Chapter 3

13.8K 286 14
                                    

NANINGKIT ANG mga mata ni Zhen nang mapansing pasulyap-sulyap sa kaniya ang mga ka-banda niya. Kanina niya pa napapansin ang mga nakakalokong sulyap ng mga ito sa kanya. They were in Syver's garage. Doon kasi sila madalas mag-practice. They were tuning their instruments.

"Tumigil nga kayo!" bigla ay himutok niya nang mapuno na.

"Bakit, Zhen? An'ong prob—Hahaha," ani Caiden na hindi napigilan ang tawa. "Sorry, 'tol. 'Di ko mapigilan eh."

Umungol lang siya saka tumutok sa pagtotono ng bass guitar niya. Alam niya kung bakit tumatawa ang mga ito. Iyon ay dahil sa mga pasa niya sa mukha. He had a bad bruise on his left eye and another beside his lips.

Naikuwento niya sa mga kaibigan niya ang tungkol sa pagkikita nila muli ni Corinne kagabi. And he didn't like how they reacted.

Lumapit sa kanya si Syver at tila tinitigan ng maigi ang pasa niya sa mukha. "Ang galing, Zhen. It seems like you're bruises are changing into colourful shades. Amazing!"

Sarkastiko siyang ngumiti. "Buti naman nagustuhan mo. At dahil aliw na aliw ka, gusto mo, bigyan din kita?" Pinorma niya ang kamao niya sa harap nito na tila ba susuntukin ito.

Nagtawanan ang iba niyang kasamahan.

Napatirik na lamang siya ng mga mata. Kung kakalimutan niya ang mga pasa niya sa mukha, he would be completely happy. Just having the thought that Corinne responded to his kisses gave him enough hope. Pero mukhang maraming pasa ang pagdadaanan niya kapag nagkataon.

"Why do you want her back anyway? Hindi ba kaya kayo nag-break dahil na na-tempt kang halikan iyong ibang babae? It just means that you love her less." Si Syver.

Pinanlisikan niya ng mata si Syver. "Isa pang ganiyan, Syv, dadanak ang dugo rito."

Nagtaas ito ng dalawang kamay, isang simbolo ng pagsuko.

But Syver's question struck him like a rushing arrow. Bull's eye. Hindi niya rin naman alam kung bakit sa paglipas ng tatlong taon, si Corinne lang ang naging babae sa paningin niya. Everytime people would introduce him to women, it's as if he's guilty and he felt like he's still cheating on Corinne.

"Eh an'ong balak mo ngayon? Kulamin siya? Gayumahin?" ani Jarvis.

"Bakit naman iyon ang naisip mo?"

"Eh iyon nalang ang paraan eh. Dahil diyan sa kayabangan mo, nawala na ng tuluyan ang amor niya sa'yo."

"Alam niyo, nakaka-disappoint kayo. Akala ko pa naman tutulungan niyo ako kay Corie."

"Why would we? Hanggang back-up lang kami 'no. Misyon mo parin iyan. Saka na kami tutulong kapag lumpo ka na," ani Jarvis na ngingisi-ngisi.

"Ibig sabihin hindi niyo ako tutulungang pumorma?"

"Bakit? 'Wag mong sabihing bumababa na ang magnet mo sa babae, Zhen? Kala ko ba, chick magnet ka?" Si Syver.

He gritted his teeth. Alam talaga ng mga ito kung paano tatabigin ang ego niya. "Oo n-naman 'no! Kaya ko iyong gawin nang wala kayo. I could charm her without your help."

"Pupusta ako ng isang milyon, Zhen. Hindi ka makakabalik sa amin nang walang hospital records kapag nagkita ulit kayo ni Corie mo." Si Jarvis.

"Ganoon ba talaga kalala 'yung ex ni Zhen?" ani Vance.

Tumango sila ni Jarvis.

"Ang dapat diyan hinahalikan nalang nang matahimik."

"Wow Vance, bitter?" aniya.

My Sweet Serenity (as published by Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon