"Selos"
Kahit alam mong walang kayo
Di mo maiwasan na magawa ito
Kasi alam mo sa sarili mo
Na mahal na mahal mo talaga ang taong nagpapasaya sayoPero tandaan natin minsan wala tayong karapatan
Dahil hindi naman sa atin nilaan
Ang pagibig na alam mong hiram lang Alam natin na tayo'y masasaktan lamangKung magseselos ay dapat nasa tamang lugar ka
Yung hindi ka nakakapanakit ng damdamin ng iba
At dapat harapin ang bawat resulta
Nang hindi ka magsisi pag iniwan ka niya.Kahit alam nating masakit
Na wala tayong karapatan na angkinin ang lalaking hindi sa atin.
Lalo na kung meron na siyang ibang napiling mahalin.Maari lamang natin silang mahalin
Ngunit hindi maaaring angkinin
Dahil merong ibang nagmamay ari
At hindi tayo yonKundi ang taong totoong mahal niya.
Taong pinili niya
Taong pinagseselosan mo
Ngunit hindi mo magawa dahil wala namang kayo.
BINABASA MO ANG
Broken Poetry
PuisiKapag may nawala may dumadating, pero yung mga dumadating sasaktan ka lang sa huli at babalik ang dati para iparamdam na sila'y nagkamali. Masayang maging mag-isa dahil walang problema pero mapapaisip ka ano kayang pakiramdam na may nagmamahal sayo...