Chapter 2

15.2K 297 33
                                    

"Y OU'RE DROOLING."

Naputol ang pantasya ni Zhen nang biglang magsalita si Jarvis sa kanyang likuran. They were at the venue of the reunion, isang grand hotel. Kakatapos lang ng dinner nila at may ongoing program sa stage. Even if the place was clumped with people, hindi siya pumalya sa paghahanap kay Corinne.

Hindi niya pinansin ang kaibigan. He just kept looking at Corinne. Buong gabi na niya itong tinitingnan. Na tila ba natatakot siyang mawala ito kapag tinanggal niya ang tingin dito. Three years were too short to make her that beautiful. Naka-one-sided braid ang mahaba nitong buhok at kumikislap kulay kapeng mata nito na napapaligiran ng makakapal na pilik-mata. He couldn't help admiring the curves she showed with her knee-high red strapless dress.

"Lapitan mo na," gatong pa sa kanya ni Jarvis.

"H-ha?"

Pumalatak si Jarvis. "Tingin ka lang ng tingin eh. Mahuhubaran na si Corinne diyan sa tingin mo. Go ahead and refresh memories with her."

"Hindi kita maintindihan," aniyang kay Corinne pa'din nakatingin. Pumalatak siya nang lumabas ito ng convention hall.

"Kung ang babaeng matagal mo nang gustong makausap ay natatanaw mo mula sa malayo, nag-iisa at tila bored na bored sa party, what would you do? Letter a, titigan lang siya. Letter b, titigan lang siya. Or letter c, titigan lang siya?"

Bahagya siyang natawa sa sinabi ni Jarvis. "Pupuntahan ko siya."

Tinapik-tapik siya nito sa balikat. "Stay alive, Zhen," bilin nito.

Lumapad ang ngiti niya. Pagkatapos ay sinundan niya si Corinne. He didn't know what's in store for him that night. Ang alam lang niya ay black belt sa tae kwon do si Corinne, first placer sa interschool fencing competition n'ong panahon nila at best debater ng department ng mga ito. He didn't care if he'll go home with broken bones that night. Or if he'll be sliced into half or be killed by Corinne's words. Ang importante lang sa kanya ay sumubok siya.

Tumigil siya nang makalapit kay Corinne. "Hi," aniya rito.

Hindi ito gumalaw pero ang mga mata nito ay tila isang pana na biglang tumutok sa kanya. One wrong move and he'll die.

"Sin'ong nagsabi na pwede mo akong kausapin?" malamig na tugon nito.

Nanlamig siya sa sobrang lamig ng boses nito. Lalo siyang lumapit dito. "Kamusta, Corinne?"

Hindi ito tumugon sa kanya. Instead, she just kept on gazing on the pool filled with dry leaves. Mas interesado pa ba ito sa pool kesa sa kanya?

"Could it be na apektado ka pa sa presensya ko?"

Again, she shot him that deadly look. Pagkatapos ay may bahagyang ngiti na namuo sa mukha nito. Para iyong ligaw na bala na naiwasan niya. "Okay lang ako. I'm happily married to a rich and handsome man. Tatlo na ang anak namin. Actually, kakapanganak ko lang three months ago. Gusto mong mag-ninong?"

Her sarcasm made him smile and eventually chuckle.

"Ba't ka natatawa? Hindi ka naniniwala sa akin?"

"Pasensya na," aniya na pinigil ang tawa. He just knew her too well.

Nakita niya kung papaano maningkit ang mga mata nito. Dapat ay takot na siya. Tawagin na siyang tanga ng buong mundo, but her anger makes him feel serene.

Lalo siyang lumapit dito, almost inches away from her face. Siguro naman malalaman na nito na seryoso siya sa intension niya.

"Kung iyan ang paraan mo para itaboy ako, mag-isip ka pa ng iba."

My Sweet Serenity (as published by Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon