"Huling Sandali"
Eto na ba ang huli?
Hindi naba mababawi?
Ang sakit na ikukubli
Na dulot ng pagkukunwariNais ko sana'y
Wag magpadala sa lumbay
Dahil lang sa isang bagay
Na sa atin ay magpapahiwalayAyaw ko munang sanang wakasan
Pero nais mo nang ako'y iwan
Ano ba iyong dahilan?
Ako ba'y hindi sayo nilaan.Huwag naman sanang madaliin
Dahil hindi ko kakayanin
Na mawala sa iyong piling
Kahit sa huling sandaliSana'y huwag madaliin
Dahil hindi ko kayang isipin
Na mawalay ka sa aking piling
Tandaan mo ikaw at ikaw pa rin.
BINABASA MO ANG
Broken Poetry
PoetryKapag may nawala may dumadating, pero yung mga dumadating sasaktan ka lang sa huli at babalik ang dati para iparamdam na sila'y nagkamali. Masayang maging mag-isa dahil walang problema pero mapapaisip ka ano kayang pakiramdam na may nagmamahal sayo...