Chapter 3

2 0 0
                                    


Hinampas ko siya gamit ang maliit na stick mula sa isang punong kahoy na nadaanan namin kanina. "Aray!" sigaw niya, "Para saan yun?!" tiningnan niya ako masama. Ganyundin naman ako.

"Nawawala ang nag-iisang candy ko! Kinain mo, ano?!"

"P'wede mo naman akong tanungin ng maayos, hindi iyong nananapak ka. Ang matindi, stick pa ang ginamit mo sa pang-sapak," he tsked, slightly caressing his head.

"O, inamim mo na rin! Kinain mo nga! Dapat palitan mo 'yon!" sabi ko sabay taas ng stick sa ere.

"Oo na, oo na! H'wag ka ng manapak!" sigaw niya, "Simpleng Potchi lang naman iyon," he tsked.

Bigla akong natigilan sa pag-aalala ng lahat ng tawagin niya ako. "Ano ba, Zare, bilisan mo!" ani Erika.

"Oo na, he'to na nga po eh!" sigaw ko bago huling tinignan ang mukha ko sa salamin kung ayos na ba talaga saka ko ipinasok lahat ng make up sa pouch ko.

"Si kuya, naghihintay na ng husto eh! Kanina ka pa d'yan!" sigaw na naman niya at agad na akong nagmadaling lumabas sa banyo.

"He'to na po ako, ma'am!"

"Psh, bakit ka pa kasi nagpapaganda? Eh, uuwi lang naman tayo," aniya na parang walang alam kung ano ang feeling kapag gurang na ang mukha mo.

"Masanay ka na, Ri, hindi pa ba?"

Lumingo-lingo siya, "Ang sabihin mo, gusto mo lang si kuya kaya ka nagpapaganda," sabay tawa niya. Nahampas ko tuloy siya. "Ang brutal nito! So, totoo pala?"

"Anong brutal ka d'yan? Ang hina lang kaya ng hampas na iyon!" sigaw ko bago sinundan ng panibagong hampas ang kaniyang balikat.

"O, na-kompirma ko na nga. May gusto ka kay kuya,"

"Shut up—"

"Kuya!" sigaw ni Erika. Napatingin agad si Erika sa akin. Okay, what's with that look?

"Ang tagal niyo,"

"Eh kasi naman, itong si Zare—" agad kong kinurot ang tagiliran ni Erika at napatikom naman siya.

Nakita kong wala lang ang naging ekspresyon ng kaniyang kapatid.

"Zare!" someone hollered and as I turned my sight to that person, someone dragged my arm. Everything seems to fast for me as the second thing I saw, I was already lying on the sideroad.

"Zare!" Erika's voice filled my whole ears as I felt my head spinning, everything went black.

"Mommy! Tignan mo si Grant, oh! Kinakain niya chocolates ko!" pagsusumbong ko na may halong peke na iyak.

Lumapit naman si mommy sa akin, "Anak, it's better to share what you have to others," aniya.

"But mom... I don't like to share with Grant..." sabi ko, half-heartedly.

"I'll ask you," she touched my chin, "Would it be nice if you'll see Grant someday eating chocolates at hindi ka niya bibigyan kasi naalala niya, pinagdadamot mo sakanya ang chocolates na meron ka ngayon?"

Lumingo-lingo ako.

"Would it be okay to you if he'll treat you coldy the next day?"

Lumingo-lingo muli alo.

"So, anak, don't hesitate to give. Even if you don't like that person, Grant specifically, you still need to give what you have."

"But why, mom?" I had asked, "I bought those things with my own money, for example, pero bibigyan ko lang siya ng ganun ka-dali? Without giving me something in return?" my mom had laughed. Tinanaw ko si Grant na tahimik lang na kinakain ang chocolates ko, kahit nagpapa-as if siyang walang naririnig pero alam ko, alam na alam kong nakikinig siya sa amin.

"Silly," mom had said, "Giving something is plainly giving something to someone, anak. You don't need any in return because you gave something to someone. Binigay mo 'yon eh, hindi mo 'yon binebenta kaya hindi ka dapat umasang may ibabalik sa'yong kapalit. Desisyon mo ang magbigay at hindi para makapag-benefit ka sa ibang tao,"

"Gan'on po ba talaga iyon?" inosente kong tanong.

"Oo, anak." sagot niya, "Kaya sa susunod, 'wag kang magdamot. Lalong-lalo na kay Grant. Hindi mo ba alam na ang sinusuot mong dress ngayon ay sakaniya iyan?" nagulat naman ako sa sinabi ni mommy.

"Huh? You mean Grant's gay, mommy?" I had innocently aske and she had bursted out in laughter.

"You don't get it, do you?" tinignan ko si Grant, ubos na ang chocolates na kinakain niya at nagulat ako ng kinuha niya ang huling chocolate sa table ko. Gusto ko sana siyang awatin kaso nandito si mommy. Peste ka talaga, Grant!

Nag-fake smile nalang ako kay mommy kahit deep inside gusto ko na siyang sigawan sa pinaggagawa niya.

"That dress, Grant's mom had bought it for you," she said, "So, basically, that dress you are wearing, kayang bawiin iyan ni Grant kailanman, anumang oras, kung gugustuhin niya." ngumiti siya sa akin. Napatitig naman ulit ako kay Grant at ang mokong, nakangisi ng napakalawak.

"That's unfair!" sigaw ko.

"Well, that's life, baby," mom had said as she left me para pumunta sa kitchen ulit since nagluluto siya.

Nanggigil ako nang nakaalis na siya. Tinignan ko ng masama si Grant na masayang-masaya sa kinakain niyang huling piraso ng chocolate ko. Naigulo ko ang buhok ko sa inis.

Nagulat ako ng bahagya nang bigla siyang napatingin sa akin. I was stunned with his innocent smile that time. Naguluhan naman ako sa inakto niya. Para saan naman ang ngiting iyon? Wala akong ginawang maganda sa kaniya.

"Thank you, Zare," aniya bago tumayo sa pagkakaupo sa sofa at iniwan akong nakatulala.

Would It BeWhere stories live. Discover now