Chapter 9: Unexpected

4.7K 172 2
                                    

"S-SIR Patrick?" Nanginig ang mga kamay ko sa pagkabigla. Kumabog nang todo ang dibdib ko. Gusto ko ang ganitong sorpresa pero parang hihimatayin ako sa pagkagulat. Sobra-sobra ang pagka-miss ko sa lalaking ito. Gusto ko siyang yakapin at magpayakap sa kanya. Pupugin ng halik ang mukha niya. Kung puwede lang na hawakan ko siya at hindi na bitiwan. Pero wala akong ginawa kundi tumitig lang kay Sir Patrick, habang parang umaalpas sa dibdib ang naglilikot na puso ko.

"Ako nga, Ayeth." Hindi nagbago ang pagkakangiti ni Sir Patrick. Makikita sa mga mata niya ang tuwa at pananabik na puro.

Na-miss din kaya niya ako?

"Kumusta ka na?"

"O-okay lang po."

"Ahm... may Pancake House sa banda do'n. Puwede ba tayong magkuwentuhan sandali?"

Tango lang ang naisagot ko. Wala akong makapang salita. Sa dami ng gusto kong sabihin sa kanya, wala akong maisip ni isa. Daig ko pa ang isang manunulat na nasa gitna ng isang matinding writer's block.

Like a true gentleman, ipinag-urong pa ako ng silya ni Sir Patrick nang nasa resto na kami. Feel na feel ko tuloy ang pagiging dalaga.

"Akala ko hindi na kayo babalik dito sa Balanga," nakapa ko rin ang boses ko sa wakas.

"May ilang documents lang akong kinuha. Requirement sa lilipatan kong school."

"Saang school ka na po ba lilipat?"

"Sa isang university sa Quezon Province."

Nalungkot ako. Hindi man lang niya sinabi ang eksaktong pangalan ng university. "Hindi ka na po ba talaga babalik dito sa Balanga?"

"Once in a while siguro dadalaw ako rito."

Kinuha ko ang ballpen at post it notepad sa bag ko at nagsulat doon. Ibinigay ko sa kanya ang papel pagkatapos. "Number ko po 'yan. Sana 'pag may time kayo i-text n'yo ako kahit paminsan-minsan lang."

"Thank you, Ayeth."

Hindi ko na lang pinansin na hindi niya ibinigay din sa akin ang number niya. Ang importante nasa kanya na ang number ko at puwede niya na akong tawagan. Magkakaroon na kami ng communication kahit nasa malayo siya. "Hindi n'yo ba ako-kami na-miss? Kasi ako missed na missed ko kayo, Sir. Iba kasi kayong magturo. Sobrang dedidated n'yo talaga sa mga estudyante para matuto." At sobrang missed na kita kasi ikaw lang talaga ang mahal mo. Sobrang mahal na mahal. Sana alam mo 'yan.

Napailing siya. "Kung alam mo lang."

Kung alam ko lang ang ano?

"Hindi ko kayo makakalimutan, Ayeth. Kayong lahat na naging estudyante ko sa BPSU."

Sana ako ang estudyanteng pinaka hindi mo makakalimutan. Selfish ako pagdating sa iyo, eh
.
"May sinasabi ka?"

"Ahm, gusto ko lang pong sabihin na mas hindi kita makakalimutan, Sir."

"I missed the letters, Ayeth," sabi niya sabay ngiti at titig sa mga mata ko. "Your letters."

Nag-init ang mukha ko. Ngiti lang ang nagawa kong response.

"We both don't know what will happen in the future. Baka sa isang taon, sa ikalawang taon, makalimutan mo na ang mga nangyari noong habang nado'n tayo dati sa BPSU..."

Kumokontra ang puso at isip ko sa sinasabi niya. Hinding-hindi ko siya makakalimutan.

"Pero mas maganda kung magiging hopeful tayo palagi. Lahat ng magagandang nangyari sa atin sa nakaraan, maalala pa din sana natin."

Pinili kong magpaka-bold. "Hindi kita makakalimutan, Sir. Never."

Ngumiti siya at tumango-tango lang. Na-disappoint tuloy ako nang slight. "Madaming magagandang nangyari sa akin sa BPSU, Ayeth. Isa ka na do'n." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.

Nanginig na naman ako. Gosh! Magtatapat na ba siya? Ayiii!

"Pagbutihin mo ang pag-aaral, Ayeth. Who knows, baka 'pag tapos ka na, magkita tayo ulit." Binitiwan na niya ang palad ko. Kahit ayoko pa sana. Ang palad ko na hindi ko huhugasan hanggang kinabukasan para hindi mawala ang bakas ng hawak niya sa akin.

Lord, bakit naman po hindi pa naging ngayon ang future ko. How I wish na tapos na ko ngayon sa studies ko, may work na at mature enough para puwede nang maging kami ni Sir Patrick.

"Huwag ka munang manliligaw, Sir."

Natawa siya. Akala niya siguro nagbibiro ako. "I'll see you again, Ayeth. Promise 'yan."

Nagulat ako nang bigla niya akong hapitin. Pero saglit lang. Hahawak at gaganti pa lang ako ng yakap ay bumitiw na siya. Muntik na akong magmaktol

To Sir, With Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon