Chapter 4

6.5K 206 5
                                    


Chapter Four: Nia: The Truth Behind His Lies



Sa kanilang pito, si Richard ang maituturing na pinaka-kalmado at pinaka-pasensiyoso sa lahat ng bagay at sitwasyon. Being the brain of their group, kailangan nito ang katangian na iyon. Idagdag pa na ang mga kasama ay madalas na isip bata.


"Chad, nagugutom na ako. Tanghali na pero hindi pa tayo kumakain."


Bahagya lamang niyang sinulyapan si Nia. Hindi niya alam pero mula nang kuhanin at iuwi niya angdalaga mula sa lugar na pinagtaguan niya rito ay naging magulo ang tahimik niyang mundo. Nia's making him feel things he never felt before and it's bothering him big time!


"What do you want to eat?"


"Iyong masarap." Anito kasabay ng paghila sa laylayan ng t-shirt niya. "Doon. Maraming tao. Siguro ay masarap ang pagkain doon."


Sinundan niya ng tingin ang tinutukoy nito para lamang mapakunot noo nang makitang sa isang sikat na fast food chain nito gustong kumain. At ang daming bata!


If there's one thing he hates, iyon ay ang pagkain sa fast food chains. Their food is good but the environment is not. Hindi nga niya maintindihan kung paanong nae-enjoy ng mga tao ang kumain habang may nakabantay sa kanilang ibang customer na hinihintay na bakantehin nila ang inookupang lamesa.


"No. Ayoko riyan." Ngumuso si Nia and from her reaction ay alam na niyang magtatanong ito ng kung ano-ano.


"Why not, Chad? Mukhang masarap kumain doon. The kids look happy."


"Hindi ka makakakain ng maayos diyan."


"Bakit nga?"


"Kasi fast food iyan. You need to eat fast so the others can use the table unlike in a restaurant, pwede pa tayong magkwentuhan."


Totoo ang sinabi niya. Ang hindi lamang niya maintindihan ay kung bakit may ilang customer na akala mo nasa bahay nila kapag kumakain sa fast food. Kaya nga fast food chain ang tawag. You need to eat fast. Very simple but most of the people didn't know that.


"Wala naman akong iku-kwento. And it's fine if we need to eat fast."


Sa halip na makipag-diskusyon ay pinagbigyan na lamang niya ito sa gusto. He looks for a vacant seat for them. Nang makakita ay pinaupo niya roon si Nia para um-order ng pagkain nila pero pagbalik niya ay wala na roon ang dalaga at na sa kabilang lamesa na at nakikikain.


He groaned in frustration. Mabilis niyang nilapitan si Nia at hinila paalis doon pagkatapos humingi ng paumanhin sa sinaluhan nito ng pagkain.


"What do you think you're doing?" mariin niyang tanong. Nang may makita siyang crew ay ipinabalot niya ang order at mabilis na umalis roon.

TRA2: Insatiable Man [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon