"ATE! SORRY, I'm late!" hinihingal na sigaw ni Corinne kay Ate Jarysse habang papasok sa bahay nila Zhen. Birthday ni Zhen sa araw na iyon at dumaan pa siya sa cakeshop at giftshop para sa cake na in-order niya at regalong pinabalot niya. Iyon nga lang ay traffic kaya hindi niya nagawang dumating sa oras.
The moment she stepped in the boundary of the Erejes' recidence, her past memories there returned. Naaalala niya pa ang unang beses na dinala siya doon ni Zhen para ipakilala sa mga magulang nito. Pati ang taon-taon niyang pagse-celebrate ng birthday ni Zhen noong college couple pa sila. And never did she ever thought it will happen again.
"Hi Corinne," bati ni Ate Jarysse nang makita siyang pumasok sa kusina. Nagluluto ito. "Hindi ka late. Walang late sa birthday ni Zhen. Ilapag mo na muna iyang dala mo saka magpahinga ka."
Sinunod niya ang sinabi nito. Naupo siya sa isang high chair sa may counter saka tiningnan ang paligid habang hinahabol ang hininga. Walang halos nagbago doon bukod sa kulay ng mga kurtina at iilang bagong palamuti. Mula sa kusina ay matatanaw ang living room ng mga ito. She always liked the living room. May isang grand piano sa gitna noon at puno iyon ng mga litrato ng pamilya ng mga ito. Naaalala niyang nand'on ang picture nila ni Zhen noon. Nandoon pa kaya iyon?
Nang maisip si Zhen at napakunot-noo siya saka tumingin kay Ate Jarysse. "Ate, nasaan si Zhen? Tsaka late na ba ako masyado kaya wala nang bisita?"
"Si Zhen, bumaba na kanina. Nakaligo na iyon at nakapag-bihis. Baka bumalik sa taas at natulog," wika nito habang nagsasalin ng afritada sa malaking lalagyan. "At tsaka two years ago, n'ong lumipat sina Mama at Papa sa resthouse namin sa Baguoi, hindi na nagpa-party dito sa bahay. Iyong mga kolokoy lang ang palaging nandito sa tuwing birthday ni Zhen. Maya-maya, nandito na iyong mga iyon."
Tumango-tango lang siya saka tumayo para tulungan ito. "Tulungan na kita diyan, Ate."
"Naku, huwag na. Patapos na ako rito. Mabuti pa, umakyat ka nalang d'on sa kwarto ni Zhen. Baka napasarap nanaman ang tulog n'on."
Tumalima siya sa sinabi nito.
Pag-akyat niya sa second floor kung nasaan ang silid ni Zhen ay tumatakbo sa isipan niya ang dating hitsura ng kuwarto ni Zhen. Gan'on parin kaya ito?
Nasagot ang tanong niya nang makapasok siya sa silid nito. Napaamang siya sa lumantad sa kanya. Pakiramdam niya ay ibinalik siya bigla sa nakaraan. Hindi nagbago ang ayos ng kuwarto nito. It was exactly how they formed it together. She remembered choosing his curtains, helped him position his bed and stuffed his books in personalized shelves she made.
Napangiti siya nang makita ang malaking corkboard na ginawa nito noong college sila. Pinuno nila iyon ng mga litrato at ala-ala noong kolehiyo sila. At napansin niyang dinagdag itong carved wood sa itaas ng corkboard. Sweet Serenity.
"Ang ganda," bulong niya. Dumako ang tingin niya sa mga litratong nakadikit doon. Nandoon pa ang mga litrato nila noong college. Pati mga litrato niya. Lumambot ang puso niya. Zhen did love her. And she loved him just the same. Kung nakita lang nito ang scrap book niya.
Agad siyang napalingon dito nang bigla itong gumalaw sa kama. Nakabihis na ito. Pants and a checkered polo shirt. Pumalatak siya tsaka umiling-iling. Kakailanganin nitong magpalit ng damit dahil lukot na ang polo nito.
Hinubad niya ang sandals niya at tinabihan ito sa kama. Noong una ay tinitigian niya lang ito. Zhen was a handsome man, enough to make any sane woman swoon. Ngunit kung ang ibang babae, nakontento na sa kilig, siya naman ay tuluyan na nitong napaibig.
Bahagyang kumunot ang noo nito nang hipan niya ang nakapikit nitong mga mata. Ngumiti siya. How she loved that man.
Nang makitang tuluyan na itong nagising ngunit nanatiling nakapikit, pinugpog niya ito ng halik sa mukha. Bahagya itong humagikhik. Kusa nang pumulupot sa kanya ang mga braso nito.
BINABASA MO ANG
My Sweet Serenity (as published by Precious Hearts Romances)
RomanceWritten: 2012 Published by PHR on August 2013 The Serenity Band Series Book 3 - Zhen's Story "I only looked at you once and I never looked away. It took me one blink to know you're beautiful. Two to know I love you. And three to make me want to marr...