Chapter 2

6.9K 245 15
                                    


Chapter Two: Deprived

 

Naalimpungatan siya nang maramdamang lumundo ang kabilang bahagi ng kama. When she opened her eyes, she saw the man lying beside her. Nakatalikod ito sa kaniya at hubad-baro ito kaya malaya niyang napagmamasdan ang nakaguhit sa likod nito.

Tila naman may sariling isip ang mga kamay niya na humaplos sa nakaguhit sa likod ng binata. Hindi niya iyon mabasa pero mahaba iyon na umabot mula balikat nito hanggang malapit sa beywang.

"What are you doing?"

Mabilis niyang binawi ang kamay pagkarinig sa boses ng binata at napausog palayo dahilan para mahulog siya sa higaan.

"Sleep, Nia and don't touch me again like that. You wouldn't like it when I get mad."

Napalunok siya sa sinabi nitong iyon. Alam niya kung paano ito magalit kaya hinding-hindi niya gagalitin ang binata lalo na at hindi niya alam kung nasaang lugar ba siya. Pero isang bagay ang sigurado siya; she's not in Ireland anymore.

Mabilis siyang tumayo at hinilot ang nasaktang pang-upo bago maingat na kinuha ang isang unan at nahiga sa sahig.

Ngayong nakalabas na siya sa lunggang pinagtaguan sa kaniya ng binata ay hindi naman niya alam kung saan siya pupunta kung sakaling tatakasan niya ito. She has no place to neither go nor people whom she can run to. Wala na rin siyang kamag-anak at kung mayroon man ay alam niyang hindi na siya makikilala ng mga ito.

Morning came and Nia found herself in the bed. Mabilis siyang bumangon at nag-inat.

"You're awake."

Napapitlag siya nang marinig ang baritonong boses na iyon. Biglang nawala ang antok niya pagkakita sa binata na nakataps lang ng tuwalya. Ngayon lamang niya napagmasdan ang katawan nito na hindi tulad ng sa mga kaibigan ni Mang Nestor na malalaki ang tiyan kaiba sa nasa harapan niya ngayon na flat at may anim na namumukol na hindi niya alam kung ano ang tawag.

"Don't sleep on the floor again. Kapag nagkasakit ka, walang mag-aalaga sa'yo." Malamig pa sa yelong turan nito sa kaniya.

Tinignan niya ito sa mga mata bago nagsalita. "I'm fine. I'm used to being alone." Aniya at akmang lalagpasan ito nang pigilan siya nito sa braso.

"Don't talk back at me, Nia or else –"

"You'll kill me?" pagtapos niya sa sasabihin nito. "Sana noon mo pa ginawa!" Tumalim ang tingin niya rito. "We're not in Ireland! I don't belong here and I have nothing but myself! So, tell me Mister, what do you want from me? Huh?! Why are you still keeping me alive?" tila nauupos na kandila ng unti-unti siyang napaupo sa sahig at umiyak.

"Tumahan ka, Nia." May babala sa tinig nito pero sa halip na sundin ay mas lalo pa niyang nilakasan ang pag-iyak para inisin ito.

"I'll cry when I feel like crying! Wala kang pakialam!" sigaw niya habang patuloy sa pag-atungal ng malakas

"Sige! Umiyak ka! Aalis ako at hindi kita isasama!" tila napipikon na bulyaw nito sa kaniya bago tinanggal ang tuwalya sa beywang at inihagis sa mukha niya. "Bahala ka sa buhay mo!"

"H-ha? Aalis ka? Iiwan mo ako?" bigla siyang tumayo at hinabol ang binata na may pinasukang pinto. Napahinto siya ng sa pagpasok niya ay tumambad sa kaniya ang maraming damit na alam niyang pag-aari ng binata.

Napatingin siya sa suot. Sa binata rin ang suot niya at isa lamang ang ibig sabihin niyon; wala siyang damit kahit isa. Hindi tulad nito na ang daming damit na maaaring pagpilian.

TRA2: Insatiable Man [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon