Chapter 11

13.4K 266 26
                                    

NAPAPTINGIN SI Zhen sa pinto ng hospital room niya nang marinig niyang may pumihit sa door knob. Nanalangin siya na sana ay hindi iyon nurse or worse, doctor. Kung doctor man ay sana si Heather iyon. Mahimbing na natutulog sa tabi niya si Corinne at ayaw niyang paalisin ito ng nurse. Ayaw niyang pakawalan iton kay may iilang pasa itong nadidiinan. Mukhang unti-unti nang nawawala ang bisa ng pain killers niya.

Unti-unti nang nanunumbalik ang mga sakit sa iba't ibang parte ng katawan niya. Ngunit mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman niya para kay Corinne. The facts he found out today made him fume. Hindi niya alam na possible ang gan'on katinding galit sa puso niya. Ngunit hindi siya nagpadala. He can't do anything to change Corinne's past. But hell he'll do whatever it takes to make her future beautiful.

Kakaalis lang nila Kuya Flynn, Ate Jarysse at Penelope sa kuwarto niya. They didn't talk a lot, just wished him well. Ayon sa dalawa niyang kapatid ay sa bahay nalang sila mag-uusap, since he was going to be released the next day and Kuya Flynn was going to stay for a week. Pen said her apologies and told him to take care of Corinne. Lumapit lang din sa kanya si Kuya Flynn para humingi ng tawad sa ginawa ni Alice. Of course, he understood and he wished him well. Iyon ang pagkakapareho nila ni Kuya Flynn, they loved too much.

Nakahinga siya ng maluwag nang si Jarvis ang pumasok.

Ngumiti ito sa kanya. "Nakatulog na iyan diyan," anito na itinuro si Corinne.

Saglit niya itong tiningnan saka siya tumango. "Mukhang pagod na pagod eh."

"Mambugbog ka ba naman ng isang tao hindi ka mapapagod?"

He glared at his friend.

Itinaas ni Jarvis ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Okay, okay. Hindi na ako magsasalita. But in all fairness, Zhen, Corinne was dead worried of you. When you passed out, she started crying. Kung hindi ako nagkakamali, may sampung death threats nang nakapatong sa'yo. One that involves a twisting knife on your chest, a bullet through your brain and I believe castration was mentioned."

Napangiwi siya. Ugali na talagang maging morbid ni Corinne kapag sobrang nag-aalala ito. "No wedding vows? Wala bang sinabi na, 'Gumising ka lang at pakakasalan kita?'"

"Wala 'tol eh. Isa-suggest ko kay Corinne tapos pabugbog ka ulit baka sakaling magkar'on."

Natawa ito at siya naman ay napatirik ng mga mata.

"Ano ba kasing sinabi niyo?"

"I had to make my move, man. Hindi ka niya naiintindihan eh. So I explained a little. Pero sigurado akong si Ate Jarysse at Kuya Flynn ang nag-held ng seminar sa kanya sa cafeteria."

Pumalatak siya saka bumuntong-hininga. "Wala na akong magagawa sa mga in-explain ni Jand Laryssa at ni Kuya Flynn. May tiwala ako sa mga kapatid ko. Pero ikaw..." Naningkit ang mga mata niya.

Idinikta nito isa-isa ang mga kinuwento nito kay Corinne.

Bago pa matapos si Jarvis ay dahan-dahan niyang tinanggal ang braso mula sa pagkakasandal ni Corinne. Inabot niya ang mansanan sa mesa gamit ang kaliwang kamay niya saka binato it okay Jarvis. Nasapol ito sa ulo.

"Aray! Ano ba, 'tol?" singhal nito.

"Ba't mo sinabi iyon?! Sobra-sobra na nga iyong nararamdaman niya, kinonsensya mo pa. You emotionally tortured her."

Hinimas-himas nito ang parte ng ulo nito na nasapul niya ng mansanas. "Well, we had to. Kinailangan naming klaruhin sa kanya ang sitwasyon dahil sigurado kaming hindi mo ibubunton sa kanya ang mga dapat sabihin sa kanya. And besides, you're doing a lousy job in making her understand. You can't just keep loving a person without allowing her to grow, Zhen. Hindi pwedeng tatanggapin mo nalang lahat ng pagkakamali niya nang hindi niya nalalaman na mali iyong ginawa niya."

My Sweet Serenity (as published by Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon