CHAPTER 4: Secret Love

5.8K 172 19
                                    

“DOS, Ayeth!” sabi ni Gregory habang tinitingnan ang result ng exam ko.

“Well, hindi na masamang grade para sa mid-terms sa Math. Malayong-malayo sa tres mo noong Prelims natin.”

“Ipagdiinan daw ba ang tres ko noon?” Malaki ang naitulong sa akin ng tutorial classes ni Domino. Naiintindihan ko na kung paano gamitin ang logic sa Algebra. Mas marunong na rin akong mag-analyze ngayon ng Math problems. Pero hate ko pa rin talaga ang Math. Kahit kailan siguro hindi ko siya magugustuhan. Civil lang ang pagsasama namin, kumbaga. Kasi kailangan. Hindi ako makakapunta sa next level kung hindi ko siya maipapasa.

“I just can’t believe na unat ang grade na binigay sa iyo ni Mr. Fontanilla. Girl, ikaw ang pinakamataas sa klase natin sa Filipino 101. Congrats!” Bumulong pa siya sa akin. “Sana lang, ikaw din ang magwagi sa puso niya at hindi si Miss Cunanan o si Jackie o si Eldalyn.”

Tiningnan ko sa mga mata si Gregory. Sa tono ng bakla, parang may gusto siyang sabihin pero pahihirapan muna ako bago isiwalat. “Anong alam mo? Anong latest sa kanila?”

“Aba, girl, nagko-contest ‘yong tatlo sa pagbibigay ng gifts kay Sir Patrick,” anas niya sa akin. “Muntik pa nga akong maabutan ni Miss Cunanan na inihuhulog yong latest love letter mo sa locker ng crush mo. May dala siyang special lomi kay Sir Patrick. Sinabayan pa nga niyang mag-merienda sa table si Sir. At sila Jackie naman, parehong nagbigay ng imported chocolates kay Sir. Nandoon pa nga ako no’ng ipamigay din ni Sir sa ibang mga prof sa faculty. Eh ikaw, ano lang ba ang naibigay mo kay Sir Patrick? Love letters na anonymous pa ang letter sender.”

“Ang totoo, marami akong gustong ibigay sa kanya. Pero nagi-guilty ako. Pakiramdam ko kasi mali na gawin ko ‘yon. Hindi ko naman intensiyon na ligawan talaga si Sir. Kailangan ko lang talaga ng outlet nitong nararamdaman ko para sa kanya. Bata pa ako, Gregory. Alam ko na hindi niya ako papatulan.” The truth hurts. Pero tanggap ko ang katotohanang iyon. Na walong taon na naunang ipinanganak sa akin si Sir Patrick. He was way, way ahead of me. Kahit gaano kalaking effort ang gawin ko, mahihirapan ako na abutan siya. “Ang puwede ko lang gawin ngayon, huwag mawala ang precious hope dito sa puso ko. Na mahihintay niya ako.”

“At paano kung hindi na siya makapaghintay? Paano kung makapag-asawa na siya bago ka pa gumraduate?”

“I’ll keep my fingers crossed.” Lord, sana naman po hindi mangyari. Kinatok ko ang ibabaw ng desk ko. “Na sana someday, kapag nakatapos na ako ng studies ko at professional na rin ako kagaya niya, he will take notice of me na rin.”

“Ang martir mo, girl. Hindi na uso ang mga ganyang babae ngayon. Dapat makipagsabayan ka rin doon sa tatlo. Sa tingin ko naman, may edge ka sa kanila.”

“Pati kay Mis Cunanan?” dudang tanong ko.

“Well... let’s just say na hindi ko nakikita na mutual ang feelings ni Sir Patrick at ni Miss Cunanan.”
Kahit parang kabaliwan na umasa ako, nagdagdag sa hope ko ang sinabi ni Gregory. Lalo na nang sumapit ang period ng Filipino 101 at makita ko na naman ang cute na ngiti at deep dimples ni Sir Patrick.
“Magandang umaga sa inyong lahat!”

Parang napaka-energetic ngayon ni Sir Patrick. Kaya tuloy napaka-energetic din ng naging response ng buong klase.

Naisip ko tuloy ‘yong love letter na palihim na inilagay ni Gregory sa locker ng propesor kahapon. Nabasa na kaya ni Sir Patrick? Iyon kaya ang dahilan kung bakit masaya siya ngayon? Ah, Maria Rita, ‘yan lang talaga ang magagawa mo sa ngayon. Ang umasa.

“Ang isa sa mga paraan ng pakikipagtalastasan ay ang pagsulat ng liham. Sa pamamagitan ng liham, naipahahayag ng tao ang kanyang niloloob o ang gustong ipabatid sa kapwa na sinusulatan, malapitan man o malayuan...”

To Sir, With Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon