"Nagbago"
Sa bawat pahina ng buhay
Lahat nagbabago ang nakasanayan
Kahit mga paboritong bagay
Nagagawang mamaalamHindi natin masasabi kung kailan
Basta alam nati'y lahat may katapusan
Hindi man ngayon ngunit pwedeng kinabukasan
Lahat magbabago ng walang pakundanganIsang kislap ng iyong mata
Magbabago lahat ng nakikita
Lalo na ang dati sayo'y nagpapasaya
Mawawala lang din biglaKahit hindi inaasahan
Kusang magpaparamdam
Ang hangin ng kasalukuyan
Na sinasabing hayaan na ang dati at bigyang pansin ang hinaharapKahit ika'y nagbago
Kahit maraming pagbabago
At gaano man karaming magbago
Mananatili lamang ako, dito sa tabi mo.
BINABASA MO ANG
Broken Poetry
PoezjaKapag may nawala may dumadating, pero yung mga dumadating sasaktan ka lang sa huli at babalik ang dati para iparamdam na sila'y nagkamali. Masayang maging mag-isa dahil walang problema pero mapapaisip ka ano kayang pakiramdam na may nagmamahal sayo...