Chapter 15

4K 149 32
                                    

Chapter Fifteen: Disguise


"ARE YOU DONE with your task?" Richard asked Lorenzo. Pakape-kape na naman kasi ang lalaki sa isang tabi. Akala mo walang trabahong gagawin.

"Yeah. Jordan and Steven, too." Anitong sinulyapan siya at kinunutan ng noo. "Loosen up a bit, Richard. Masyado kang tense. Everything is under control. We just have to play a little to make it more exciting."

"Bakit walang panloob 'tong coat ko? Sino may pakana nito?" reklamo naman ni Ken pero mukhang nag-e-enjoy naman na kita ang dibdib sa royal blue nitong coat.

Lahat sila ay nakabihis na. Hinihintay na lamang nila si Thea na hindi napigilan ni Leandro sa pagsama sa party. Hindi na pinansin ni Richard ang mga kasama at itinuon na lamang ang atensiyon sa paglilinis ng baril.

Ang pagbabalik niya ay naging usap-usapan sa business world. May ilang naniniwala na may natira pang del Rios na buhay ngunit walang nakapagatunay niyon. Then, Arisa – one of the del Rios' butler confirmed that the heir was coming back to claim what is rightfully his.

Nabulabog hindi lamang ang media at business world kung hind imaging ang underground world na kinabibilangan ng mga Ariston.

But who are them compared to who he is right now?

Nagtrabaho siya – sila sa mundong iyon ng ilang taon pero kahit kailan ay hindi sila naging under ng sino mang mayayamang negosyante, politiko o ano pa man. Kahit na binabayaran sila para sa kanilang serbisyo noon ay nanatiling ilag ang mga ito sa kanilang pito.

Iilan lamang ang nanatiling buhay na kilala ang mga mukha nila dahil ang karamihan ay tinapos na nila ang buhay.

If they couldn't remain silent, they will do the job to silence them no matter who they are. Sa dami ng napaslang nila, marahil ay matagal ng sunog sa impyerno ang mga kaluluwa nila.

But who would have thought that a day like this would come?

Si Leandro ang nauna at ngayo'y siya naman. Ang buong akala niya ay obligasyon lamang at tawag ng laman ang namamagitan kay Leandro at Thea but now, he's experiencing it, too – the feeling of wanting to protect someone at all cost.

Thinking about Nia right now caused him so much anger for himself. Ano kaya kung hindi niya itinago noon si Nia? Na sa mas maayos kaya itong kalagayan ngayon? Paano rin kaya kung pinalaki niya ito ng maayos?

No. The latter was impossible. Sa klase ng buhay na mayroon siya sa nakalipas na mahigit sampung taon, kung isinaman niya si Nia, marahil ay mas napahamak pa ito or worst – baka naging katulad niya na may bahid ng dugo ang mga kamay.

"Arisa," he called his personal butler who's standing at the corner. "These men... their comrades but if you happen to meet them in the party, just act as if you didn't know them at all."

"I understand." Tanging sagot ng huli na nagyuko ng ulo bilang paggalang sa kanilang naroroon sa silid na iyon.

"Sigurado ka ba'ng na sa'yo pa rin ang katapatan ng isang iyan?" Jordan asked and he just looked at him.

"Are you sure you're asking him that, Jordan?" Steven butts in.

Lorenzo laughs. Si Ken ay nakangisi naman habang sinisilip kung ano man ang ginagawa ni Rui sa cellphone.

Lahat sila ay nakahanda na pero nasaan na kaya ang mag-asawa? Kanina pa nila iniintay sila Leandro na marahil ay may pinagkakaabalahan na namang ibang bagay.

TRA2: Insatiable Man [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon