"One Sided Love"
Hinihintay ang araw na
Babalik ka sa piling ko sinta
Kahit na imposible nang mangyari
Pipilitin pa ring ngumitiSa kabila ng pait at pighati
Tanong sa sarili
Iniisip mo ba palagi
Ang araw na binatawan ang bawat sandaliAlam kong di maaari
Na ako'y iyong mahalin
Ngunit hindi ko kayang pigilin
Ang tibok nitong damdaminKahit alam kong sya ang iyong mahal
Sa puso mo ba'y ako'y di nagtagal?
Nais ko lang malaman
Saan ba ako nagkulang?Para sana'y mapunan
Kahit isang saglit lang
Hindi ko na alam
Ang gagawin kapag ikaw ay namaalamSana'y ako nalang
Sana nama'y pagbigyan
Ako ay narito
Palagi sa iyo.Ngunit hindi ako,
Hindi ako ang tinitibok ng puso mo
Hindi ako ang para sayo
At lalong hindi ako ang mahal mo.
BINABASA MO ANG
Broken Poetry
PoetryKapag may nawala may dumadating, pero yung mga dumadating sasaktan ka lang sa huli at babalik ang dati para iparamdam na sila'y nagkamali. Masayang maging mag-isa dahil walang problema pero mapapaisip ka ano kayang pakiramdam na may nagmamahal sayo...