Infinite 8

12 3 0
                                    

Chapter 8

"Miss" Bahagya akong naalimpungatan ng maramdaman kong may kumulbit sa akin.

Marahan akong nag angat ng tingin para tingnan ang nagnggising sa akin.

Sa harapan ko ay  isang babaeng may maikling violet na buhok. Maputi ito at payat. Ang mata nito ay may suot na contact lens na kulay violet din.

Napansin kong hindi nito masyadong favorite ang kulay violet.

Namumungay ang matang minataan ko sya.

"Miss mag tatatlong oras ka na kasing tulog. Uwian na." Ani ng babaeng nasa harap ko ngayon.

Sinulyapan ko ang aking wristwatch saka napagtantong mag aalasais na ng gabi. Nagpasalamat ako sa babae saka mabilis na umalis sa lugar na iyon.

Tahimik lang akong naglalakad palabas. Wala akong dalang kotse ngayon dahil coding kaya wala akong choice kundi magtaxi.

Bago makalabas ng gate ay madadaanan ang parking lot. Tuloy lang ako sa paglakad habang sa dalawang tainga ko ay nakapasak ang earphones na max ang volume. Nang marating ang gate ay napansin kong wala ng gaanong dumadaang taxi o cab manlang. Naghintay pa ako ng limang minuto bago napagpasyahang maglakad nalang hanggang sa terminal. Hindi naman ganoon kalayo yon, dalawang kanto lang mula dito.

Hindi naman ako matatakutin kaya walang kaso sa akin maglakad mag isa. Maliwanag ang ilaw sa mga poste at aware ako na may mga CCTV na nakapalibot dito kung sakali man may magtangka ng masama. May mga iilang tao din namang naglalakad pa. Isang kanto bago magterminal ay tatawidin mo ang isang kalsada. May overpass pero masyadong mataas iyon. Nakakatamad at nakakapagod kung aakyatin ko pa iyon gayong pwede naman akong tumawid dito sa kalsada ng walang kahirap hirap. 

Inilibot ko ang mga mata sa paligid. Sinisiguradong walang pulis na nakapaligid. Nang wala akong makita ay nangingiting tumawid ako. Dalawang hakbang ang ginawa ko habang sa tenga ko'y nanatiling nakapasak ang earphones. Ngunit tila nanigas ako sa kinatatayuan ko ng lingunin ko ang nakakasilaw na liwanag sa kaliwa ko. Nanghihina kong tinanggal ang isang earbuds saka narinig ang tuloy tuloy na busina ng isang truck.

Imbis na umatras ay tila nanigas ako sa gitna ng kalsada. Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na ito. Ni ang pag atras ay hindi ko magawa. Mariin nalang akong napapikit hinihintay ang masakit na pagsalpok ng katawan ko sa truck na iyon.

Is this the end?

*PEEEEEEEEEEEP*

Mahabang busina niyon na sa tantya ko ay dalawang dipa nalang ang layo nito mula sa kinatatayuan ko.

Handa na ako maramdaman ang sakit at pikit ang mga matang naramdaman ko ang pagbagsak ko sa lupa. Nang magmulat ako ng mata ay napansin kong nasa gilid na ako ng kalsada habang nakadagan sa akin ang isang lalaking nakahood. Inalalayan ako niyon tumayo. Masakit man ang katawan sa pagkakabagsak ay di ko na ininda iyon. Mas masakit kung yung truck ang sumalpok sa akin.

Isang ngiti ang iginawad ko sa lalaking tumulong sa akin.

"Salamat." Sinserong sabi ko saka tinitigan ang lalaki sa harap ko.

"Salamat? Muntik na akong mamatay miss para lang iligtas ka. Sa susunod mag ingat ka naman." Ani ng lalaki saka iritang tinanggal ang hood.

Mula sa munting liwanag na ibinibigay ng street lights at mga sasakyang dumadaan ay mas naaninagan ko ang mukha ng lalaking sumagip sa buhay ko. Di ko pa naiwasang umawang ang bibig ko ng matitigan ko ang mukha nya.

"O? Ano? Salamat lang ba ang sasabihin mo?" Masungit na ani ng lalaki saka parang batang ngumuso pa. Ang makapal na kilay nito ay kunot na habang nakatitig sa akin ang itim na itim na mata nito.

The man infront of me is a 'totally jaw dropping and a man you'll drool for'.

"Omygosh." Was the only word I managed to utter.

"Anong omygosh? Teka sino ka nga pala?" Ani ng lalaki saka naweweirdohan na tinitigan ako.

What the heck Shan? Bat hinahayaan mong magmukang tanga ang sarili mo sa harap ng nilalang na ito?

"Shannel Rivas." Kalmado at nahihimasmasan ng saad ko saka inabot ang kamay ko.

Tumango tango ang lalaki saka tinanggap ang kamay ko.

"Blaze Rivamonte." Ani nito ng maglapat ang mga kamay natin. I don't how pero tila may munting kuryente akong naramdaman ng magdikit ang mga palad natin. Lalo pa ng ngumiti ito at lumitaw ang dalawang dimples nito.

"Saan ka ba pupunta Shannel? Gusto mo bang ihatid na kita?" Offer nito.

Nilinga ko ang paligid mahaba ang pila sa terminal panigurado at ayoko na din namang tumawid ulit dito dahil baka matuluyan na ako.

"QC. Okay lang ba?" Alangan kong tanong sakanya.

He smirked ng marinig iyon. Tumango tango pa ito habang hindi inaalis ang ngisi nito.

Pumapayag na ba sya? Salamat di ko na kailangang magcommute. Isang matamis na ngiti ang binigay ko ng magsalita sya.

"Bat naman kita ihahatid? Mukha ka namang mayaman. Magtaxi ka."

Tila nagunaw at nalagas ang pakpak ng lalaking nasa harap ko. Akala ko pa naman ay mabait ito. Hindi agad ako nakapagsalita ng sumakay ito sa motor nya at nagsuot ng helmet.

"T-Teka--" may sasabihin pa sana ako pero wala na akong nagawa ng mabilis na pinaharurot nito ang motor at ipalanghap sa akin ang lahat ng usok.



"Bllsht!" I cursed ng mapagtantong iniwan ako ng hambog na iyon.








Bat ba andami kong namemeet na impakto ngayon?!








Infinite HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon