Chapter 5 (heart beats fast...)

31 2 1
                                    

Chapter 5…

“UGH ! My head hurts !!!” Napabangon ako nang di oras dahil gusto ko magpunta ng banyo kaso hindi ako makakilos ng maayos. Sobrang sakit ng ulo ko. Malamang sa hangover kagabi. Naparami yata ang inom ko.

Dahan-dahan akong tumayo pero napalingon ako sa kakabukas na pinto. Bumungad ang mala anghel na babaeng yun sa harap ko. Naka dress ulit ito ng puti at may hawak na tray na may lamang pagkain. Nakangiti siya habang lumalapit sa pwesto ko.

“Good Morning, oppa !” bati niya. Nilapag niya sa lamesa ko yung tray na may lamang fried rice, fried chicken at bacon. Meron ring milk at tubig na nakalagay sa ibabaw nun. May napansin rin ako na soup doon. Pero napansin ko lang, puro favorite kong almusal ito ha ? Hmm…baka nagpatulong siya sa katulong namin. Psh ! Kala ko pa naman, pinaghandaan niya talaga ito.

“Halika, kumain ka na…Niluto ko yan lahat ! Favorite mo yan di ba ? Tapos ito…” tinuro niya yung soup. “Kaka experiment ko lang nyan kanina k-kaso hindi k-ko pa n-natitikman eh…”

“Sandali, hintayin mo ko. Mag C-Cr lang ako…” Dumeretcho na ko agad sa banyo dahil hindi ko na talaga mapigilan ang pantog ko.

Pagkatapos nun, humarap uli ako sa salamin. Tinignan ko kung maayos ba yung muka ko ? Kung may muta pa ba ako ? Kung bad breath ba ko ? UGH ! Bakit ba ko ganito ? Nakakahiya rin naman siguro magpakita ng kababuyan sa harap ng babaeng yun di ba ?

“Oh, nasaan na yung babaeng yun ?” Luminga-linga ako sa paligid pero wala yung babae. Hahakbang na sana ako nang may biglang…

“BULAGA !!!”

“WAAAAH !”

Epic face lang talaga. Nagawa pa kong gulatin ng babaeng ito. Anak ng…Ang lakas yata ng tama nito.

“ANO BANG PINAGAGAWA MO ?!” Galit kong sabi dito. Muka naman siyang natatakot kaya huminahon na ko agad. Natameme ako eh.

“S-Sorry…”

“Tss…ano ba kasing ginagawa mo ?”

“W-Wala naman, hehehe ^__^” Hinila niya ko bigla. “Lika, kain ka na ha ?”

Pinaupo niya ko sa may kama at saka niya inilagay sa kama ko yung tray. Napansin ko na grabe siya magasikaso sa akin. Nakakranas rin naman ako ng ganitong bagay pero wala pang gumagawa sa akin ng breakfast in bed. Hmm, siguro maswerte yung mapapangasawa nito kung sakali.

“A-Ako na ang susubo…” Inagaw ko sa kanya yung kutsara. Aba, balak pa kong subuan. Nakakhiya noh ! Hindi ko naman siya kaanu-ano para gawin niya sa akin yung ganun.

“Sige oppa, kain ka na ng mabuti ha ?” Tumayo siya bigla. Hinawakan ko yung braso niya at tinanong siya.

“S-Saan ka pupunta ?”

“Hmmm ? Ah eh, tutulungan ko kasi si Manang Lucy na maglinis sa malaking ano…ahmm, yung maraming tubig na nasa garden niyo banda…”

“Psh, sa swimming pool ?”

“OO ! Try ko lang na m-mag tanggal ng anon g mga dahon-dahon…nakakatawa kasi tignan si Manang na naglilinis doon eh…”

“Ah,” Sinubo ko na yung chicken at tinignan ko ulit yung babaeng amaze na amazed sa swimming pool na matatanaw sa bintana ko.

“Bahala ka…” walang gana kong sabi. At ayun, sobrang bilis na bumaba siya papunta sa may pool ng bahay. Syempre nakikita ko yun mula sa may bintana ng kwarto ko.

Tinitignan ko lang kung paano siya kumilos. Madalas kasi yung mga naging girlfriend ko, ang habol lang dito sa bahay ko ay yung pool at garden namin. Hindi rin nila naisipan na tulungan si Manang Lucy or kahit sinong katulong sa bahay namin.

Oppa, saranghae (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon