Chapter 7

5.8K 210 15
                                    

Chapter Seven: He is Gone


Dinala siya ni Rui sa tirahan nito. Magulo iyon at mas maliit kaysa sa bahay ni Richard. Nakalimutan niya ang tawag pero ang tirahan ni Rui ay bahagi ng isang malaki at mataas na gusali.


Isa-isa niyang pinulot ang mga nagkalat na stuff toys sa buong paligid. Mahilig ba ito sa laruan? Isip bata ba ito? O sadyang nangongolekta lamang ng iba't ibang uri ng laruan dahil wala siyang makitang magkakapareho sa mga nakakalat.


"Sa'yo ba ang mga ito?" inilagay niya ang lahat sa tatlong couch na naroon. Ang iba ay sa center table. Nilinga niya ang paligid. Marami pa rin ang nagkalat.


"No."


"Bakit mo ako dinala rito? Galit si Chad. Baka patayin na talaga niya ako." Napanguso siya at itinigil na ang pamumulot ng mga laruan lalo na at hinawi lamang iyon ni Rui para makaupo ito sa pang-isahang couch at nagpipindot sa cellphone.


"Huy!" untag niya rito na bahagya lamang siyang tinapunan ng tingin dahil busy ito sa cellphone. Paminsan-minsan ay nakikita pa niya ang pagtaas ng sulok ng mga labi nito. "Ibalik mo na kaya ako? Hindi ka naman nagsasalita. Kanina pa tayo magkasama."


Tinitigan niya ang binata. Sa lahat ng kaibigan ni Chad ay ito lamang ang singkit. Tapos ay sobrang kinis ng mukha na daig pa ang sa kaniya. Wala itong freckles na tulad ng sa kaniya o kahit na bakas ng kahit ano maliban sa maliit na nunal nito sa dulo ng pang-ibabang labi.


Mukha naman itong mabait pero kasi, hindi ito nagsasalita ng marami.


"Ibalik mo na ako. Richard will kill me. I saw him earlier and he looks livid!"


"He won't."


Iyon ang huling salitang narinig niya kay Rui hanggang mag-umaga. Nang magising siya ay inabutan siya nito ng isang pares ng damit pambabae.


"Take a shower. We'll go back this afternoon." Sabay talikod nito.


Gaya ng sinabi ni Rui ay ibinalik siya nito sa bahay ni Richard. Pero bago iyon ay dumaan pa sila sa bahay ni Ken kung saan siya nag-enjoy ng husto dahil sa among maliit ni Ken. Naroon din sila Jordan, Steven at Lorenzo kasama ang mag-asawang Thea at Leandro.


Maraming sinabi ang mga ito sa kaniya bago siya ipahatid kay Rui pabalik kay Richard na nadatnan nila na naglilinis ng sasakyan nito.


"I'll go ahead. Thanks for a night, Nia." Ngumiti pa sa kaniya si Rui at hinalikan siya sa pisngi saka bumulong. "Do your part."


Mabilis naman siyang ngumiti pabalik ka Rui. "Nag-enjoy ako. Masarap pala talaga." Makahulugan niyang saad tulad ng itinuro sa kaniya ni Thea. "Next time ulit?" aniya sa pinasiglang tinig.


"Sure. But not after Lorenzo, Steven and Jordan is done with you." Isang ngisi ang ginawa ni Rui bago binalingan si Richard at tinanguan saka tuloy-tuloy na umalis.


Now, she was left alone with Richard and his anger.


Inilang hakbang nito ang distansiya nila at hinila siya papasok sa bahay. Halos mawasak ang pinto sa sobrang lakas ng pagkakasara nito niyon kung saan siya nito isinalya sa nakapinid na pinto. Hindi pa man siya nakakabawi ay marahas na nitong pinunit ang suot niyang damit, leaving her half naked in front of him.

TRA2: Insatiable Man [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon