"Bawal ma-inlove ang tao sakanyang bestfriend," narinig kong sabi ni Diana habang nasa ilang metro lang ang layo niya sa akin. Magkaklase kami sa Mother Tongue at kausap niya ang kaibigan niya.
"Huh? Bakit naman?" kun'wari hindi lang ako nakikinig sakanila habang sinasagotan ko lang ang assignment namin. Since, snacks pa ngayon at ang susunod na subject pa ang Mother Tongue, ngayon ko lang ito sinagutan.
"Isipin mo, kapag magka-kayo, at hindi mag-work out, magiginh awkward kayo sa isa't isa. Sayang lang ang mga pinagsamahan niyo. Sayang ang pagkakaibigan niyo," sabi niya pa, "Kaya ikaw, anong pipiliin mo? Maging kaibigan niya habang buhay o ang kalimutan nalang na may gusto ka sakanya?"
Talaga nga ba?
"Ang hirap mag-desisyon, Dia," sabi nung kaibigan niya. "Pakiramdam ko kasi, nahuhulog na ang loob ko kay Fergus,"
"Iyan ang mahirap, 'wag ka kasing pa-attach ng sobra sa tao. Kapag kasi mangyari yun, mafefeel mo na parang hindi mo na kayang mabuhay na wala siya. Iiyak ang araw mo kapag hindi mo man lang siya makausap o makita,"
"Tama ka sa lahat, Dia," narinig ko ang paghikbi nung Jill. Napatigil ako sa pagsasagot.
"'Di ba, I already told you about this, Jill? Hindi ka nakinig,"
Umiiyak ba siya?
"Nakinig ako sa'yo, Dia pero hindi ko lang napanindigan na 'wag talagang mahulog sakanya," ani Jill, "I fell for him because I just fell for him. Without any intentions, Dia,"
I tried to remember what had Diana said as I tried to look at him with a sad face. Kung yung Jill na iyon nga, nagsisi, ako pa kaya? Kung yung Jill na nga, umiyak na kahit wala pang nangyayari sakanila, paano na kaya 'pag kami ni Grant? I can't stand to lose a bestfriend. Para sa akin, mas pipiliin ko nalang kung ano kami ngayon, I don't want us to advance.
"G-grant... seryoso ka?"
"Bakit, hindi ka naniniwala sa akin? Oo, Zare, gusto kita," diretso niyang sabi. Napaiwas ako ng tingin.
Damn this.
"Ano ba naman 'yan, Grant! Dapat iniwasan mo'ko! You should have thought about our friendship! Ayokong masira lang ito just because of that thing called love!"
"Bakit, Zare? Ikaw ba, nakayanan mo? Ikaw ba, naiwasan mo'ko? Damn it, Zare! Ako na nga itong nag-confess to make things easier pero he'to ikaw! You are making everything difficult for me! Bakit ka ba gan'yan?!"
"Dahil nakayanan ko, Grant! Kakayanin ko! H'wag lang masira ang kung ano ang meron tayo ngayon! Damn this," napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may tumulong isang luha sa aking kaliwang mata, pinahid ko iyon.
"Oo, inaamin ko, gusto rin kita pero kakayanin kong 'wag nalang, Grant just to save our friendship,"
"Sa tingin mo ba, 'pagkatapos nito, magkakaibigan pa rin tayo? When in fact, may scar na, Zare. Everytime magkikita tayo, magiging awkward lang tayo kasi dahil maaalala natin ang pag-uusap na ito!" sigaw niya, "Zare, please... let's give it a try," he suddenly looked for my both hands and kissed the top of my left hand.
I looked at him eagerly... his eyes... his nose... his lips... his everything... I'm gonna miss them all. As much as I wanted to hug him right now. As much as I want him to kiss me again. As much I wanted to be his girl...
"Zare..." napansin ko ang paghigpit ng kanyang hawak sa mga kamay ko. Napalunok ako.
Another tear fell from my eye. At nasundan pa ang pangalawang iyon. Hanggang sa nasundan pa nang nasundan.
He wiped all of them away.
"Zare, I promised that our friendship will last long as our relationship will even get stronger," he said, "Handa akong ibigay ang lahat para sa'yo, Zare,"
"P-pero—"
"Let's just give it a try," he said again.
Napapikit ako sakanyang sinabi.
"Akala ko ba it would be better if we'll stay this way forever?"
"Noon lang iyon,"
"Pero Grant—" pinutol niya ako.
"Please, Zar—" pinutol ko siya.
"Then what about Diana? You said you'll date her,"
Nanlaki ang mga mata niya."Saan mo naman nalaman 'yan?"
"I heard it. With my both ears,"
"Narinig mo pala yun?"
"Kung hindi ko narinig, siguro, pumayag na ako sa alok mo ngayon. I'm sorry Grant but we can't be together," sabi ko.
"But you didn't hear everything," aniya, "Hindi mo narinig ang kasunod na sinabi ko doon,"
"Are you trying to make up stories now, Grant? If you think I'd fall for it, sorry but I won't."
"I'm not a liar, Zare, you know that." seryoso ang tono niya, "I said that thing just for her to stop bothering me. 'Date me, Diana and after that, you should stay away from me already'" huminto siya, "Iyon ang totoong katagang sinabi ko. Hindi mo narinig ang lahat. You should have stay any longer," he smirked.
"Idiot! What if, iba pala ang sinabi mo nun? E'di dobleng sakit?" sabi ko.
"Just this once, Zare. If it won't work, I promise to stay away from you,"
He looked at me, expecting to say yes.
I looked away.
But it would be a better choice to save what we have right now, Grant.
"Gusto lang kita, Grant. Pero may mahal akong iba,"
Would it be?