Nilapag ko ang excuse letter ko sa table ni ma'am dahil umabsent ako ng isang buong linggo dahil sa naging aksidente ko.
Tumango lang si ma'am sa akin nung nabasa na niya. At since may pirma iyon ng dalawang magulang ko, agad na-aprobahan.
'Pagkatapos nun, agad na akong pumunta sa sunod kong klase which is kaklase ko si Erika.
"Zare!" speaking of whom.
"Oh?"
"Ipinabibigay sa'yo ni kuya." aniya sabay lahad ng isang container na may lamang pagkain. "Kaninang umaga, nakita ko siyang nagluluto ng ipinaghanda niyang mga ito. I suddenly wonder kung ba't ka niya binibigyan ng pagkain habang ako ay hindi? At never niya pa akong naipagluto," she creased her forehead as I tried to reminisce what had happened yesterday. And what was my reply on his confession.
"I think I'm inlove with you,"
Silence mastered the whole surrounding. My eyes only remained on his as he slowly putting his both hands on his pockets. I blinked thrice.
"W-what did you say?" still, stunned, I had asked myself if this was a prank.
"I think I like you,"
Hindi kapani-paniwala.
"Paano naman mangyayari iyan? 'Ni hindi tayo nag-uusap, 'ni hindi—"
"That's my question too,"
Silence mastered again. Bago pa siya makapagsalitang muli, inunahan ko na siya.
"But Dan, I'm sorry," sabi ko, "I'm sorry kung hindi ko maibabalik ang mga nararamdaman mo saakin."
Napalingon siya sa akin, his soft features on face went hard. "Bakit? Are you inlove with someone else?" diretso niyang tanong.
I looked at him in eyes once more before I had smiled at him na parang matamlay na isang ngiti. Pumikit ako bago ko siya tinignan muli. I roamed my eyes around the whole park as I tried to smile widely at him, slowly unfacing him, "I think yes..." I whispered as I slowly nod, "I'm sorry..."
"Ang sinungaling mo talaga! Tinuring kitang matalik na kaibigan pero ganito lang ang ginawa mo sa akin? Wala ka palang k'wenta kung gan'on?!" hiyaw ko sakanya habang hawak ang cellphone ko.
"Oh, ano na naman ang pinag-aawayan niyo d'yan?" mom arrived, she immediately reached for me.
"Si Grant, ma! Sinabi niya sa mga kaibigan ko na crush ko daw siya! Ang kapal ng mukha!" pagsusumbong ko at nagulat nalang ako na tumawa si mama.
"Iyon lang?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko. "Hayaan mo na, anak, hindi iyan big deal." sabi niya, "Kung wala ka talagang gusto sa kanya, hindi ka magagalit kasi hindi naman totoo, 'di ba?" tanong niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko sabay upo na kagaya ng tangkad ko.
Tinawag niya si Grant. Kahit gusto ko siyang hiyawan sa paglapit, hinayaan ko nalang. "Bakit mo naman kasi ginawa yun Grant? Masama ang magsinungaling,"
"Kasi tita, siya naman ang nauna eh. Sinabihan niya sa kaklase niya na may crush daw ako kay Diana,"
"Eh kasi totoo naman yun! Ayaw mo nun ako ang gumagawa ng paraan para hindi ka na torpe!"
"Hindi ko naman crush si Diana eh!"
"Kita mo 'to, nagsisinungaling talaga!" maktol ko, "Basta! Bawiin mo yung mga sinabi mo sa kaibigan ko!" sigaw ko bago tumakbo paakyat sa k'warto ko. Palayo sa kanya.
"Zare," Erika called.
"Bakit?" sagot ko habang busy ako sa pagsasagot ng assignment namin sa Phsyics. And since both free time namin ngayon, nasa canteen lang kami. Habang ako ay nagsasagot, kumakain naman siya.
"Tell me," aniya.
"Ang alin?"
"Gusto ka ni Kuya Dandreb," it wasn't a question, it was more than a statement.
"H-huh? Paano mo naman nasasabi 'yan?" I asked pero hindi ako tumigil sa pagsasagot, as if hindi ako triggered sa sinabi niya kani-kanina lang.
"I can feel it." sabi nito, "The way he look at you... the way he smile... lahat, Zare. At nitong umaga, ipinagluto ka niya ng lunch, doon ko na talaga na-kompirma."
Hindi ako nagsalita. Napansin ko ring tumigil siya sa pagsasalita ng saglit.
"Zare, tell me what really happened. I know there is really something,"
And I was left with no choice.
"Kukunin na naman ako ni kuya ngayon, sasabay ka ba?"
"Hindi muna, Ri. Things will complicate things. Kaya iiwas nalang muna ako."
"Kung iyan ang desis'yon mo. Ano mauna nalang ako?"
"O sige. Ingat ka, Ri."
"Ikaw din, love you." ngiti nito.
"Love you too," she waved her goodbye as she slowly half-running towards the gate of the school. At ako naman, nagpa-iwan, hihintayin si Grant. Ang sabi niya kasi kanina, sabay nalang kaming umuwi kasi iyon ang utos ni mama na ang gusto niya'y sa bahay nalang kumain si Grant.
"Nasaan na ba yun? Kanina pa ang time ah," binalak ko nalang na pumunta nalang sa room niya at baka nandun lang, may ginagawa kaya hindi pa nakalabas.
'Pagka-rating ko sa building nila, hindi ko pa naaabot ang mismong room niya, may napansin ako sa mas naunang room nila. Nakabukas lang ang pinto nun kaya kitang-kita ang ginagawa nila.
Hindi ko alam kung bakit ko pa talaga sila tinignan doon at hindi nalang umalis.
Unti-unting nangibabaw ang kaba sa aking sarili ng makita ang kanyang ginawa. This is insane. I had thought to myself as I was slowly thinking to leave the building right away.
Pero bago pa ako naka- alis...
"Date me, Diana," ang mga salitang nagpabiyak sa aking puso.