UMUSOG si Zhen nang biglang tumabi sa kanya si Corinne habang nakaupo siya sa buhangin, nakatanaw sa dumidilim nang langit at nakikinig sa bawat hampas ng alon. Hangga't kaya niya, iiwas siya rito. Hangga't kaya niya, titiisin niyang 'wag itong makita. Hangga't kaya niya, pipigilan niya ang hawakan ito. Hangga't kaya niya, pipilitin niyang 'wag itong mahalin lalo. Hangga't kaya niya...
Muli itong umusog papalapit sa kanya. Muli siyang lumayo rito. He was trying to keep his distance to avoid falling deeper in love with her. Why the hell can't she just cooperate?
"Bakit mo ako iniiwasan?" anito.
Umiling siya. "Hindi ito pag-iwas. These are called preventive measures to avoid falling deeper in love with you."
Nabalot sila ng katahimikan. Hindi ito nakinig sa kanya. Lumapit pa rin ito. Napabuntong-hininga na lamang siya saka yinakap ang dalawang tuhod saka ipinatong doon ang kanyang ulo na tila ba isang bata na nagtatago. It was hard for him, controlling his feelings for her. He started thinking of not pursuing her when he saw how he scared her. At naisip niyang lalala lang iyon kapag lagi siya nitong makikita.
He entered martyrdom when he got used to the pain he was enduring because of loving her too much. Hanggang sa mga oras nga na iyon ay hindi niya alam kung napatawad niya na ba ang sarili niya sa nagawa niya kay Corinne. Siguro nga, bobo siya sa pag-ibig. Pero wala naman ding nagsabi na ang pag-ibig ay nakakatalino.
"Bakit, Zhen? Bakit ka lumalayo?"
Umahon siya mula sa pagtatago niya. "Dahil iyon ang gusto mo, hindi ba? I'm a jackass but I know how to read between the lines. Alam ko na ayaw mo akong makita pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayokong nakikita kita. I love seeing your face even if it frowns at me. I love hearing your voice even if each word that comes out of your mouth pained me. Kahit nga yata sapakin mo ako, ikaliligaya ko dahil kahit papaano, hinawakan mo ako. But please, Corinne, don't make this harder for me."
Saglit ito ulit na natahimik. "Kaya ba gusto mo na umuwi ng Manila kanina? Dahil iniisip mo na ayaw kitang makasama?"
"Tama naman ako, hindi ba? Inunahan na kita dahil mas masakit kapag sinabi mo nanaman sa akin na ayaw mo akong makita. It would hurt me more if you'd tell me to walk away and stay away. Ayokong marinig iyon kaya lumayo ako."
"Sinabi mo sa akin noon na hindi ka na umaasang mamahalin pa kita. Totoo?"
Tumango siya. "N'ong una, ayokong isiping magmamahal ka ng iba. Because I thought, maybe, just maybe, you were only angry but you still loved me. Pero ngayon?" Umiling-iling siya saka bumuntong-hininga. "You can marry any man you love, Corie. Be happy. Iyon lang naman ang gusto ko eh, iyong nakikita kang masaya. You can fall inlove with another man and have a..." Lumunok siya. "...family with him if it makes you happy. Pero siyempre, gusto ko sana na ako ang magpapasaya sa'yo. But I can't, right? I was the jackass who broke your heart after all."
Nanigas siya mula buhok hanggang kalyo ng mga paa niya nang bigla itong yumakap sa kanya. The sudden feel of her warmth in the middle of the coldness of the night electrified him. Kailan nga ba nang huli niya itong mayakap? He wanted to hug her tight and kiss her senseless. But he can't. Because once he does, he's never going to stop.
Pumikit siya. "Bigyan Niyo po ako ng katapangan," paulit-ulit niyang wika habang nakatingala.
Naramdaman niya ang paghagikhik nito. Bahagya itong lumayo sa kanya. "An'ong ginagawa mo?"
"Ako ay nagdadasal sa poong Maykapal na sana ay gabayan niya ako at bigyan niya ako ng sapat na katapangan upang huwag gumanti sa mga yakap mo," dire-diretsong wika niya saka muling nanalangin.
BINABASA MO ANG
My Sweet Serenity (as published by Precious Hearts Romances)
RomanceWritten: 2012 Published by PHR on August 2013 The Serenity Band Series Book 3 - Zhen's Story "I only looked at you once and I never looked away. It took me one blink to know you're beautiful. Two to know I love you. And three to make me want to marr...