Infinite 19

2 1 0
                                    

Chapter 19

Mag iisang linggo na simula nung kinuha ni halfbreed yung singsing ko. At hanggang ngayon hindi pa din ako nakakaget over!

Panay talaga ang pagbibigay ng matatalim na tingin ko sa kanya sa classroom kung nakakamatay lang talaga ang tingin nako!

"Goodmorning Astrid!" Sinamaan ko ng tingin si Neo.

"Ano na naman ang kailangan mo?" Di ko pa napigilang umirap ng makita sya.

Wala ako pake kung masyado akong rude or walang manners. E bakit ba? Naiinis ako e.

Hindi manlang nalusaw ang ngiti ng gago.

"Lunch tayo?" Ngiting asong tanong nito.

"Busog ako." Irap ko ulit saka dumerecho na ng lakad.

"Meryenda? Treat ko?" Habol pa nito saka walang hirap na sinusundan ang mga hakbang ko.

"Mayaman ako. Kaya kong bumili ng sariling meryenda." Malditang anas ko saka nag flip hair pa.

Napakamot nalang sa ulo ang gago saka tumigil sa paglalakad. Sakto namang nasa tapat na ako ng pintuan at akmang bubuksan ko na ang pinto ng magsalita ulit si Neo.

"Yung sarili ko ba? Pwede ko pang ioffer sayo?" Natigilan ako sa narinig. Hindi ko pa man napipihit ang pinto ay bumukas iyon. At alam kong narinig niyon ang sinabi ni Neo. Umawang ang bibig ko saka nag taas ng tingin.

Tumambad sa akin ang maangas na awra ni Blaze na ngayon ay kunot na kunot na ang noo. Sa likod nya ay si halfbreed na mababakas ang gulat sa mukha.

Hindi agad ako nakapagreact. Walang lingon akong pumasok ng classroom at sinarado ang pinto.

Omy. Bat ganito kabilis ang tibok ng puso ko?

Nagsimula na ang klase pero hindi na bumalik pa si halfbreed. Tahimik lang ako habang inaabala ang sarili sa pagddrawing ng kung ano ano sa notebook ko.

Nilingon ko ang kanan ko ng maramdaman na may kumulbit sa akin.

Tinaasan ko lang ng kilay si Crane. Senyales na sabihin nya na kung anoman ang pakay nya.

"Lunch na bes. Kanina ka pa busy jan. Tara." Yaya nito saka nauna ng ligpitin ang nga gamit para ilagay sa bag.

Tumango nalang ako saka sumunod sa kanya. As usual ay sa food center na naman ang derecho namin. Nakangiwing pinasadahan ko ang paligid. Ilang months palang simula ng pumasok ako dito ay tila nauumay na ako sa mga pagkain.

"Saan tayo?" Tanong ni Krystal.

"Ayoko na dito. Wala na bang iba pang malapit na makakainan?" Reklamo ko saka ngumuso pa.

"Gusto ko ng Sushi." Malaki ang ngiting sabi ni Krystal.

"Ayoko non! Veggies tayo. Diet ako e." Singit ni Kath saka inayos ang itim na itim na buhok nito.

Napairap nalang ako sa ere. Nasabi ko na bang body conscious ang isang ito? Lagi nalang on diet. Napabuntong hininga nalang ako saka naghintay ng suggestion ng iba.

"Go ako sa sushi!" Masiglang ani Crane saka inakbayan si Krystal.

"Ako din Sushi. Yoko ng gulay." Nag uunat na saad ni Claire saka nauna nang naglakad palabas.

Wait saan kami kakain?

Nagtatanong ang mga mata ko ng tingnan ko si Rhyme. She just smiled saka sumigaw.

"SUSHI! SUSHI!" She cheered saka hinila ako palabas.

What? Napalunok ako. I don't eat sushi.

Nang madetect kami ng double doors na yari sa glass ay automatic na bumukas iyon. Kasabay niyon ay ang tila pagiging ligtas ko.

Bumungad sa amin si Blaze na may nakakalokong ngisi.

"Hi Shan!" Bati nito na nagpatigil sa amin sa paglalakad. Bumitaw si Rhyme sa pagkakahawak sa akin saka takang tiningnan si Blaze.

"Shan you are knowing him?" Takang tanong ni Rhyme habang turo si Blaze.

Kita ko pa ang pagngiwi ni Blaze sa narinig. Sa tingin ko ay iniisip nya ng weirdo itong si Rhyme.

Well, hindi ko naman sya masisisi.

Tumango ako. "Blaze si Rhyme, Rhyme si Blaze." Walang ka effort effort kong pakilala.

"Friendship mo?" Dagdag na tanong ni Rhyme.

"Siguro." Kibit balikat kong sagot saka inayos ang mga takas na buhok sa mukha ko.

"You out for lunch?" Agaw ni Blaze sa atensyon namin.

"Yes. You want to get together with us?" Ngiting yaya ni Rhyme.

Napahampas na lang ako sa noo ko ng makita ko ang pagkamot sa kilay ni Blaze. Nakangiwi din ito at tila naguguluhan. Hindi din ito nagrespond sa sinabi ni Rhyme. Processing pa rin yata.

Nakakaawa ang nilalang na ito kaya siniko ko nalang.

Napapitlag ito saka bumaling kay
Rhyme. "Ano?" Kita ko ang pamumula ng mga pisngi nito marahil ay sa hiya.

Napakagat ako ng labi, pinipigilang wag tumawa.

"Sama ka daw ba maglunch samin?" Ngiting sabat ko dahil kung hahayaan ko na ang dalawa ang mag usap ay baka abutin kami ng isang
taon dito.

Tila umaliwalas naman ang mukha ni Blaze saka tumango tango.

"Sure saan ba?"


Note:
Kung sino man may mabuting puso ang nagbabasa. Lemme hear your thoughts. Hahaha. Blaze or Neo ba? Or wala? Hahahahhahaha. Di ko muna itutuloy ng walang feedback baka imaginary ek ek lang yung reads e. 😂 lovelots. -Shens 💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Infinite HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon