Chapter 10: Stars

4.6K 172 14
                                    


TUMANAW AKO sa lawn area mula sa bintana sa second floor. Katatapos pa lang ng eighteenth birthday party ko. Nakaayos pa rin ang venue kahit tapos na ang event. Pero nakapagpalit na ako ng pambahay mula sa isinuot kong aqua flowing gown na ginamit ko sa party. Hindi ko pa nga lang natatanggal ang makeup sa mukha ko.

Nakapag-selfie picture na rin ako sa lahat ng gifts na natanggap ko. Balak ko na i-print iyon at ipadala sa mga nagregalo bilang thank you card.

Masaya naman sana ang kinalabasan ng debut party ko. Umuwi pa nga si Daddy para dito. At siyempre, na-appreciate ko naman iyon nang bonggang-bongga. Dahil alam ko din na higit sa pagdating niya in time for my eighteenth birthday, reunion din nila iyon ni Mommy pagkatapos nilang magkabalikan sa ikalawang pagkakataon. Ngayon nga, tahimik na sila sa kuwarto.

Napa-smile na naman tuloy ako. Dapat ba na wishing for li’l bro na ang peg ko ngayon? Why not, coconut. Anything for Mom and Dad to be together forever.

Kung sana lang, katulad din nila si Tita Miles at ang asawa niya. Kaso hindi. Tuluyan na silang nagkahiwalay. Matagal na palang nagkakaproblema ang mag-asawa. Hindi lang sinasabi sa amin ni Tita Miles. But hoping for the best pa rin ako sa tita ko.

Galing kay Tita Miles ang gown na isinuot ko kanina. Pangako niya sa akin iyon. Kapag daw umabot ako ng eighteenth birthday na very much single pa at magaganda ang grades sa kinukuha kong kurso, magpapadala daw siya ng pambili ng gown ko. At ginawa nga niya, may bonus pang diamond stud earrings.  

Pero kahit masaya ako, may lungkot pa rin dito sa puso ko. Almost seven months ko nang hindi nakikita si Sir Patrick. Ganoon din katagal na wala kaming communication.

Tinuturuan ko nga ang sarili ko na huwag umasa na babalik pa siya. Pero makulit talaga ‘tong puso ko. Kapag tinatanong ko kung sino na ang love niya, laging Sir Patrick pa din ang ibinubulong. Pero okay lang. Sinusunod ko naman ang sinabi niya sa akin dati. Pinagbubuti ko ang pag-aaral. In fact, naging dean’s lister ako sa pagtatapos ng sem. May mga bagong manliligaw ako pero sinasabi ko agad na taken na ang puso ko kaya hindi na sila nagpipilit. Ewan ko ba. Kahit guwapo ang iba sa kanila, I only have eyes for Sir Patrick lang talaga ang peg nitong heart ko na may one-track mind. 

Kaklase ko pa rin si Gregory. Tuloy pa rin ang secret affair nila ni Miss Cunanan. Secret affair dahil nai-chika sa akin ng beki na nag-sex na sila. Ang tindi rin talaga ng kamandag ng friend ko. To think na bading pa siya no’ng lagay na ‘yon. Paano pa kaya kung ligitimate na straight guy siya?

Nang makita ko sa langit na walang ulap at nagkikislapan ang libu-libong stars, bumaba ako at lumabas ng bahay. Ngayon ko lang ulit gagawin ito, ang mag-star gazing.

Inalis ng mga nag-ayos ang garden swing namin para lumaki ang lugar ng party. Kaya nagtiyaga na lang akong maupo sa mga nakahanay na rented chairs doon. Kahit nasa peak ng dry season, may bahagyang lamig pa rin na nararamdaman ako sa bawat paghampas ng mahinang hangin. Masarap sa pakiramdam.

Ang ganda talaga ng langit, kahit walang buwan ngayon. Bihira ko nang ma-appreciate ito. Ang mga libreng oras ko kasi, kadalasan, nauubos sa pagsagot sa friends’ messages at pagpo-post sa social media sites.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang knocker sa gate namin. Gabing-gabi na. Wala akong inaasahang bisita. Nasa guest room si Lola Milagros at kanina pa nagpapahinga.

Cotton shirt at pajama bottom na makapal ang suot ko kaya ayos lang na humarap sa ibang tao. Nang sumilip ako sa peephole ay muntik na akong mahimatay. Si Sir Patrick ang mukha na bumulaga sa akin.

To Sir, With Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon