Chapter 9 (The past)

25 2 1
                                    

Chapter 9…

After those commotions, inayos na nila ang speed boat para puntahan yung nasabing kakamatay lang na balyena. Pinunatahan agad naming ito. Kinuhaan ko ng litrato.

Sila na ang nagusap-usap tungkol sa nangyari sa humpback whale na ito. Sorry dahil hindi ako belong sa ganitong bagay. Baka sa susunod na adventure namin.

Nang matapos, napadaan muna kami sa isang Souvenir shop at naisipang mamili ng mga pasalubong. Tutal nandito kami sa Puerto Prinsesa, sikat dito ang mga various seafoods na kinaayawan ko naman. Pili lang ang gusto ko eh. Hays…

Habang busy sila sa pagpili ng mga seafood, napadpad ako sa isang stuff toy shop. Nakaagaw ng pansin sa akin ang isnag stuff toy na Dolphin. Kulay blue ito pati ang mga mata. Sobrang cute. Bihira lang ako magkahilig sa mga ganito. Hmm…okay na siguro ito para iregalo sa babaeng yun…

“Tapos ka na diyan Lay ?”

“O-Opo…” Kinuha ko ang couple dolphin na nandoon. Yung isa, gray at yung isa ay blue.

“Miss, itong dolphin nga na ito…”

“Ay, sir. Dahil couple po ang napili niyo, may free key chain po yan at may kasamang card para ibigay sa partner niyo…” sabi ng sales lady.

“Ah…s-sige…”

***

Maya-maya pa’y nakarating na rin kami sa Resort at sa kwarto ko. Naabutan ko doon yung babae na nanunuod ng TV. Tinago ko muna sa sulok ng kama yung regalo ko dito.

“Oppa, nkarating ka na pala…Nakakain ka na ? Tapos na kasi ako kumain eh…Hindi kita nasabayan. Sayang….”

“O-Okay lang, tapos na rin kaming kumain…”

“Oppa, swimming tayo ! ^__^”

“B-Bakit, may pang swimming ka ba ?”

“Hays, diba binilhan mo ko ? Yun gagamitin ko kasi ikaw ang bumili eh…”

Hinubad ko ang coat ko. “Ganun ba, s-sige…”

***

Umidlip muna ko saglit dahil napagod ako sa biyahe at sa pag scuba diving. Maaga pa naman para lumangoy. Marami pang oras…

“Oppa ! Habulin mo ko !!!”

“Hoy, bumalik ka dito ! Akin na yang tsinelas ko !! Hoy !”

“Hahahah ! Habulin mo nga kasi ako…”

“Lagot ka sa akin ! Nandyan na ko !!!”

“Wahahahaha !!!” Pinipilit kong habulin yung babaeng ito pero nadapa ako hanggang sa…

***

Napabangon ako ng di oras dahil sa panaginip na yun. Nasa beach rin ang panaginip ko at pumasok nanaman doon ang babaeng kasama ko ngayon. Hays, akala ko totoo na hinahabol ko siya…T-Teka nga, nasaan ang babaeng yun ?

Napakamot ako ng ulo sabay bangon. Baka nauna na mag swimming—Teka, sabay nga kami nun di ba ? Iniwan niya ko ganun !? Walang yang---

“Oppa, gising ka na pala, tara…swimming na tayo ! Hindi na masyadong mainit !” Muntik na kong mauntog sa pinto ng banyo nang magbukas iyon at bumungad nanaman sa akin itong magandang babaeng ito.

“A-Ano yang suot mo ?” Nakasuot ito ng sleeveless na damit at saka naka palda na abot hanggang paa.

“P-Pangit ba ?”

“Nasan yung swim suit mo ?!”

“Eh…na-naka short naman ako eh, tatanggalin ko na lang yung palda ko tapos ito na idadamit ko…”

Oppa, saranghae (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon