kasi. Tumingin ka kung saan ka nakatayo... hindi iyong..."

"Oo, alam ko naman iyon." saad ko, "Pasensya na at naabala ka pa tuloy. Mabuti nalang at walang masamang nangyari sa'yo kun'di..." I trailed off.

He looked at me, slightly confused eyes were shown on his face.

"Kun'di ano?" he asked. Napalunok naman ako ng laway. Nakakahiya naman ito! I had thought.

"Kun'di hindi ko mapapatawad ang sarili ko kasi ako ang may kasalanan 'pagka ganun," I slightly looked away. Suddenly becoming and feeling awkward at the moment. Ito pa kasi ang kauna-unahang pagkakataon na masinsinan ang pag-uusap namin. We always looked into each other's eyes, say some usual words but we never talked quite this long.

Suddenly, he traced for my chin. I was stunned.

"Zare," he called, "I'll tell you now, it's now or never,"

Would It BeWhere stories live. Discover now