Chapter 7...
“WOW !!! A-Ang ganda naman nito !”
“Ay, hindi pala…mas maganda pala ito !”
Kanina pa kami paikot-ikot sa shop na ito para pumili ng damit para sa kanya. Pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang napipili. Ang gulo lang talaga ng babaeng ito.
“Ano ba, hindi ka pa rin ba tapos pumili ?”
“E-Eh, kasi lahat maganda…”
“Tsk !” Napabuntong hininga ako. “Ako na nga ang pipili, umupo ka diyan.” Pinaupo ko siya sa isang maliit na bench doon at sinimulan ko ng pumili ng damit. Usually na bagay sa kanya ay Dress na aabot hanggang paa. Para kasi siyang anghel kapag nakaganun. Pumili rin ako ng mga damit pang summer. Syempre hindi ko na kaya pumili pati sa lingerie. Siya na dapat ang pumili doon.
Bawat mapili kong damit ay inaabot ko agad sa saleslady na sumusunod sa akin. At nang matapos na, hinila ko yung babaeng yun at tinulak siya papunta sa fitting room.
Naupo na ko at hinintay siyang magpalit ng damit. Maya-maya pa’y lumabas na siya suot ang uma kong napiling White dress na umabot lang sa tuhod niya. I think Im drooling.
“Oppa, bagay ba ?”
“O-O...” Natatranta kong sagot.
Sinuot niya pa ang iba at halos lahat ay bagay sa kanya. Magling talaga akong pumili sa mga ganyan. Kaya halos lahat ay nabili namin.
“Ah…eh…” I feel awkward nang mapadpad kami sa underwear’s station.
“O-Oppa…para saan ito ?” Walang ya ! Tinanong ba naman ako kung para saan ang isang T-Back undies.
“Pamunas yan sa muka ! Psh…”
“H-Ha ?” Shunga talaga at ipinunas sa muka. Hindi ko namalayang napangiti na pala ako sa ginagawa nito. Nakakatuwa kasi lokohin eh. Ewan ko ba !
“Pumili ka na kasi diyan ! Tsk !” Iniwan ko muna siya doon saglit at hinayaan ko lang na pumili doon.
“Oppa ! Nakapili na ko !”
“Oh, ito credit card ko. Bayaran mo na…”
“Sige !”
***
Nakaramdam na kaming pareho ng gutom kaya sa isang Italian restaurant kami kumain.
“Oppa, may fries ba dito ?” bulong niya sa akin.
“H-Ha ? Fries ?”
“Oo, gusto ko kasi yun eh ! Promise, nag c-crave ako sa pagkain na yun !”
“Psh ! Hindi sila nag se-serve ng Fries dito ! Puro pasta lang at assorted stuffs except fries. Italian ‘to hindi French !”
“Huhu ! Gusto ko rin kasi nun eh ? Saan ba makakabili nun ? Kahit yun lang kainin ko busog na ko…”
“Hays !” Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa babaeng ito. Ang kulit grabe ! “Diyan ka lang. Hintayin mo ko ha ? Maghahanap lang ako ng fries…” padabog na umalis ako sa harap nito at naghanap ng fries.
Mabuti at may isang fast food chain akong nakita at nagorder agad ako ng dalwang mega-sized fries. Para sa akin yun isa. Hindi naman ako allergic diyan eh…sa seafood lang ^__^
Bumalik na agad ako sa restaurant at nakita kong may kausap yung babaeng yun na isang lalake. Hindi pang waiter ang suot nito. Nakita ko silang nagtatawanan pati na rin yung babaeng yun ay tumatawa. Mukhang masaya silang pareho ! Sino ito ? >.<
“Hey, excuse me…Sino ka ?” Pumasok na agad ako sa eksena.
“Oppa ! Nakbili ka na ?”
“Yeah…sino itong lalakeng ‘to ?”
“Ah…siya ? Kaibigan ko siya. Napadaan lang siya dito dahil hinintay niya yung girlfriend niya. Dito kasi sila mag de-date eh.”
“Pasensya sa istorbo. Sige alis na ko…Bye na…”
“Sige ingat ka ! ^__^”
Masama ang tingin ko sa lalakeng iyon hanggang sa umalis ito. Naupo naman na ko sa upuan sa harap ng babaeng ito.
“Kaibigan mo yun ?”
“Oo eh. Napadpad yata dito sa restaurant. Hindi ko akalain…”
“Ah…S-Sige, oh ito, ito na yung gusto mong fries…”
“WOW ! Talaga ! Yehey ! Thank You ^__^”
Ngumiti ako saglit. “Sige na, mag oorder na ko…”
***
Malapit na kami sa bahay nang mapansin kong nakatulog na pala itong babaeng ‘to sa tabi ko. Mukhang mahimbing ang tulog nito kaya hindi ko na inabala pang gisingin.
Binuhat ko na lang siya papunta sa kwarto niya at dahan-dahang inilapag siya sa kama niya.
NP : First Love (Piano)
BY : Utada Hikaru
“A-Alam mo, nakakatuwa ka…” Pinagmasdan ko saglit yung maamo niyang mukha. Yung mukha na palaging pumapasok sa isip ko. Yung mukha na hanggang sa panaginip ko napapadpad…
“Nakakaasar ka lang minsan kasi weird yung ugali mo. Hindi ko rin akalain na napakamasayahin mo. K-Kahit may dinadala kang m-malubhang sakit…” Hindi ko na napigilan yung pagtulo ng mga luha ko. Nakaklungkot. Ewan ko ba, nalulungkot ako dahil…d-dahil sa bahay ko pa siya napadpad…Ewan ko kung ano bang gusto nitong babaeng ito. May malubhang sakit tapos sa bahay ko napadpad tapos ayaw pa magpakilala ! Ano bang merong utak itong babaeng ito ?
***
“Oppa, maganda ba sa Palawan ? Hindi pa kasi ako nakakapunta doon eh. Masaya ba ? Marami ba tayong kasama ? Nasaan na sila ? Oppa !!!”
“Pwede ba, just shut up for a moment ? Papunta pa lang tayo sa airport,okay ? Ewan ko kung marami tayo kaya pwede bang manahimik ka muna ! Hays !”
Nakarating na rin kami sa wakas sa Airport. Nakita ko na rin yung mga iba pa naming kasama pati na rin si Dr.Park.
“Oh, Lay…a-akala ko ba h-hindi ka magsasama ?”
"Hind----"
"Oppa, aalis na ba tayo ? Nasaan na yung sasakyan ? Bakit ganito ?"
Napansin kong halos lahat sila napatingin sa kasama ko. Yung iba hindi mo maintindihan ang mga reaction. Yung iba naman, namangha. Yung iba, facepalm...B-Bakit ? ano bang meron ?
"Hi Miss, napakaganda mo naman ! A-Anong pangalan m-mo ?" Tanong ni ChanYeol.
"H-Ha ?"
"Kaanu-ano mo si Lay, magandang binibini ?"
"She's my girlfriend ! Psh. Wag niyo nga siyang hahawakan ! Nasan na sila ?" Singit ko sa usapan nila.
"A-Ah...eh, k-kayo na lang hinihintay. T-Tara na..."
***
BINABASA MO ANG
Oppa, saranghae (One-shot story)
FanfictionOppa --- Older brother (used by girls only) Saranghae --- I love you (In Korean word) Maraming nagsasabi na "Kapag nagmahal ka, handa kang masaktan..." Eh paano kung lagi nalang nasasaktan ? Natural, wag na lang magmahal...baka magbigit ka na sa sus...