Chapter 6 (Cruel life)

32 1 0
                                    

Chapter 6… (Cruel life)

“O-Oppa ?”

Masyado akong natameme sa paglapit ng mukha ko sa kanya. Ngayon ko lang ito naranasan sa buong buhay ko na kahit naka apat nan a girlfriend, hindi ko man lang sila nakasama mag swimming sa pool ng bahay ko.

“S-Sino ka ba talaga ?”

“Hmmm ?”

“Sino ba talaga itong babaeng kaharap ko ngayon na parang anghel ang mukha ?”

“O-Oppa---“

“SINO KA BA !” Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtanong dito. Masyado na niya kasing nasasakop ang loob ko at baka pati ang puso ko madamay. Sawa na ko sa mga ganitong drama. Sawa na rin akong masaktan. Tama na tong kahibangan ko at baka hindi ko na ito mapigilan.

“H-Hindi ko p-pwedeng s-sabihin sayo eh…”

Naihilamos ko ang mukha ko gamit ang aking mga palad. Naguguluhan na talaga ako. Masyado siyang mysteryosa pero mala anghel ang mukha. Kakilala ko ba siya dati ? Saan ? UGH ! Why is this happening to me ! >.<

***

“Yes Dr. Park ?”

“Meet me at the coffee shop nearby your clinic. Doon nalang tayo mag meeting with some doctors na isasama ko rin…”

“S-Sige po, I’m on my way…”

Matapos ang nagdaang araw, halos isang buwan na rin siyang nanatili sa bahay. Matigas pa rin ang ulo niya at ayaw pa rin niyang bumalik sa bahay nila. Masyado na kong busy kaya wala na kong magawa.

I-Me-meet ko ngayon si Dr.Park para sa nalalapit naming operation sa Micronesia. Sinasabing maraming wild species doon na kailangan magamot dahil masyadong delikado ang lugar para sa kanilang habitat.

“Good Evening…” Nakita ko agad si Dr. Park na nakaupo malapit sa entrance ng shop. May kasama itong apat na lalake na sa tingin ko ay mga doctor or Vet rin tulad ko.

“Oh, Mr. Yixing. Maupo ka…”

Pinakilala niya na ang apat na lalakeng iyon na makakasama naming sa Operation. Nasabi na rin pala nila na hindi na kami sa Micronesia kundi sa Palawan na lang kasi mas maraming may kailangan maayos doon. Mabuti na rin at nang hindi kami mapalayo ng masyado.

“One week or more rin tayo doon so think of it as our vacation…”

Tango lang ang sagot ko dito.

“Gusto niyo ban a magsama kayo ng relative niyo or someone ? at least one or two lang para hindi saying yung bus natin. Pang 50 persons yung estimate na isasama tapos mga twenty lang tayo na pupunta doon…feel free to enjoy in Palawan. Pero kapag work na, dapat work lang ang asikasuhin…”

“Isasama ko na lang yung wife ko…”

“Sama ko yung sister ko na mahilig mag adventure…”

“Isasama ko si tito na may alam rin sa wilderness…”

“Isasama ko naman ang mommy ko…”

Wow lang, may ganitong pangyayari pa silang nalalaman. Eh kung magbakasyon na lang kaya kami di ba ? Psh ! Ganito ba ang work ?

“Ikaw, Mr.Yixing ? Wala ka bang isasama sa adventure natin ?”

“Una sa lahat, ayoko ng may kasamang iba dahil natetense ako. Wala akong wife, wala akong sister, meron akong brother pero out of town siya ngayon. Ang mommy ko ay nag past away na. Wala akong tito dahil nasa malayong lugar sila…”

Oppa, saranghae (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon