"Dati"
Naalala ko pa noon
Ang mga masasayang panahon
Nang tayo'y naghahabulan
Sa may dalampasiganBawat hampas ng alon
Ay ang paglipas ng taon
Na wala kana sa akin ngayon
Ngunit lahat ng yon ay aking ibinaon
sa limotNilimutan ang nakaraan
Na nag-iwan ng marka sa kasalukuyan
Na umaasa baka maayos pa
Ang dating meron tayong dalawaNgunit hindi na iyon maaari
Dahil masaya kana sa iyong iniibig
At saka ko napagtanto
Na hindi pala ako para sayoSimula nang makilala ka
Ikaw na ang nais ko sinta
Ngunit dahil sa paglipas ng panahon
Nagbago ang destinasyonTayo'y nagkahiwalay
Kaya't ako'y nalulumbay
Na matatawag ko nalang na alaala
Ang DATI nating dalawa.
BINABASA MO ANG
Broken Poetry
PoetryKapag may nawala may dumadating, pero yung mga dumadating sasaktan ka lang sa huli at babalik ang dati para iparamdam na sila'y nagkamali. Masayang maging mag-isa dahil walang problema pero mapapaisip ka ano kayang pakiramdam na may nagmamahal sayo...