Infinite 5

17 4 0
                                    

Note: this whole chapter will be a flashback para mas malinaw. 😂

Chapter 5

Hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon papasok. Ni hindi ko na nagawang magpolbo o lipstick manlang. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok na hindi ko na din pinag-aksayahan ng panahong suklayin ng maayos.

I know I look like a mess. Walang tulog at walang kain.

What the heck Astrid? Anong kagagahan ito? Hindi pa ako nakuntento ay inuntog ko pa ang ulo sa dashboard ng kotseng nilulunanan ko papasok ng school.

"Shannel, are you alright? Mukha ka na ngang zombie muka ka pang tanga." Komento ng walang kwenta kong kapatid sa tabi ko.

"Shut up Kuya. Just drive." Ani ko matapos ko sya tapunan ng masamang tingin.

"Ughhhhhhh! Stupid." Inis na usal ko saka napapikit nalang. Ilang kanto nalang ang madadaanan ay mararating na namin ang school ko.

Nauubusan ng pag asang napabuntong hininga na lang ako.

Hindi ko alam kung kaya ko pang pumasok matapos ang nangyari.

"Bumaba ka na nga. Ang pangit mo." Ngingisi ngising sabi ni Kuya ng itigil nya ang kotse sa harap ng gate ng school na pinapasukan ko.

Sinamaan ko muna sya ng tingin saka padabog na bumaba at pabalibag na sinara ang pinto ng baby car nya. Nginisian ko sya sa labas ng kotse saka tinalikudan para umalis. I know he is now cursing inside his damn car.

Don't get me wrong. Close kami ni Kuya Sean(pronounced as Shan). He is 2 years older than me kaya naghuhudasan lang kaming dalawa.

Tinap ko ang ID sa scanner saka umangat ang maliit na harang sa daan. Pilit na nginitian ko pa ang gwardya bago ako tuluyang makapasok.

Hindi pa man din ako tuluyang nakakalayo sa gate na iyon ng..

"Ate pinapabigay po." Isang junior student na lalaki ang lumapit sa akin. Sa kanang kamay nya ay hawak ang bagay na sinasabi nyang ipanapabigay daw sa akin.

"Ha?" Takang tanong ko sa kanya habang marahang inabot ang blue long stem rose na hawak nya.

"K-Kanino galing to?" Kunot noo kong tanong habang tinitigan ang junior na nasa harap ko.

The boy just shrugged and smiled saka mabilis na tumakbo palayo.

I was left there stunned.

I took a minute bago ako nakapagpatuloy sa paglakad. Nang marating ko ang building class ay isang freshmen student ang humarang sa dinadaanan ko.

"Yes?" Maagap kong tanong sa batang lalaking may suot na makapal na glasses. His ID lace shouts his a freshmen no wonder he looks totoy pa.

Inayos ng bata ang salamin na suot nya saka inabot sa akin ang apat na piraso ng long stem red rose.

I was taken aback.

"Pa-para s-saan to?" Utal kong tanong.

"Pinapabigay po nung lalaking gwapo." He said saka mabilis na tinalikudan ako.

Tatawagin ko pa sana sya para magtanong pero mabilis na itong nakatakbo paalis. Kunot noo kong tinitigan ang mga rosas na hawak ko.

Kanino naman kaya manggagaling ito?

Mabagal akong naglakad paakyat ng hagdan iniisip ang dalawang lalaking nagbigay sa akin nito.

Sino naman ang mag uutos na bigyan ako nito?

"Hi ate. Pinapabigay po sayo." Isang cute na chubby na babae naman ang lumapit sa akin. A sophomore. Inabot niyon sa akin ang tatlong piraso ng white rose.

"Wait! Don't leave!" Maagap na ani ko ng makitang tumalikod ang babae.

Maang naman itong humarap sakin.

"Bakit po?" Tanong nito na may mga matang nagtataka.

"Kanino galing to?" Tukoy ko sa mga bulaklak na hawak ko.

The girl just smiled saka mabilis na tumakbo palayo.

Naiwan akong nakatanga doon. Wala na din naman akong nagawa kundi pumasok sa room dahil 10 minuto na lang bago magsimula ang klase.

Nang marating ko ang fourth floor ay naramdaman ko ang pagka unusual ng lugar.

Maingay at magulo pa din ang lugar. Mga estudyanteng nagchichismisan at nagkkwentuhan sa daan at tapat ng mga room nila. May mga mabilis na naglalakad at takbuhan marahil ay mahuhuli na sa klase. Pero ang pinagkaiba ay sarado ang classroom namin. Tanging ito ang room na hindi nakabukas at tila wala pang mga estudyante.

Muli ay tinignan ko ang wristwatch ko. Walong minuto bago magsimula ang klase.

"Bakit wala pa ring tao?" Bulong ko sa sarili saka marahang pinihit ang seradura ng pinto.

Nang bumukas ang pinto ay gayon nalamang ang gulat ko ng bumungad sa akin ang buong classroom.

Madilim sa loob, ang mga bintana ay naharangan ng mga itim na kurtina dahilan para walang pumasok na liwanag. Ang tanging nagbibigay liwanag ay ang mga scented candles na nakalapag sa sahig kasama ng mga pulang rosas na nasa sahig. Sa sentro ng room ay makikita ang isang bungkos ng mga petals na nakaporma ng isang malaking puso. Kasabay ng unang hakbang na ginawa ko ay ang pagtugtog ng isang malamyos na musika na tila kay sarap sa pandinig.

Hawak ko pa rin ang 1 asul na rosas, 4 na pula at 3 puti ay nilapitan ko ang malaking pusong iyon.

Tumayo ako sa gitna, iniisip kung lalabas na ba ako sa kwartong ito dahil mali yata ang napasukan ko.

Bumuntong hininga ako saka nagpasyang lumabas. Mabagal na humakbang ako palabas. Nag iingat na masira ang pagkakaayos ng mga bulaklak sa sahig. Nang pipihitin ko na ang pinto palabas ay nagpalit ang tugtog kasabay niyon ay ang pag lingon ko sa kanang bahagi ng room kung saan may malaking itim din na kurtina.

Kitang kita ko ang marahang pagbagsak ng kurtinang iyon sa sahig kasabay ng paglantad ng mga nakatagong letra sa likod ng telang iyon.

Parang nanakaw ang aking hininga ng mabasa ang nakasulat doon sinabayan pa ng pagkakarinig sa mga salitang kahit kailan ay hindi ko inasahan.

"Shannel Astrid Rivas" isang tinig mula sa kaliwang bahagi ng room ang aking narinig. Hindi ko man lingunin ay alam ko na kung sino ang nag mamay-ari ng boses na iyon.

Sinubukan kong pigilan ang aking hininga para pigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Humakbang ito palapit sa akin at saka marahang hinawakan ang aking baba para mag angat ng tingin.

"N-Neo..-" ang sambitin ang pangalan nya ang syang tanging nakayanan kong sabihin.

Nginitian nya lang ako saka inabot ang isang bouquet ng pulang rosas. Hindi pa natapos iyon dahil hindi ko inaasahan ang sumunod nyang ginawa.

"Seryoso ako. Gusto kita at liligawan kita." Walang gatol na saad nya habang nakaluhod sa aking harapan.

Naguguluhang nilingon ko ang mga salitang nakasulat sa pader.

'I WANT TO BE YOUR MAN'







Neo.. anong gagawin ko?







Infinite HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon