Chapter 1: First Sight

12.7K 218 20
                                    


CHAPTER 1




"CLASS, THERE will be a discussion tomorrow about the stages of Mitosis and Meiosis. So I want everyone to be prepared for a graded recitation, okay? Until tomorrow then. Goodbye."



"Ayeth, ang ganda talaga ni Miss Cunanan, 'no? Twenty-five years old na daw 'yan pero wala pang jowa," bulong sa akin ni Gregory habang nakasunod ang tingin niya sa Biology professor namin na papalabas na sa pinto ng classroom. Pareho kaming college freshmen ni Gregory sa Bataan Peninsula State University, pero mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Schoolmate ko siya sa Montessori noong gradeschool pero naging kaklase ko lang siya ng highschool dahil two years siyang huminto. "Pati katawan maganda. Sure ako thirty-six-twenty-four-thirty-six ang vital stats niya."



Tiningnan ko siya habang isinusuksok ko sa tainga ang ilang hibla ng above shoulders na buhok ko. Duda ako sa Gregory Guerrero na 'to. Hindi ko alam kung bading talaga ang classmate kong 'to o nagbabading-badingan lang. Pero imposible. Ang lantik kaya ng mga daliri niya kapag naglalakad kami. Tsk! Sayang talaga ang isang 'to, guwapo sana. Kaso lang, ang balakang kung gumiling, may pitik. Naiisip ko tuloy minsan, nagagandahan ba talaga ang mga bading sa gano'ng lakad? O nagagandahan ba kaya ang mga straight guy sa gano'ng beki walk? Kasi kung gusto talagang magpa-girl ng mga bading, dapat simpleng lakad lang. Na kung kailangan na may giling ng balakang, discreet na lang sana at lalabas na natural lang na paglalakad. "Crush mo?" tanong ko sa kanya.



Inirapan ako ng bading. "Ayeth, ha, kung ayaw mong 'Rita' ang itawag ko sa 'yo forever, just don't say bad words."



Aw! Mahirap talaga kapag ang isang friend alam ang hate mong monicker. Gaya nitong si Gregory, hindi nagpapadaig sa mga kantiyaw ko sa kanya. Actually, Rita talaga ang pangalan ko. May Maria pa nga sa unahan. Pero ewan ko ba, pakiramdam ko monicker lang ang name ko at 'Ayeth' talaga ang tunay kong pangalan. "Oo na, oo na. Para 'yon lang, napikon agad. Paano naman? Eh, pagpasok pa lang kanina ni Miss Cunanan, excited ka na. May pa-"Ayeth-ayan-na-siya-nakakatomboy-talaga-ang-beauty-niya," ka pang nalalaman. Ano ngayon ang gusto mong isipin ko?"



"Na nagagandahan lang ako sa kanya. Period." Kinandong ni Gregory at niyakap pa ang blue High Sierra back pack niya na para bang aagawin ko iyon.



"Ows? Mas nagagandahan ka ba kay Miss Cunanan kaysa nagugwapuhan kay Zayn Malik?"



"Siyempre ibang usapan pag kay Zayn. Yong level ng crush ko sa kanya lebelap talaga. 'Yong may kasamang tili, talon at tulak sa katabi," sabay tulak niya sa akin. Muntik tuloy akong mawala sa upuan ko.



Hindi na ako nakasagot kay Gregory dahil may isang lalaking matangkad at mestisuhin na pumasok sa classroom namin. Tuluy-tuloy siya sa table na inalisan ni Miss Cunanan. Wala sa loob na naisuksok ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga ko. At nang humarap ang lalaki sa klase, napanganga talaga ako. I saw the most handsome, the most gorgeous face of a man on planet earth. OMG! Sinong earthling 'to?



"Magandang umaga sa inyo."



Iyon na yata ang pinakamalakas na 'Good morning, sir' na narinig ko sa buong klase namin. Parang mga dating anemic na biglang nabuhayan ng dugo ang buong klase. Narinig ko agad ang anasan at nakita ang pagsisipagkiligan ng mga babae. Nangunguna na sa kanila ang magkatabing sina Jackie at Eldalyn. Pati sa grupo ng mga lalaki, biglang may mga nagbakla-baklaan. Dinig ko pa ang sinabi ni Robin na joker ng klase: "Omigosh! Ang panty ko, malalaglag!" Na lalong nagpaingay sa buong classroom.



Nabawasan lang ang ingay nang magsalita ang cute na mestizo sa unahan. "Patrick Fontanilla ang pangalan ko. Ako ang bago ninyong guro sa Filipino 101."



"Girl," siko sa akin ni Gregory. "Bibig mo pinasukan yata ng tutubi."



Napahiya tuloy ako sabay tikom ng bibig.

To Sir, With Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon