The Final Chapter

259 4 0
                                    

Mia's POV

(Morning)

Today is our last day in the resort. Babalik na kasi sa Bluefield mamaya. Nauna na ang dad umuwi ng Bluefield, kailangan na daw niya kasi bumalik sa work niya. *Sigh* He's back being a busy man. Well it's fine with me, natutuwa parin ako dahil sa wakas! Kilala na ni dad si Brent. Sabi pa nga ni Dad kay Brent, 'Brent, take good care of my daughter. I trust you ijo.' Aweee! Ang sweet talaga ng Dad ko! Ipinakilala ko na si Brent sa Daddy ko, pero syempre dahil unica ija ako ni dad, nagkaroon muna sila ng matinditinding interrogation. Si daddy talaga, hindi ko pa naman boyfriend si brent eh! Hahaha! Nakakatawa nga dahil kita ko sa mga mata ni brent ang kaba. Pero syempre dahil supportive *ehem* future girlfriend ako, chineer up ko siya. Ay bago ko pala makalimutan, i need to go to Philip. Iniwan ko muna ang mga damit na inililigpit ko at dumaretso sa kwarto ni Philip na medyo katapat lang ng kwarto ko para kausapin siya.

*knock* *Knock* Pagkabukas ni Philip ng kanyang pinto.

"Philiiiiip!" Salubong ko sa kanya na may kilig sa aking boses.

"Oh mukhang may magandang nangyari ah!" Nakangiting sabi niya sabay gulo sa aking buhok.

"Philip naman eh! Not the hair please! Anyway, dahil napansin mo na masaya ako ngayon, yun ay talagang masaya ako ngayon kasi may good news ako sayo!" Masayang sabi ko dito.

"Talaga? That's good! Ganda mo pa naman pag ngumingiti. Ano ba iyon?" Sabi ni Philip.

"Yiiie! Kasi ganito yun. Kagabi nagpunta si Brent sa kwarto ko." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumabat si Philip.

"ANO?! SI BRENT NAGPUNTA SA KWARTO MO KAGABI?! KAYONG DALAWA LANG?! SA KWARTO MO PA?!" Sabi nito. Eh syempre binatukan ko mabibingi na ata ako sa sigaw nito.

"Teka kasi naman makasigaw! Hindi pako tapos magkwento! Saka alam ko iniisip mo. G*go walang ibang nangyari." Magsasalita pa sana si Philip ng takpan ko bibig nito. "Wag ka muna magsasalita hanggat di ako tapos! Moment ko to!" Sabi ko. "So yun nga! Nagpunta siya sa kwarto ko kagabi para humingi ng tawad. Saka inamin narin niya sakin ang lahat. Masyadong mahaba ang kwento pero to make the long story short, first love ni Brent si Jessica. Naiintindihan ko na ang lahat pati si Jessica sinabi niya sakin yung side niya. Ewan ko ba gumaan pakiramdam ko na okay na ang lahat. At..." Pabitin ko. "At?" Sabi ni Philip. "At... Inamin na din sakin ni Brent ang tunay na nararamdaman niya para saakin. Philip mahal din ako ng mahal ko! Walang kasing saya ang nararamdaman ko ngayon! Ang sarap sa feeling." Sabi ko.

"Talaga? Hmm. M-masaya ako para s-sayo." Matamlay pero nakangiting sabi nito. Alam kong peke ang ngiting iyan. May sakit kaya si Philip?

"Philip, ayos ka lang ba? Bakit ang tamlay mo?" Sabi ko habang sinapo ang kanyang noo upang malaman kung may sakit ito. "Hindi ka naman mainit. Okay ka lang ba talaga?" Paninigurado ko.

Nginitian niya muna ako bago nagsalita. "Okay lang ako, wag ka na magalala. Nalulungkot lang siguro alo dahil aalis na tayo sa resort." Sabi niyang nakangiti.

"Ah. Hahaha! Akala ko naman kung napano ka na. Actually ako din eh mamimiss ko tong resort na'to kahit 3 days lang tayo dito. Ang ganda kasi eh. Nakakarelax." I said with a BIG smile on my face. Pagkatapos ko sabihin iyon hindi na sumagot pa si Philip. There was a long silence after that. Tinignan ko si Philip at bigla akong nailang sa kga titig nito kaya hindi rin ako makatingin sakanya ng maayos.

"Mia." Basag ni Philip sa katahimikan. "Mia, siguro panahon na para bumalik na ako sa Olney. Tapos na ang misyon ko. Mukhang hindi mo naman na ako kailangan. Andiyan na si Brent para alagaan ka. Maraming salamat dahil hinayaan mo ako pumasok sa buhay mo. Mamimiss kita." Sabi ni Philip na may lungkot sa boses.

Trust me, I'm Yours (Short- Story Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon