Prologue: The Letter

18.8K 290 36
                                    

Note: UNEDITED COPY


TO MY dearest Sir Patrick,

Alam mo ba 'yong feeling na parang ikinukulong ng mga kamay ang puso, and at the same time parang nakalutang sa sobrang gaan nito? 'Yong pakiramdam na hindi ka makahinga sa gitna ng isang malaking-malaking cathedral o arena dahil sobrang overwhelming? At yong mga balahibo ko umaangat. Ramdam na ramdam ko 'yong masarap na goosebumps.

Mahirap maintindihan ang description ko, iyon siguro ang sasabihin mo. Pero kung na-experience mo na 'to, alam ko maiintindihan mo ako. Dahil ganoon eksakto ang naramdaman ko noong first time na makita kita. Hanggang ngayon, ganoon pa din ang nararamdaman ko kapag nakikita kita, o kapag nasa malapit ka lang.

Aalis ka na daw sa school. Hindi mo man lang nahintay na matapos ang sem. Hindi na tayo magkikita. Hindi ko na maririnig ang boses mo. Hindi ko na hahabulin ng amoy ang favorite cologne mong Cool Water. Wala na rin akong lilingunin kapag naglalakad ka sa hallway na kasing straight ng lakad ng isang kadete ng PMA. Na sa sobrang tangkad mo, nakalutang ang height mo sa gitna ng mga estudyante.

Pagkatapos ng halos tatlong buwan na araw-araw nagkikita tayo, hindi na ako sanay na wala ka. Paano na kapag na-miss ko ang Superman eyes mo? 'Yang mala-James Reid na eyebrows mo? At 'yang dimples mo na mas malalim pa sa dimples ni Alden Richards, mami-miss ko 'yan nang sobra.

Baka isipin mo mababaw lang ako talaga. Pero 'yong feelings na nagsimula lang sa na-cute-an ako sa iyo, humanga ako sa posture mo at sa galing mong magturo, hindi na mababaw ngayon. Pinahihirapan na ako nito, kung alam mo lang. Parang kulani ng sugat na ayaw magpatulog sa gabi. At parang math problem na problem pa rin kahit sampung beses ko nang inaral. Kasi permanent resident ka na sa utak ko.

Nakakatawa na kung kailan may kumakausap sa akin o may mga tao sa paligid ko, saka naman kita naiisip. Napagkakamalan na nga akong baliw kung minsan. Ngumingiti daw ako kahit walang dapat ikangiti. Wala naman akong magawa. Ganoon talaga ang epekto mo sa akin. Pero ayos lang 'yon. Kasi ayokong makalimutan ka.

Hindi uso ang lungkot sa mga eksenang nai-imagine kita. Kasi ikaw ang pinakanagpapasaya sa akin. Pero ngayon, sobrang lungkot ko. Hindi siguro ako ganito kung sana lang, hindi totoong aalis ka na. Na lilipat ka na raw sa ibang lugar.

So ano gano'n na lang? Na pagkatapos kong ma-fall sa iyo, aalis ka na lang? Aalis ka na hindi mo alam, may iiwan ka dito na isang babaeng brokenhearted...

https://www.preciousshop.com.ph/home/

http://www.phr.com.ph/
http://www.booklat.com.ph/


To Sir, With Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon