"Tingin"
Napakalalim ng iyong tingin
Na nagagawa akong lusawin
Hindi magawang sundin
Na sa iba nalang ibalingNais kong pakatitigan
Ang mga mata mong nangungusap
Na ika'y aking balikan
Ngunit patawad yon ay nakaraan na hindi na maaari pang balikanNgunit parang lahat ay bumabalik
Dahil sa mga mata mong kulay tsokolate
Ako ay nanabik
Na makita itong kuminang muliNgunit parang imposible
Puno na ito ng pagdadalamhati
Hindi ko na magawang pagmasdan
Dahil hindi na tulad ng datiAko ba ang may gawa
Kung bakit namumugto ang iyong mata
Patawad kung ako nga
Hindi ko sinasadyaMaaaring diko na nga mababago
Ang takbo ng ating mundo
Dahil hindi itinakdang maging tayo
Hanggang TINGIN nalang siguro
BINABASA MO ANG
Broken Poetry
PoezjaKapag may nawala may dumadating, pero yung mga dumadating sasaktan ka lang sa huli at babalik ang dati para iparamdam na sila'y nagkamali. Masayang maging mag-isa dahil walang problema pero mapapaisip ka ano kayang pakiramdam na may nagmamahal sayo...