Chapter 17

2.8K 158 33
                                    

Chapter Seventeen: Kuya

"Your baby looks so tired. No wonder hindi na pinatagal ni Thea ang palabas." ani Ken habang inaayos niya si Nia sa kaniyang tabi.

Nia really looks like she'll pass out any moment. Ang pagod sa maamo at inosente nitong mukha ay bakas na bakas. Maging ang takot ay nananatiling naka-plaster sa buong pagkatao nito ngayon. Richard wanted to curse himself. Kung hinsi siya naging pabaya ay hindi sana ito naranasan ni Nia.

Richard held Nia's hands and kissed her knuckles repeatedly.

"I'm sorry." Richard mouted to Nia. Marami pa siyang gustong sabihin ngunit gusto niyang si Nia lamang ang makarinig ng mga iyon dahil siguradong uulanin siya ng tukso mula kay Ken at malamang na ipagkalat pa ng huli ang malalaman mula sa kaniya.

As an answer, Nia gave him a soft and weary smile.

"Take some rest." aniya sa dalaga saka ito marahang kinabig at inihilig sa kaniya. Nia's hand clutches his shirt as if she was afraid to be left alone again.

Pinagmasdan niya ang dalaga na ilang saglit lamang ay iginupa na ng pagod sa kaniyang mga bisig. Kita ang pamumula ng pisngi ni Nia kahit na makapal ang make-up nito. At hindi niya lubos maisip kung saang parte pa ng katawan may pasa ang dalaga. Thinking about that makes his head pound. Tila gusto niyang bumalik at ubusin nalang ang mga Ariston o kung sino man ang haharang sa kaniya.

"Saan ko pala kayo ihahatid? Huwag sa malayo, ha? May flight pa ko mamaya pabalik ng Pilipinas. Lintik kasing napakadamot ni Leandro! Ayaw magpahiram ng jet plane. Akala mo namana ikina-guwapo niya iyon. Gurang naman!"

"Will you shut up?"

"Eh, kung ihulog kaya kita? Do you want that? So, where to?"

"Ventimiglia's," he answers shortly.

When was the last time he was there? He couldn't remember but he like the Ventimiglia's place more than the Stetson's. Tila kasi iyon isang lumang Villa na inabandona na ngunit hindi nakakatakot. Maging si Thea ay malimit pumunta roon kasama ang mga anak. At lahat sila ay welcome roon. Sa katunayan ay mayroon ng nakalaang silid para sa kanila na tila ba taga roon talaga sila.

"Por que alam mong walang tao roon maliban sa mga bantay kaya doon mo dadalin si Nia, ano? But she'll be needing a month or two of rest before anything else, bro. So take it easy."

"Did you really think I didn't know that?" mariing sagot ni Richard kay Ken. Bakit ba kasi hindi marunong manahimik si Ken? Hindi ba ito nauubusan ng sasabihin o napapagod magsalita?

"Oohh! So you have plans on shagging your greatest enemy's heiress, huh? Well, I won't say anything about it but she's still a kid. She maybe on her right age but her mindset..." umiling iling si Ken at naiintindihan ni Richard ang ibig nitong sabihin.

Nia spent her youth being isolated in so many things. Naging ignorante ito at napagkaitan sa maraming bagay ng dahil sa kaniya. At ngayon namang namulat ito sa tunay na mundo ay ang mundong ginagalawan pa niya ang una nitong nakilala.

"Don't lecture me about kid stuff, Kendrick! Alam mo na sa ating dalawa, ikaw ang – putangina!" napamura na lamang si Richard nang biglang tumagilid ang lipad nila.

"May sinasabi ka, Richard?" ani Ken na nakangisi pero kita sa mga mata nito na ayaw pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.

"Fuck you!" na tinawanan lamang nito. Mabuti at hindi nagising si Nia. Napakatarantado lang talaga ni Ken. And he still couldn't believe that Ken's the second best among them. Para kasing gago.

TRA2: Insatiable Man [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon