Epilogue

254 7 0
                                    

(5 Years Later)

Mia's POV

Limang taon na ang nakakalipas, isa na akong ganap na interior Architect. Ako na ang nagdedesenyo sa mga resorts namin. Nakakatuwa dahil hindi naman ako pinilit ng Dad pumasok sa business industry. Hindi naman kasi iyon ang hilig ko. Nga pala, limang taon na rin ang pagmamahalan namin ni Brent. Hindi man perpekto ang pagsasama namin, hindi naman pumasok sa isip namin isuko kung ano ang mayroon kami.

Bago ko makalimutan, si Brent ay ganap na bilang isang businessman. Ito na ang namamahala sa family business ng mga Dalton. Hindi man ito ang propesyon na gusto nito, sa huli ay unting unti nitong nagugustuhan ang trabaho nito. Si Brent kasi ang tagapagmana kaya wala itong nagawa. Well, masaya naman sya so let's just move on. Hahaha! Kahit minsan na madalang nalang kami magkita ni Brent dahil sa trabaho, bumabawi naman ito tuwing weekends. Natapos ang pagmumunimuni ko ng tumunog ang cellphone ko.

"Hello?" Panimulan ko.

"Hi girl! Si Alice to. Kamusta ka na?" Sagot naman nito.

"Eto nagrerelax nalang, kakatapos ko lang kasi sa mga drafts ko eh." Sagot ko dito.

"Tamang tama! Dinner date naman tayong tatlo ni Piper, ang tagal na kasi natin hindi nagkikita, saka para makapag unwind ka na din. Walang aayaw! Wag maginarte ngayon! We'll pick you up later! Bye!" And then she hung up. Tignan mo to, hindi man lang ako pinagsalita; pero may point naman siya doon. Minsan nalang sa isang buwan kami magkita. Mahirap kasi pagmaytrabaho na. For your information nga pala, si Alice na ang nagpapatakbo ng kumpanya nila, at si Piper naman ay ganap na bilang isang University Professor. Masaya ako dahil lahat kami ay naging successful!

Dahil sa kadaldalan ko at katagalan magayos, hindi ko na namalayan ang oras. Oh well, girls will be girls. Hahaha! Pagkatapos ko magayos, nakatanggap na ako ng text galing kay Alice. 'Girl, nakapark kami sa labas ng bahay mo. Baba na!' Pagkabasa ko nito, bumaba na ako para salubungin sila Alice at Piper. Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa kotse si Alice kung saan ito naghihintay.

Tahimik sa loob ng kotse ng umandar ito. "Biglaan ata pagaya niyo?" Basag ko sa nkatahimikan, pero tila di ako narinig ng mga ito. "Huy! May kausap ba ako? Hello earth?" Pero sa halip na sagutin ako, nagkatinginan lang ang dalawa. Ano bang nangyayari sa araw na'to? Una, hindi ako pinapansin ng mga bruha. Pangalawa, buong araw hindi nagpaparamdam sa akin si Brent. Pagweekend kasi nagaaya yan magdate. Ang weird! Hmmm.. Baka over time sa work. Aish! Bahala na nga sila diyan. Mananahimik nalang din ako!

Buong byahe akong tahimik, at hindi ko napansin na andito na pala kami. Ng tumigil ang sasakyan parang pamilyar sa akin ang lugar na ito... Mali! Ang lugar na ito ang lugar na hinding hindi ko makakalimutan habang buhay! Ang lugar kung saan ko sinagot ang lalaking mahal ko five years ago. "Mga lokaret talaga kayo! Bakit dito niyo ako dinala?" Nagtatakang tanong ko. "Basta! Sumunod ka nalang sa amin!" Dinala ako ni Alice at Piper sa loob ng deck. Ano kayang trip ng dalawang to. Nagulat ako ng lagyan ako ng piring sa mata. "Hoy! Ano ba kasi kalokohan niyo ha?" Tanong ko dito. "Basta! Kami bahala sayo." Ng makahakbang ng kaunti naramdaman ko ang mainit na palad na humawak sa aking mga kamay. Tinanggal ko ang pagkakahawak nito sa akin. Natotomboy na ba mga kaibigan ko sa akin? Tinanggal ko rin ang piring sa mga mata ko para magprotesta sa dalawa ng matigilan ako saglit. Hindi ko mapigilan mapatulala. Si Brent- ang mahal ko- ay ang taong kaharap ko ngayon. I couldn't utter a word. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng masilayan ko ang magagandang ngiti nito.

"Mahal ko" panimula ni Brent. "Alam ko nagtataka ka kung ano ang mga nangyayari, at kung ano ang ginagaw natin ulit dito. Una sa lahat, gusto ko sabihin na mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko kapag nawala ka pa sa akin. Natatakot ako minsan kapag nagaaway tayo. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko na baka magsawa ka sa akin at iwan ako. Iniisip ko palang, nasasaktan na ako. Paano pa kaya pagnangyari na talaga iyon. Pero laking pasalamat ko dahil hindi mo iyon ginawa. Salamat mahal ko at hindi ka nagsasawang magtiwala sa akin. Mas lalo kong napatunayan na, ang babaeng kaharap ko ngayon ay ang babaeng hindi na dapat pinapakawalan pa. Dito kita dinala dahil espesyal para saakin ang lugar na ito. Dito ko kasi narinig ang matamis mong oo ng sinagot mo ako bilang boyfriend mo. Ngayon, gusto ko sana marinig ulit dito ang matatamis mong oo hindi bilang boyfriend mo." Sabi nito, saka hinawakan ang mga kamay ko, lumuhod sa harapan ko at inilabas ang magarang singsing galing sa bulsa nito.

Trust me, I'm Yours (Short- Story Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon