"Takot"
Hindi ko inaasahan
Na lalalim ang aking nararamdaman
Kaya't hanggang maaga'y aking pipigilan
Nang hindi masaktanSalamat sa lahat
Kahit ako'y nagkamali
Lagi ka pa ring nandyan
Kahit ilang beses kang sinaktanTakot akong makita ka
Sa kamay ng iba
Dahil baka kaya nais mong kumawala
Para mahalin ang tulad niyaNais ko lang naman na suklian mo
Ang pagibig kong alay sayo
Ngunit nais mo nang lumayo
Wala nakong magagawa sa desisyon moTandaan mo
Di mawawala ang pagmamahal ko
Dahil kahit umayaw man ako
Ikaw pa rin ang tinitibok nitong puso
BINABASA MO ANG
Broken Poetry
PoesiaKapag may nawala may dumadating, pero yung mga dumadating sasaktan ka lang sa huli at babalik ang dati para iparamdam na sila'y nagkamali. Masayang maging mag-isa dahil walang problema pero mapapaisip ka ano kayang pakiramdam na may nagmamahal sayo...