CHAPTER 3:My Dearest Sir Patrick

6.7K 174 8
                                    

 

DATI NA akong nakakapasok sa faculty office dahil instructress ang mama ni Gregory na si Mrs. Guerrero sa BPSU. Kung minsan, dumadaan kami doon ni Gregory kapag bago kami umuwi at may kailangan siya sa mama niya. Nang mga oras na iyon ay iilan lang ang tao sa loob ng faculty room. Sa pinakasulok nakapuwesto ang table ni Sir Patrick at doon niya ako dinala. Humatak siya ng isang silya at inilagay niya iyon sa harapan ng table niya. “Halika, Ayeth. Dito ka maupo.”

OMG! OMG! Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya ‘ko sa nickname ko? Parang magha-hyperventilate ako lalo na nang maupo siya sa kabilang side ng table at magkaharap kami. Gosh! Paano ako makakatagal na magkaharap kami?

“Pareho lang ang binigay kong quiz doon sa nauna kong klase kaya dalawang set ng quiz papers ang tse-check-an natin.”

Marunong din palang makipag-usap si Sir Patrick gamit ang contemporary Filipino. Akala ko magno-nose bleed ako sa pakikipag-usap sa kanya. Ibinigay niya sa akin ang mga papel ng naunang section at iyon ang pina-check-an niya sa akin. Sa kanya naman ang quiz papers ng mga kaklase ko.

Tahimik lang kami sa unang mga minuto ng pagtse-check ng quiz papers. Nagpapasalamat talaga ako nang sobra dahil vacant period pagkatapos ng klase namin sa kanya. Parang umaayon lahat sa akin ang pagkakataon. Mahirap paniwalaan na magkasama kami ngayon. Sobrang saya ko lang talaga. Pero siyempre, hindi ko puwedeng ipahalata sa kanya. 

Madalas na sumisimple ako ng tingin kay Sir Patrick. Sobrang guwapo niya kasi. Mahirap pigilan ang sarili na hindi siya tingnan. Hindi naman siya nakakahalata kasi nakatutok ang tingin niya sa ginagawa. Pero bago kami matapos, may dumating doon na isang babaeng canteen staff na may dalang dalawang chicken sandwich at dalawang bote ng malamig na green tea. Binayaran iyon ni Sir Patrick sa canteen staff at nagpasalamat.

Abot yata sa batok ang ngiti ng babae na halatang naku-cute-an din sa propesor. Marami talaga akong kaagaw sa kanya.

Pinatigil ako ni Sir Patrick at iniabot sa akin ang isang sandwich. Napansin ko na panay ang litaw ng deep dimples niya. Parang hindi ako makahinga. Overloaded na ako sa kilig sa araw na ito. 

“Nagkakaproblema ka pa rin ba sa Math subject mo?” tanong niya sa akin nang kinakain na namin ang merienda na binili niya.

Natuwa ako na natandaan pala niya ang sinabi ko noong unang araw ng klase namin. Pero nahihiya naman akong umamin na isang malaking problema ang math para sa akin. Ngumiti na lang ako.

“Maluwag ang schedule kapag Tuesday at Friday ng hapon. Puwede kitang tulungan sa Math problems mo.”

Grabe, Lord! Totoo po ba ito o nananaginip lang ako. “S-salamat po, Sir Patrick.” Kahit nahihiya ako sa kanya, hindi ko papalampasin ang pagkakataon na makasama siya.

Mayamaya ay pumasok sa faculty room si Miss Cunanan. Dumiretso siya sa table ni Sir Patrick. All-smile ang magandang propesora. “Patrick, halika na. Kumain na tayo sa canteen. Nagluto sila ng favorite lomi natin.”

“Ah, Daisy, tapos na kasi kaming mag-merienda. Sumabay ka na lang kina Mrs. Guerrero.”

Nabawasan ng fifty percent ang magandang ngiti ni Miss Cunanan. Tumingin siya sa akin.

Binati ko siya agad at nginitian. “Good afternoon po, Ma’am.” 

Ngumiti rin siya at tumango. “Okay, sa kanila na lang ako sasabay.”

Nang makaalis na si Miss Cunanan ay saka ko pa lang naisip na baka may something din siya kay Sir Patrick. Obvious kasi ang disappointment ng propesora nang tanggihan ni Sir Patrick ang imbitasyon niya. Dapat ba akong mag-worry? Padagdag nang padagdag ang ‘karibal’ ko kay Sir Patrick.

To Sir, With Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon