Infinite 3

52 5 0
                                    

Infinite 3

Dahil halos nasa veranda lang ang table na kinaroroonan namin walang kahirap hirap kong nakita ang nangyayari sa ibaba.

A group of girls na I think pito sila? Ay  pinalilibutan ang dalawang babae sa ibaba.

Bullying.

Seriously? This is so cliche. Wala na bang bago?

I smirked saka muling bumalik sa pagkain.

Hindi ako superhero para mangialam pa sa boring na trip ng mga babaeng iyon at masyado akong maganda para maging isang chismosa para bumaba pa at makinood sa walang kwentang eksenang iyon.

Tinignan ko ang mga kasama ko sa lamesa, patuloy pa din naman ang mga ito sa kanya kanya nilang ginagawa maliban kay Claire na nakasimangot na.

Nang matapos ang lahat ay sabay sabay kaming bumaba.

Ang hagdan ay nasa gitna kaya hindi maiiwasang madaanan ang eksena ng mga babae kanina.

Napataas ang kilay ko ng makitang hindi pa din pala sila tapos?

What the. Wala manlang bang breaktime or time out? I wonder kung nakapaglunch manlang ba ang mga nerd na binubully nila.

Walang pakialam akong dumerecho sa paglalakad. I checked my wrist watch. 5 minutes before my afternoon class.

I need to hurry.

Walang excuse excuse akong naglakad sa gitna. Matamaan ang matamaan. Mabangga ang mabangga. Sila itong paharang harang.

Omy why trash is everywhere?

"Shan!" Narinig ko ang nag aalalang sigaw ni Crystal ng matapunan ako ng..

"What the heck?" Madiin kong usal ng maramdaman ang malamig na bagay sa ulo ko. Nagsisimula na din maglaglagan ang mga iyon pababa sa puting blouse na suot ko hanggang sa skirt at sapatos ko.

Sinundan ko lang iyon ng tingin ng makita ang mga piraso ng pasta sa sahig.

The crowd went silent after the incident.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na dumikit na sa pisngi at noo ko saka matalim ang mga matang inangat ang tingin.

"Who did this?" Mahina ang tinig kong saad ngunit sapat na para marinig ng lahat.

Mababanaag din ang pagbabanta mula sa boses ko.

"I SAID WHO?!" Hiyaw ko ng manatili ang katahimikan doon.

"Ava Guico, Shannel." Confident na turan ni Kath saka inayos ang salamin nito at umupo sa malapit na upuan.

Sa tingin ko ay naramdaman nyang medyo magtatagal kami sa lugar na ito. Nakita ko pa ang pagsunod na pag upo ng iba naming kasama maliban kay Crystal na tuloy lang sa paglabas doon.

"Ava?" Ulit ko sa pangalang sinabi ni Kath. "Who is that whore?" Mapait kong usal saka humakbang ng isa palapit sa mga babaeng nambubully lang kanina.

"Now what?" Isang babae mula sa mga nambubully na grupo ang naglakad paunahan.

Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Meron itong Red na buhok, seriously? Maputi ito at may makapal na make up sa mukha.

I am mad right now, pero hindi ko maitatangging maganda ang babaeng nasa harapan ko. Too bad. Baka mawala sa kanya yang gandang yan.

Matapang ang mga mata nitong nakatayo sa harap ko. Her arms were crossed above her chest.

I smirked.

"Apologize." Tipid kong saad saka sumandal sa lamesang nasa likudan ko lang.

"Para saan naman?" Inosenteng tanong pa nito saka nakakalokong ngumiti.

"You're the Ava Guico, right? Now. Apologize." Kalmado ko pa ding saad habang hindi kumilos mula sa pagkakasandal.

"Ano ako tanga-"

"Hindi ba?" Taas kilay kong sagot. Hindi ko na sya hinayaan pang makatapos at mabagal na naglakad palapit sa kinatatayuan nya.

"Apologize while I am still being nice." Ulit ko. Bawat salita ay sya ding paghakbang ko papalapit sa kanya.

"I won't." Matigas pa ring sagot niyon.

I smiled sweetly saka dinalawang hakbang ang pagitan naming dalawa.

"Don't say I didn't warn you." Saad ko saka walang habas na hinila ang kwelyo nya palapit sa akin.

Kita ko ang panlalaki ng mata nya ng higpitan ko pa ang pagkakahawak sa blouse nya.

"Le-Let me go.." Ava said her voice shaking.

"I won't" mapang-asar kong ulit sa kanina lang ay linya nya.

"Tutal ay ayaw mo lang din namang magsorry.." pinutol ko ang sasabihin ko ng itulak ko sya paharap sa pasta na nasa sahig.

Maririnig ang malalakas na singhapan ng mga tao sa lugar na iyon ng makita nilang sakto ang pagkakasubsob ng mukha ni Ava sa pasta.

"Then better clean your mess." Patuloy ko pa saka binuhos ang mineral water na nakuha ko lang sa babaeng dumaan. "Have a nice day Ava." I sweetly said as I made my way out of the food center.

What a great way to start my noon.











"You look blossom earlier Shan. OMG! Turuan mo ko ng mga ganong moves mo." Rhyme said for the nth time saka inalog alog pa ang balikat ko.

"Shut up Rhyme." Inis kong saad saka ginulo amg buhok ko dahil sa frustration.

What the heck.

Ngayon na yata ako magsisisi na kinausap ko pa si Crane. Crane and her friends are totally crazy.

Akala ko ay tahimik ang mga ito pero hindi. As in hindi.

Kahit kailan talaga ay palpak ang judging skills ko kaya siguro madalas akong naloloko.

Stupid Shannel.

Naiiling iling akong umupo sa bench na malapit sa akin habang sila Crane ay nakuntento na sa damuhan.

"Rhyme anong blossom pinagsasabi mo?" Crane asked habang isa isang tinatanggal ang gulay sa burger nya.

"Tingnan mo ka talaga peks. Mamaya bibilhan kita ng fictionary para matuto ka naman ng grammar." Irap ni Rhyme saka nilaro ang hawak na bulaklak nito.

Blossom? Tsaka fictionary. Seriously?

Napailing nalang ako saka tinabihan si Kath sa ilalim ng puno.

"Kung ako sayo Shan. Iwasan mo nalang si Ava."

Napaangat ang tingin ko ng marinig ang mga salitang iyon kay Claire

"What?" Di makapaniwalang tanong ko.

Bat naman ako iiwas?

"She's  a pain in the ass, Shan. Believe me. Guguluhin ka lang ng witch na yon." Dagdag pa ni Claire saka inis na binunot ang mga damo.

"Don't worry I can handle myself Claire." Kibit balikat kong saad saka sumandal muli sa puno.

Kanina ko pa napapansin na nag iba ang mood ni Claire simula ng umeksena ang grupo nila Ava.

Is there something wrong?

Tinitigan ko si Claire na binunton ang gigil sa mga damo.

Bat ganon nalang naapektuhan si Claire kay Ava?

Is Ava really a trouble?

I sighed.

Noon nga nakaya ko. Paano pa kaya ngayon?

Infinite HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon