"Saglit"
Bigyan ako kahit ilang segundo
Para maiparamdam sayo
Ang pagmamahal kong totoo
Kahit na meron ka ng bagoSaglit na hinihiling ko
Bago ako mawala sa piling mo
Saglit na sana'y hindi mabigo
Bago ako mabilanggo sa kawalan ng mundoYun lang ang ibig kong makamtan
Pagkatapos non ako'y mamaalam
Maging masaya ka sa piling niya
Salamat sa bawat linya at hibla ng ating pagsasamaHuwag kang magsisi
Maayos lang ako dito
Kahit gaano man kahagibis
Nandito lang ako, binabantayan ang mga galaw moDahil kahit hindi ako ang nakalaan para sayo
Mananatili ka pa rin sa aking puso
Hanggang dito nalang mahal ko
Salamat sa saglit na binigay mo.
BINABASA MO ANG
Broken Poetry
PoesíaKapag may nawala may dumadating, pero yung mga dumadating sasaktan ka lang sa huli at babalik ang dati para iparamdam na sila'y nagkamali. Masayang maging mag-isa dahil walang problema pero mapapaisip ka ano kayang pakiramdam na may nagmamahal sayo...